Chapter 6: Stolen

1.5K 27 7
                                    

"Super excited na ako Becky sa first class. Tapos mag-classmates pa tayo!" kinikilig na sabi ni Caroline sa bagong kaibigan.

"Oo nga eh! Kaya lang hindi naman natin classmate si Beethoven." nalulungkot na sabi ni Becky. 


"Teka lang... type mo ba siya?" Caroline. 


"Hindi ba halata???"


"Nahalata ko nga eh, I mean... What's not to like about him? Mabait, gentleman, gwapo... you name it." detalye ni Caroline tungkol sa binatang si Hoven. 


"Oo, kaya lang... he's a playboy." nakitaan ni Caroline ang kaibigan ng pag-kadismaya. Pero nasaktan din siya sa narinig.

"Paano mo naman nasabi yan? Parang wala naman sa itsura niya ang pagiging playboy ah?."


"Oo nga... but I've known him since forever. Bata pa lang kami, lapitin na siya ng mga girls sa dati naming school.  Tapos, mag ku-mare pa ang nanay namin." kuwento ni Becky. 


"Ang suwerte mo naman pala." puri ni Caroline sa kaibigan. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na may lihim din siyang pagtingin sa binata. Gusto niya sana itong aminin sa kaibigang si Becky, ngunit pinili nalang niyang ilihim ito.

"Ikaw? Wala ka pa bang crush dito? Madaming freshmen na guwapo ah? Si John, si Leo, tapos yung isa pang matangkad na kamukha ni Logan Lerman." sabi ni Becky na para bang nagniningning ang mga mata.

"Ha? Actually hindi naman talaga ako mahilig sa mga crush crush eh. Gusto ko kasing mag-concentrate sa pag aaral ko. Ayoko ng distractions." pagtatanggol ni Caroline sa sarili.


"Hay nako! Abnormal ka ba? Sis, crushes are normal. Falling in love is very special. Ayaw mo bang sumaya? Hindi lang naman distractions ang mga ganyang bagay noh! Pwede naman din... inspiration! Di ba???"


"Hay nako, din! Basta! Wag naman sa first day of class. "


Natawa ang dalawang magkaibigan sa babaw ng pinag-uusapan nila.

"Eto na pala! Room 408. Tara pasok na tayo!"  ilang segundo lang ay nawala ang bigat sa dibdib ni Caroline. Alam niyang... pag nagpatuloy ang kuwentuhan... baka hindi na niya maitago kay Becky ang nararamdaman niya para kay Hoven. 


"Tara, dun tayo umupo sa may likod. Buti nalang hindi tayo na-late." Becky. 


Medyo malaki ang classroom na iyon, parang yung mga lecture rooms na nakikita sa American TV Series pero baka almost half size non. Yung pang universities. Sa sobrang mangha ni Becky, hindi niya nakita ang baitang ng hagdan at nagkamali ng apak. At aksidenteng bumuwal kay Caroline at napahawak sa may sandalan ng isang upuan.


Parang slow motion, na-out of balance din si Caroline at mahuhulog sa hagdan. Parang matrix. Pinikit niya ng mahigpit ang kanyang mga mata. At biglang napamulat at nag-taka. Hindi ako nasaktan? Super hero na ba ako?

Meeting Mr. GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon