Chapter 5: Hired

1.2K 22 4
                                    

Nililibit ni Caroline ang buong eskuwelahan. Mga 1 hour na yata siyang nag-lalakad, pero hindi parin niya mahanap ang office of the registrar. Nakarating siya sa planetarium ng eskuwelahan. At sa isang sulok, may isang estudyanteng nag-cocomputer. Minumukaan niya ito ngunit hindi niya masipat ang mukha nito. Bago man siya makalapit sa babaeng estudyante... 


"Who's there?" tanong nang babae na parang may halong takot. 


"Excuse me... medyo naliligaw yata ako miss. Nawala kasi yung school map ko eh. Pwede magtanong?" Caroline. 


Tumayo ang babae na may 4'10 na height at lumapit sa kanya. Biglang namula sa hiya si Caroline ng makita ang niya kung sino iyon. Kamukha nito ang lalakeng bumunggo sa kanya sa swimming pool. Para silang iisang tao lang... Luna Reed naisip niya. Grabe! Talagang magkamukha silang dalawa. Ilong, mata, hugis ng mukha. Ang pagkakaiba lamang ay ang gender nila. 


"Hello miss... saan ka ba dapat pupunta?" nakangiting tanong ni Luna. 


"Sa office of the registrar. Kasi may kailangan akong kausapin." Caroline. 


"My gosh! 6pm ang closing nila, kaya dapat bilisan natin. " sa isang iglap, tumatakbo na ang dalawang dalaga sa hallway. Kapit ang kamay ni Caroline, hindi niya mapag-tanto kung paano nkakatakbo ng ganito kabilis si Luna, naka high-heels pa naman ito. 

Ilang minuto lang... 


"Tok tok tok!" katok sa pinto si Luna. 

Tiningnan ni Caroline ang name ng kuwarto at andun na nga sila... "Office of the Registrar." 


"Yes, Ms. Reed, how may I help you?" nag-bow ang babaeng nasa mid 40's kay Luna sabay ngumiti ng malumanay. 


"My friend here is looking for your office Mrs. Gomez. I think she needs to talk to you." Luna. 


"Thank you very much! Pasensya na kung naabala kita kanina. Mukhang busy ka pa naman kanina." apologetic ang tono ni Caroline. 


"No, I wasn't. Naglalaro lang ako LOL. Kanina. Malakas kasi ang Wi-fi dun sa planetarium kaya dun ako nag-lalaro." amin ni Luna. 

Parang si Caroline pa ang nahiya para kay Luna. Pwede ba talaga yon? At saka, talagang sa harap pa ni Mrs. Gomez niya sinabi ha? 

 Pagka-sara ng pintuan ng opisina... 


"Have seat. What can I do for you?" Mrs. Gomez


"Gusto ko po sana mag-inquire tungkol sa pagiging working student." 


"Ikaw ba yung usa sa mga scholars na naka-pasa last audition?" Mrs. Gomez


"Ako nga po. Eh may nakapag-sabi rin po sa akin na may job openings din kayo

for the scholars."


"That's correct. This program is actually for the scholars like you that also want to earn and help you support our schoolneeds. " explain ni Mrs.Gomez.


"Naku... malaki po ang maitutulong nyan sa mga katulad ko. Pwede po ba makita ang mga job openings ninyo?"


"We don't really have any specific job positions. We're just going to assign your designated task every month. You can start tomorrow. I will hand you the assignment tomorrow."


"Talaga po? Sige hintayin ko nalang po bukas." Sobra ang tuwa ni Caroline. At least ngayon... hindi na sya kailangang intindihin ng mama niya financially.

Simula ng mawala ang papa nila at sumama sa ibang babae... hindi na sapat ang budget ng family nila dahil ang mama lang niya ang nagtatrabaho.

***

**

**

7:00am

Ding dong ding dong

Tunog nang centralized alarm ng buong school.


"Caroline!" Sabi ng isang matabang babae na pumasok ng quarters.


"Yes, ate?" Kumukura kurap pa ang mga mata ni Caroline dahil sa antok.


"Heto na nga pala ang assignment mo ngayong buong buwan." Ini-abot ni ate ang papel.


" Thank you ate!!!" Niyakap ni Caroline si ate sa sobrang galak.


"Nakuuu iha! Hind ka lang pala matalino... masipag ka pa! Malayo ang mararating mo!"


"Pangarap ko po talaga ate ang makapasok dito at abutin ang pangarap kong maging broadway singer and actress." Paliwanag ni Caroline. Nadama ng ale ang lakas at determinasyon ng dalaga.


"Tama yung ganyan. Habang maaga, mangarap lang ng mangarap. Habang bata, mag-trabaho ng mag-trabaho. Kasi malakas pa ang katawan niyo para labanan ang dagok ng buhay. "


"Oo nga po ate! Sinasabi din yan sa akin ni mama."


"Tama naman talaga yun ija. Tignan mo kami, hanggang dito nalang ako sampu ng mga kaibigan ko. Hindi na nga ako maka-attend ng school reunipn namin dahil nahihiya ako sa sinapit ko."


"Bakit po? Eh marangal naman po ang trabaho ninyo. At para na kayong mayor doma nitong eskuwelahan. "


"Madaling sabihin yan. Pero 10 years from now, mag-kikita kita kayong magkaka-classmates tapos yung iba, doctor, abogado, business tycoon... tapos ikaw. labandera? janitress? Siyempre nakaka-sama ng loob at nakakapag-sisi. Masasabi mo nalang. Sana pala... nangarap pa ko.


"Naiintindihan ko na po "


"Sige sige.na. baka malate ka pa sa unang araw ng klase mo."


"Sige po thank you."


Binasa ni Caroline ang assignment niya.

3:00-6:00 - Master Dormitory

Chores : cleaning, delivering snack and washing the dishes, helping the Olympians if necessary.

7:00-8:00 - School library

Task: arrange the books

No work on weekends and school holidays.

Agad naghanda si Caroline sa pagpasok. Kumakanta pa ito sa banyo habang naliligo. Makikita ang tuwa at appreciation niti sa lahat ng saya at swerteng tinatamasa.


Isa ito sa mga pinka-importanteng araw sa Olympus. Gagawin niya ang lahat huwag lamang ito masira ng ibang tao, lalong lalo na si Chronus.

Focus! work work work study study study. Pero dapat may konting fun and konting friends. Kailangan kong pilitin makatapos at maka-ipon. para naman may pera ako sa next summer.

Meeting Mr. GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon