"What are the chances you'd ever meet someone like that? he wondered. Someone you could love forever, someone who would forever love you back? And what did you do when that person was born half a world away? The math seemed impossible."
― Rainbow Rowell, Eleanor & Park
"For English class?"
Nagulat si Caroline sa boses na bigla nalang sumulpot sa tahimik na hardin.
"Pwede bang itigil mo yung ganyan?" Caroline.
"Anong ganyan?" Chronus.
"Eh di yan... yung panggugulat mo! Para kang kabute kung saan saan sumusulpot, tapos para kang bula na bigla nalang nawawala. Yung totoo... Engkanto ka ba?" Pang-asar na sabi ni Caroline.
"Ang korny mo!" sabay hagod sa ulo ng dalaga. "Ano ba yang binabasa mo?" Chronus.
"Eleonor & Park. At saka, hindi siya para sa English Class. Ni-refer lang sakin ito ni Becks. Maganda daw. Gusto mong humiram?"
"No, thank you. Hindi para sa taong katulad ko ang ganyang mga stories." Chronus.
"Hindi mo pa naman kasi nababasa... nag-judge ka na agad. " sabay irap.
"Anong hindi? Natapos ko na nga yang librong yan!"
"Eh akala ko ba hindi para sayo ba't mo tinapos?" Caroline.
"Eh, kasi si Elena. Last year, favorite niya ang novel na yan. Tapos sabi niya basahin ko daw." Chronus.
"So, binasa mo naman?" Caroline
"Yup. for 5 hours." Pag-yayabang ni Chronus.
" Ano? Meron bang kayang basahin ito ng 5 hours lang?" Pag-tataka ni Caroline.
"Tapos alam mo parin ang story?" dagdag nito. Tumango lang at ngumiti ng bahagya si Chronus, na parang nagyayabang talaga.
"Sabagay, kaya nga ikaw ang top 1 ng Olympus. Hindi nakapag-tataka. Pero, kung si Elena lang ang talagang pumilit sa iyo, bakit ka naman nag-papilit?" Caroline.
"Puwede bang paupuin mo muna ako, bago ka mag-interview?" request ni Chronus.
"Ay, sorry naman. Sige upo ka dito sa tabi ko." Ibinaba ni Caroline ang kanya pilay na paa ng bigla nalamang itong hinawakan ni Chronus.
"Ano ba! Masakit!"
"Wait lang... dito mo ipatong." inilagay ni Chronus ang pilay na paa sa kanyang kandungan. Hindi maikaila ng dalaga ang kilig. Parang kagabi lang. Kakaibang Chronus ang kasama niya kagabi sa may lawa at ngayon dito.
"Ang akala ko kagabi, monster ka sa umaga... tapos tao ka sa gabi. Pero ngayon, tirik naman araw... pero mabait ka parin. Ano ka ba talaga?" Caroline.
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Gifted
Fiksi RemajaSabi nila, opportunity knocks once. So, when it comes knocking on your door... grab it. Pero paano kung eto ang opportunity na pinaka-hihintay mo, pero ang dami namang distractions. Kaya mo kayang mag-focus? Kaya mo kayang pigilan ang gulo sa isip m...