chapter 3.0

441 15 2
                                    


Jema

Ang dilim. Hindi ko siya masyadong makita, but I still melt, knowing that it's her. Ito na, nagparamdam na ang longing ko para sa kanya. Sobrang tagal na, miss na miss ko na siya.

Sana pang-habangbuhay na 'to. I don't ever want this to stop.

Gusto pa ba niya? Hindi naman niya siguro gagawin 'to kung ayaw niya, di ba?

I have so much questions, I want love to tell me the answers.

"Tama na landian!" Sigaw ni Mafe at biglaang binaril yung dibdib ni Deanna kung saan nakalagay yung target. Kahit sabihin nating matanda na si Mafe, hindi pa rin mawawala ang asal bata niya.

"Deanna! Pare tsong!" Tumakbo si kuya Cy papunta sa direksyon ko at mabilis akong dinakip, nakatutok yung baril niya sa target ko. "Dahil sa'yo wala na si Boss D!" Jusko, nagdrama pa 'tong hayop na 'to. Pati na rin siya, walang pinagbago, grade 1 pa din ang peg.

"Ate!!" Bumaril ulit si Mafe kaso nga lang ako yung natamaan, so, wala useless din ang pagdaing sa akin. Tawa lang si Cy until may nag-out sa kanya kasi ang ingay na namin, madali na kaming hanapin. The four of us ended up losing either way.

After non, lumabas na kami and medyo masakit yung mga mata ko kasi nagaadjust pa sa liwanag. "Guys take-out tayo, ha? May date pa ako mamaya, hehe." Sabi ni kuya Cy, binatukan ko siya, "Ang landi mo." Sabi ko.

"Sus, parang kanina lang hindi siya lumalandi." Sambit niya, bigla namang namula at uminit ang mukha ko.

Napatingin ako kay Deanna, parang siya rin namumula. I smiled at that.

"Doon nalang muna kayo ni Deanns sa may fountain, kami na ni Mafe mag-oorder, okay?" Kahit ano pa mang gawin kong pagtanggi, si kuya Cy pa rin ang masusunod. So wala akong choice kundi maglakad kasama ni Deanna sa may fountain.

We're both starstruck...? Or better yet, lovestruck. Bakit? We just kissed! After 5 years of waiting, of mourning, of trying to forget the feelings that got abandoned, sino nga naman hindi magugulat at maspe-speechless?

Deanna had guts, that's one thing for sure. Yun rin sa parte niya ang na-miss ko, so much, kasi yung determinasyon niyang makuha ang isang bagay is really inspiring. I fall deeper.

But if she can do it, kaya ko rin. I want to break the silence between us.

"Deanna, bakit?" Napalunok ako nang masabi ko 'to.

After a full minute, akala ko dededmahin lang niya ako, but when I turned my head to look at her, she's looking back. My heart skipped.

"I know things haven't been... clear for us, pero I want to fix us, Jema," she licked her lips, taking her time, "Gusto 'kong bumawi, I'm going to explain to you everything and in order for me to do that is if you'd let me."

"So, I'm going to ask you, pwede pa ba?"

I nodded, the seal in my chest is now broken, wala ng barrier na pumapaligid around me, no more walls, I'm taking it. "'Di lang ikaw ang dapat mag-fix sa akin, I will fix you too, we will fix each other." Then I see her smile from ear to ear, a real smile. And I smiled back.

"Nilalanggam ako sa totoo lang." Nakita ko na nakabalik na sila Cy at Mafe, ang daming dala. "Pero mukhang okay na kayo, ah. Tara na, guys, may next stop pa tayo." Ano daw?

"Next stop? Saan? You didn't inform me, ha." I spoke, napatawa yung kapatid ko, "Eh paano ba naman, nahiya pa siya, kailangan niya ng tulong sa ka-date niya. Mukhang lab na lab, eh." Explain ni Mafe.

"Ay, kaya pala. Sige, game ako, baka mabigay mo agad wedding ring kesa mga bulaklak, padalos dalos ka pa man din." Biro ko, "Ito naman, minsan lang ako magka-love life!"

dyslmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon