Chapter 4

17 2 1
                                    


His POV

Ayaw ko man iwan si ada magisa doon hindi rin naman pwede pabayaan yung pwesto ko sa council tsaka emergency kaya iniwan ko muna si ada, habang naglalakad ako pabalik sa council Nakita ko si Nerissa na nag aabang sa labas ng room nila nagulat ako ng Makita ko Terrence, tsk bakit pa nga pala ako magugulat hindi ko talaga kinakaya tong lalaki na to kanina lang umiiyak sya kay ada ngayon pupunta na sa kabit nya tsk tsk, sayang na sayang talaga yung mga luha ni ada dito sa ex nyang tarantado.

Nerissa: gusto mo ba sa bahay muna tayo? Para naman hindi ka Makita nila tita ng ganyan

Terrence; No tatambay nalang muna ako sa gym, sama kaba or ihahatid na kita?

Nerissa; no, sasama nalang muna ako sayo

Terrence: alright

Nerissa: hindi naging maayos paguusap nyo noh?

Terrence: nope, she broke up with me, hindi nya daw ako kayang patawarin at hindi nya daw alam paano nya pa ako haharapin maski bilang tao nalang

Nerissa: harsh din talaga yang girlfriend mo ehh, don't worry nandito naman ako for you ehhh, hinding hindi kita iiwan

Terrence: thank you bub!

Nerissa: welcome bub! (sabay halik kay Terrence sa pisnge)

Matthew: nakakadiri nga sila tignan gaya ng sabi ni ada, naalala ko sakanilang dalawa yung ex ko dati, funny bakit pa nga ba ako magtataka yung ex ko ate lang naman ni Nerissa, parehas silang manloloko magkapatid nga talaga tsk!

#COUNCIL

Mark: natagalan ka ata bro ahh?

Matthew: sorry guys may inayos pa kasi ako sa may faculty ehh, so what's the problem?

Chelsea: yun na nga pres ang problema kasi ayyyyyyyyyy....... HAPPY BIRTHDAY PRESIDENT!!!!!!!!!!!!! (sabay sabuy ng mga creepe paper kay matthew)

• Doon nya lang din napansin na fully decorated pala ang council room at may mga picture nya pa, mga solo picture, with the squad, picture ng buong section nila at lastly mga picture with council, meron din doong pictures na kumukuha sya ng picture sa programs nila, isa din kasi sya sa official photographer ng school nila

Cherry: iiyak na yan pres ohh!

Rickky: iiyak na yan!!!

All: iiyak na yan!

Matthew: ano ba kayo! Nakakahiya naman ehhh, pinakilig nyo nanaman ako!

Ali: deserve mo pres! Tsaka last na taon na natin dito ehh, sinusulit lang namin

Trish: nga pala pres baka bumitaw na po ako

Matthew: ha? Last year na ehh ngayon kapa ba aalis trish naman

Trish: *tumatawa* pres talaga ohhh, kay lokong boyfriend doon po ako bibitaw

Matthew: Mabuti lang yun, gusto mo ba resbakan pa natin ehh diba mark? joseph? Keith?

Joseph: oo naman pres, alam mo namang pamilya turingan natin dito

Keith: yun yung isang basketball player diba? Yung luke?

Mark: bagay sakanya yung pangalan nya sakanya, lukeko- lukeko!

• Napatawa lahat ng council sa biro ni mark*

Trish: alam mo buti talaga may mark ehh noh? Kahit walang masyadong ambag na ideas, may pa jokes naman nakakagaan sa pakiramdam kahit papaano

Mark: nako wag kang mapo-fall saakin trish, baka hindi din ako makapagpigil nyan marupok pa naman ako hahahah (sabay acting ng kinikilig)

Trish: gags! Kahit kelan talaga mark napakapabiro mo!

Mark: atleast napatawa kita, alam mo naman ako hindi ako yung tipo na maraming mapapayo kasi dinadaan ko sa mga biro para naman kahit papaano mapangiti ko yung tao na may problema, para kasi saakin yung mga problema dapat hinahayaan natin kay God maniwala tayo sakanya tapos mag go with the flow mamuhay ka na parang wala kang problema hanggang sa magugulat ka nalang Nawala na yung problema natapos na, parang pang naghihintay lang tayo ng order natin kailangan natin maglibang para hindi natin mamamalayan yung oras, yung mga nangyayari

Cherry: teka umalis ata si mark ahh, kapatid nya ata to!

Rickky: mark left the group

Chelsea: grabe grabe hahahaha

Matthew: ok lang yan par! Nagulat lang kami

Mark: grabe kayo pag nagloloko ako sinasabi nyo puro ako kalokohan nung nag seryoso naman ako akala nyo hindi ako to, grabe kayo

Matthew: tsk tsk, kumain na nga tayo!

Mark: pasalamat kayo mahal ko kayong lahat kaya ayaw kong nagseseryoso ehh wala namang nagseseryoso saakin

Cherry: tara seseryosohin kita!

Joseph: yieeeeeeeeeeeeeeeeee poreber shipppp!

Cherry: ahahhah loko!

Keith: kinilig ka naman, asus!

Cherry: bakit naman ako kikiligin noh?

Matthew: kumain na nga tayo, kayo talaga

Mark: tsk, dapat si pres din ehhh ibugaw na natin! isang taon na din ehhh magdadalawa na nga ehh

Matthew: tigilan mo ako!

Joseph: bakit pres? Wala lang ba si ano? Opsss hahaha

Rickky: bawal mag drop name ehhh

Ali: Andaya nyo talaga noh? Hanggang ngayon hindi pa din namin kilala yang crush ni pres

Chelsea: oo nga pres, share share din po ahahahaha

Matthew: nako wag kayong magpapaniwala dyan sa mga yan, kumain pa kayo

Cherry: si pres umiiwas sa issue hhahahah

Joseph: magkukunwari nalang ako na walang Nakita kanina pres

Mark: Nakita ko din yun pres ehh, nung papunta ako dito, kaya nga nung natagalan ka alam ko na agad bakit ahahhaha

Ali: nako si pres inlove na ulit ahahhaha, sa wakas!

Rickky: hayaan mo pres kahit hindi mo pa ipakilala yan saamin support ka namin ngayon ka nalang kaya ulit sumaya ng ganyan

Mark: ayts, matagal na yun diba? Childhood opssss hahahah no spoiler pala sorry pres

Cherry: ayyy nauna pa kay nako nako iba ang tatag nyan pres ahhh

Rickky: pormahan mo na pres

Matthew: kalokohan nyo talaga, hindi pa pwede ehh hahahah tsaka feeling ko hindi naman kami bagay hindi kami compatible sa isat isa kaya kahit matagal ko na syang crush no move, feeling ko din hindi ako yung type nya ng lalaki, kaya wag nalang hahahhah

Ali: si pres talaga ohhh nawawalan agad ng pag asa hindi pa naman nagta-try ehh, cheer up pres! May pag asa ka dyan for sure kung sino man sya

Matthew: ayts! Ahhahah change topic

Trish: umiiwas talaga to ohh, *nag ring phone nya*

Ohhh shittt!, sorry sorry, pres mauuna na po muna ako emergency lang po code black po kasi yung bestfriend ko ehhh sorry talaga pres babawi ako sayo, mukhang available na sya pres reto ko sayo ahhahah charr lang pres may mystery girl na pala happy birthday ulit pres sorry talaga

Matthew: *narealize ni matthew na si ada yung sinasabi ni trish* ganon ba sige sige kung ano man yang code black nyo at mukhang kailangan ka talaga ng bestfriend mo, marami pa namang ibang oras mag ingat ka

Trish: thank you pres!

Throbbing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon