Chapter 27

13 0 0
                                    

Nagulat ang binata sa ginawang paghalik sakanyang pisnge, sanay lang siyang niyayakap ng dalaga pero ang halikan sya sa pisnge ay panibago sakanya, dahil sa nangyaring paghalik sakanya ng dalaga umuwi ng may ngiti sa labi ang binata, binati niya ang Mama nya ng Makita nya itong naghahanda ng kumain, agad naman nitong napansin ang ngiting ngiting anak nya na tila ba nanalo ito sa lotto at naging milyonaryo bigla.

Mukhang good mood ka ata anak ah? Mas Malaki pa yang ngiti mo ngayon kesa nung nanalo ka sa writing competition mo hahahahha, si Ria ba?-Mapagbirong wika ni Mrs. Cohen

Ma talaga oh! Hindi ako ngiting ngiti hahahahha,psh *kamot sa batok* kakauwi mo palang po?- Wika ni Matthew

Asus ahahahah, saakin ka pa talaga magsisinungaling ahh alam mo namang kabisado na kita, opo kakauwi lang namin ni Princess, nakatulog na agad yung kapatid mo sa pagod, kumain kana ba?-Wika ni Mrs. Cohen

Masaya lang po ako Ma ang saya lang po ng araw na to hahahahah, tapos birthday na po ni Ada next Friday kaya po na e-excite ako, Ma pag po medyo humina yung ulan bukas pwede ko po bang isama si Princess kila Ada? Hindi po kasi makakapunta si Ada dahil kailangang pumasok nila Tita sa trabaho nila bukas, kumain na rin po ako sakanila kanina Ma, umuwi po kasi si Tito-Wika ni Matthew

Kaya naman pala hahahaha, nandito lang ako anak ha? Kung saan ka masaya siguraduhin mo lang ding handa ka sa mga mangyayari bago ka pumasok sa isang sitwasyon. Sa 11 na pala ang birthday nya magbabake ako ng paborito nyang cookie smores next week, anong plano nyo? Oo naman basta't alagaan mo si Princess wag mo ring hahayaang masyadong mag gulo sa bahay nila Ria at nakakahiya naman sa Parents nya, nako strawberry cake ba yan? Mabuti naman may binake akong carrot muffins kanina dalhan mo rin sila bukas-Wika ni Mrs. Cohen

Opo Ma Salamat po, handa po ako sa mga pwedeng mangyari gusto ko pong sumugal kahit po walang kasiguraduhan yung mga mangyayari. Salamat Ma, secret hahaha, may birthday celebration po sa bahay nila, surprise birthday celebration siya Ma, opo Ma ako pong bahala kay Princess-Wika ni Matthew

Nandito lang ako anak, sabi ko naman sayo diba mas mabuti ng ginawa mo yung mga bagay na kaya mong gawin at pwede mong gawin kesa naman magsisi ka sa hinaharap na wala kang ginawa. Nako paniguradong matutuwa si Ria nyan-Wika ni Mrs. Cohen

Sinamahan na ni Matthew ang Mama nyang kumain, kinain nya ang strawberry cake na bigay ng Mama ni Euphoria. Masaya silang nag-kwentuhan ng Mama nya kinuwento nya rin dito ang plano nila para sa birthday ni Euphoria next week, napagpaalan nya na rin ang plano nilang iyon sa magulang ni Euphoria kanina habang wala pa sya, isa pa rin pala sa dahilan ng pagiging masaya nya ng sobra ay ang pagpayag ng mga magulang nito sa panliligaw nya kay Euphoria.

-F L A S H B A C K-

Tito, Tita may plano po pala kaming birthday celebration para kay Ada sa Friday, at naisip ko rin pong doon ko na rin po siya tanungin kung pwede manligaw, pero syempre po kung hindi nyo po ako papayagan na ligawan yung anak nyo hindi ko po itutuloy yung surprise ko sakanya, normal na birthday surprise na lang po. Kaya Tito, Tita hindi po ako nagmamadali, liligawan ko po si Ada sa tamang paraan, at patuloy ko rin po syang aalagaan, malinis po yung intension ko sa anak nyo Tito, Tita kaya po sana payagan nyo po akong ligawan siya-Kabadong wika ni Matthew

Hhahahahahahahha, kabado ka naman masyado anak, kahit hindi mo pa nga hingin ang basbas namin eh payag naman na kami, nakikita namin kung paano mong alagaan ang anak namin Matt kaya naman panatag ang loob namin sayo, kaya oo payag ako sa panliligaw mo sa anak ko, supportado pa kita, nasa anak ko na nga lang ang sagot pero panigurado namang oo ang sagot non hahahahhaha, sabihan mol ang kami kapag may kailangan kayo ha?- Wika ng Papa ni Euphoria

Ako pa ba ang tatanungin mo, syempre oo rin ang sagot ko, may tiwala ako sayo anak simula palang nung hinarap moa ko nung araw na yun nakuha mo na ang tiwala ko, dahil maski mga kaibigan nyan iniisahan ako madalas hahaha, kaya naman sobra yung tuwa ko sayo noon, sana lang anak hindi ka lang sa simula ha? Wag ka sanang magsawa sa anak namin, alam ko na malaking tulong ka sa pinagdaanan nya nung mga nakaraang buwan, nakita ko kung paanong unti-unting bumalik yung saya ni Ria, kaya Salamat anak Salamat-Wika ng Mama ni Euphoria

Throbbing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon