CHAPTER 24

16 1 0
                                    


Saktong 4pm natapos ang lahat ng test kay Ada kaya naman naligo lang sila at umalis na rin sila ni Che, buti nalang walang masyadong traffic kaya naman 6pm nasa Makati na sila sa Venue ng competition ni Matthew. Kinakabahan si cherry kaya naman nagulat siya nung sumigaw si Ada ng... "GO KYLE" nung nakita nya paano tumingin sa mga audience si Matthew at ginanahan ng nakita niya si Ada alam na ni Che ang sign nay un, kaya naman.

Cherry: Euphoria, una na ako? May laban pa rin kasi ako eh

Euphoria: hala oo nga pala, sige sige salamat talaga Che!

Cherry: wala yun, pagaling ka ah? Ingat kayo mamaya!

Euphoria: ingat ka Capt. Ahhh?! Goodluck!

At natapos na nga ang competition ni Matthew at nanalo siya, kaya naman dinumog siya ng mga kaibigan niya. Ngunit hindi nagtagal agad ng hinanap ng mga mata niya ang babaeng nagpalakas ng loob niya kanina nung nahihirapan na siya. At sa gitna ng maraming tao, nakita niya si Ada na nakasuot ng mustard tank top at mom jeans, at naka white na sneakers, naka simpleng ponytail lang ang buhok ni Ada at hindi rin ito nakabonggang make-up. Pero sobrang gandang ganda sakanya si Matthew, hindi sya nakapagpigil, tumakbo siya kay Ada at sinalubong naman siya nito kahit na nagulat siya kay Matthew. Matapos ang mahabang yakap nila sinuot ni Matthew kay Ada yung medal niya

Matthew: sorry hindi yan MVP medal tulad ng nakasanayan mo, alam ko rin sinabi mo saaking kaya mo ng mag-isa, pero sana maski yan tanggapin mo Ada kasi isa ka sa mga naging inpirasyon ko sa laban kong to, pasensya na ron sa kahapon, sorry sa pagpilit ko sa sarili ko sayo, gusto ko.....

Yinakap ulit ni Ada si Matthew, at ginulo niya ang buhok nito

Euphoria: ano kaba! Ayos lang yun! Hahahah tsaka ano kaba pinaghirapan mo to kaya wag kang mag sorry na hindi MVP medal to. Sorry din sa mga nasabi ko sayo kahapon, nadala lang ako ng emosyon ko tsaka nakakatakot lang kasing magtiwala ulit Kyle, kami nga na nagsimulang mag bestfriend naloko niya ehhh, paano pa yung kakakilala ko lang, alam ko na hindi naman relationship na ano to pero ang hirap lang talagang magtiwala ulit sa kahit sino. Pero salamat, salamat kasi pinaramdam mo saaking hindi ako nag-iisa, pinaramdam mo saaking may kasama ko sa laban na to. Kaya don't worry we're good hahahha.

Matthew: salamat talaga Ada, hindi mo alam gaano mo ko napasaya

Chelsea: let's go love birds hahahha joke. Tara dapat mag celebrate tayo! Ahhaha

Nagtawanan sila at agad na naglakad palabas sa venue ng competition ni Matthew, naglibot-libot sila at nagkasundong sa Jollibee nalang sila kumain dahil gutom na sila at wala ng panahon na maghanap pa ng ibang kakainan. Napangiti si Matthew bigla ng marealize niyang magkahawak pa rin pala sila ng kamay ni Ada, kanina kasi muntik ng madulas si Ada, kaya naman hinawakan ni Matthew ang kamay niya para alalayan siya. Kinilig naman si Matthew dahil nakarating na sila sa Jollibee pero magkahawak pa rin sila ng kamay ni Ada.

Mark: ang tamis naman dito hahahha

Ali: inggit ka nanaman ahhahah

Mark: oo baby, tayo rin dali

Agad na nagulat ang mga kaibigan nila sa tinawag ni Mark kay Ali

Matthew: oyy anong baby? May hindi ba kayo sinasabi saamin?, may alam kayo?

Lahat*except kila Ali at Mark*: wala pres!

Ali: ako na oorder, usual naman diba? Bye!

Matthew: oyyy Ali wag mo kaming takasan!

Mark: samahan ko lang si Ali hahahah bye guys!

Ricky: andaya nyong dalawa! Hahahahah, tsk tsk

Chelsea: andaming nabubuong couple sa council ahh, anong nangyayari? Hahaha, akala ko ba sabay sabay na magpapaka bitter tayo, taksil kayo!

Throbbing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon