CHAPTER 25

27 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Maagang nagising si Matthew sa sobrang excited niyang makasama si Euphoria sa isang buong araw, hindi niya alam kung anong dapat na gawin nila o pag-usapan nila, basta nasa isip niya lang ay mapasaya ang babaeng mahal niya, kahit na hindi ito alam ng dalaga. Hindi sumasagot si Cherry sa mga text at tawag niya kaya naman nag-aalala siya, ngunit nung umaga ring yun ay tinawagan siya ni Ali at sinabing ok lang si Cherry, kaya naman naghanda agad si Matthew para makapunta na siya sa Hospital kung nasaan si Euphoria. Sa sobrang sabik niya na makasama si Euphoria natapos agad siyang magayos ng isang oras, kaya naman saktong 8 am ay tapos na sya at papunta na siya sa hospital, hinatid lang siya ng kanyang tatay dahil ayaw siyang pagdrive-in nito dahil baka anong oras na raw to umuwi at hindi na maasikaso ang mga dapat niyang gawin. Isang oras lang ang naging byahe nila papunta sa Hospital kaya naman inabutan pa ni Matthew ang Mama ni Euphoria sa kwarto nito. Napatigil siya ng nakita niya gaano kaganda ang dalaga kahit na bagong gising ito, at naka hospital gown pa, hindi niya ito napansin kagabi dahil sa kaba niya sa Mama nito, kaya naman ngayon niya lang ito napasin at nabighani nanaman siya, para bang nahulog nanaman siya sa dalaga, agad din siyang bumalik sa sarili ng tawagin siya ng Mama nito at matawa si Euphoria sakanya.

Oh nandyan kana pala Matthew anak, umupo ka muna at mukhang inaantok ka pa ata-wika ng Mama ni Euphoria na natatawa kay Matthew

Ahh, opo salamat po Tita, ahhh medyo antok nga lang po hahaha, pero ayos lang naman po ako, may dala po pala akong mga prutas tsaka ulam po Tita baunin nyo po yung isa-wika ni Matthew na nahihiya sa pagkatulala niya kanina

Hahaha, lalo ko tuloy gusto magkaanak ng lalaki dahil sayo hahahah, salamat nag-abala ka pa hahaha, siya mauuna na ako ah? Alagaan mo ng mabuti tong si Ria, makulit yan kaya paniguradong sasakit talaga ang ulo mo pero tiisin mo lang hahahaha, sige na anak una na ako ah? Wag kang masyadong pasaway kay Matthew ahh, nakakahiya-wika ng Mama ni Euphoria

Opo Ma, hahahhaha si Mama talaga nilalaglag  ako hahahaha, ingat po!-wika ni Euphoria

Ingat po Tita-wika ni Matthew

Pagkaalis ng Mama ni Euphoria saglit na natahimik sila Euphoria at Matthew, ngunit nagulat nalang si Matthew ng marinig niya ang pigil na pagtawa ni Euphoria, at ng liningon niya ito ay hindi na makapagpigil ng tawa ang dalaga at tuluyan na itong natawa.

Sorry hahaha, hindi ko talaga mapigilan eh, ngayon lang kasi kita nakita na ganon yung facial expression mo hahahaha, sorry Pres.-wika ni Euphoria na tumatawa pa rin

Ahhahaha, hindi pa ko bangag nyan ahh hahahaha, tulala palang yun, hustisya naman kasi Ms. Ada fresh pa rin kahit bagong gising ahahahha, ako nga mukhang kwago na puyat hahahaha yung hindi talaga natulog, hustisya Ms. Ada hahaha-wika ni Matthew

Weh? Si Pres magmumukhang kwago? *tinitigan si Matthew na parang kinikilatis*, oo nga noh? Hahahaha nako po Pres.!-wika ni Euphoria habang tumatawa

Aba! Hindi man lang ako binola? Iba talaga si Ms. Ada hahahah, hindi talaga papatalo!-wika ni Matthew

Awww, hahahha sorry na Pres. Yaan mo marami ako concelear hahahaha, ano ka ba gwapo ka pa rin naman kahit haggard kana, sana all diba-wika ni Euphoria

Yun salamat Ms. Ada hahahah, kumain kana ba? Hahaha mamaya tawa tayo ng tawa rito nagugutom kana pala-wika ni Matthew

Alam ni Euphoria na simpleng tanong lang iyon, pero sa simpleng tanong na yun ay naramdaman nyang may halaga siya at may nag-aalaga sakanya, naalala niya rin ang ex boyfriend niya, dahil laging nakabantay sakanya noon si Terrence sa pagkain niya kaya hindi niya napigilang maluha, agad namang lumapit sakanya si Matthew upang patahanin siya, nagulat ang binata sa biglang pag-iyak niya dahil tinanong nya lang naman ito kung kumain na ba ang dalaga.

Throbbing HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon