''Ramon my friend! Peram calcu!'' ngisi ko sa kaibigan ko sa STEM class agad naman niya inabot yung scientific calculator niyang mamahalin sa akin I smiled and thanked him di talaga nagsasalita tong kumag kong kaibigan masipag kasi mag aral.
''tss. Manang bidang doon ka mangheram sa ABM!'' irap nung kaibigan ni Ramon tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Bagong lipat lang ako dito sa El Mozzafiato University naging kaklase ko si Ramon nung grade 9 kami sa De Cipriano National High school, I think he called me manang dahil sa suot ko. Palagi kasi akong naka jacket at stockings kahit mainit.
Bahala siya sa buhay niya naka make up naman ako pak na pak pa nga eh napaka sama talaga ng budhi non
''thanks friend!'' niyakap ko si ramon bago bumalik sa classroom namin, sa HUMSS kasi ako magkatabi ang room ng STEM at HUMSS kaya kay Ramon ako lagi nangheheram wala naman iyong kaso sa kanya pero dun sa dimuho niyang tropa meron.
Napaka, akala mo sa kanya yung calcu mas affected pa sa may ari. Nang matapos ang math class ko ay bumalik ako sa pinto ng room nila Ramon at dahil nga swerte ako, unang lumabas yung dimuho niyang kaibigan hindi ko na lamang pinansin dahil nga aasarin lang ako nitong dimuho na to.
hinablot niya ang calculator na bitbit ko bumuga ako ng hangin dahil nauubusan na ako ng pasensya sa kanya kung hindi lang siguro amoy mamahalin yung pabango neto baka di ko na talaga ko kinausap, napakabango kasi ng pabango ni Isagani kung hindi lang siguro maimpluwensiya ang pamilya niya sa barrio namin sa kabilang isla siguro hindi ito damuho ngayon.
Tumalikod na lamang ako at aambang papasok sa classroom namin nang hatakin niya ako hinila ko agad ang aking braso ''ano?!'' singhal ko sa kanya nang Makita siyang nakangisi.
Siguro kung mabait ka crush kita ngayon kaso demonyo ka! Sigaw ko sa utak ko habang pinipiraso ko ang pagmumukha nitong lalaking to.
'' samahan mo nga ako sa REAM '' utos niya. Wow napaka demanding naman ng lalaking to, magpapasama na lang boss pa ang tono kala mo amo eh no. palibhasa BOSSabos ka pala pwe!
''wow boss may pa sahod ka ba sakin?'' irap ko at pumasok ako sa room namin. Makautos kala mo hari eh no napaka kapal ng betlog mo! Umupo ako sa upuan ko at nasinghal lang ako buong hapon sa klase dahil sa inis ko kay Isagani napaka walanghiya niya talaga.
Nang uwian na ay naiwan pa ako saglit sa room dahil nagbasa ako ng lessons namin. Wala kasing ilaw sa bahay kaya naman dito ako nagbabasa sa school, wala namang kaso iyon dahil dalawang oras pa bago ang sunod na klase dito sa room namin. Kung sa bahay man ako magbasa ay madilim na pagdating ko roon dahil dalawang oras din ang biyahe dahil mag aantay pa ng ibang pasahero sa Bangka at bibiyahe pa ito sa dagat kaya mas nakabubuti na din na dito ako nag aaral.
''hoy manang bidang. Samahan mo na ako.'' Halos tumilapon ang aking libro sa gulat nang maaninag ko si Isagani sa may hamba ng pintuan ng aking classroom pinulot ko ang aking libro at nagbasa na lang uli , wala akong nakita at wala din akong narinig ayaw ko maistorbo at nag aaral ako.
''Astria samahan mo na ako dali na.'' pagpupumilit ni Isagani sa akin umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa hinablot niya bigla ang libro ko sabay takbo palabas ng classroom. Wala akong choice kung hindi habulin siya naikot na ata naming ang buong building ng senior high school hanggang sa parking lot ay hinabol ko si isagani hingal na hingal ako nang maabutan ko siya sa tapat ng sasakyan niya halos isumpa ko na siya dahil sa layo ng tinakbo ko. Ngumiwi siya nang mapansin ang masama kong tingin sa kanya ngunit hindi sapat para matinag siya dahil binato niya ang libro ko sa loob ng kanyang sasakyan ang eco bag naman na bitbit ko ay mapipigtas na dahil sumabit ito kanina sa pinto nang habulin ko siya.
'' you will come with me, Ashtray. '' binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at ipinasok ako nang sapilitan hindi naman ako makagalaw dahil ito ang unang beses na nakasakay ako ng isang sasakyan. Ang tanging nasakyan ko lamang ay jeep , Bangka at tricycle. Iba talaga ang mayayaman ano? May sarili siyang sasakyan pang transportasyon madali para sa kanya makapunta kung saan man niya gusto
Mabilis ang naging biyahe tahimik lamang ako dahil iniisip ko pa ang aking assignment para bukas hindi ko pa kasi ito nagagawa. Nang mag park ang sasakyan ay bumaba agad si Isagani ako din ay sumunod bitbit ang aking mga gamit ngumisi ako sa kanya nang Makita ko ang pag ngiwi niya sa aking itsura
Nagkibit balikat na lamang siya at pinasunod ako habang nakasunod ay nagbuklat ako ng notes para makabasa ako para kahit papano may alam ako para bukas.
Pumasok kami sa kainan Jollibee ang pangalan nito, burger pa lamang ang natitikman ko rito noong may nag volunteer doon sa aming barrio para sa paglilinis ng laot bitbit ng mga estudyante ang mga burger para ipakain sa aming mga ibang nag volunteer para makatulong.
Umupo kami at siya namang tayo niya agad para pumila, kung tutuusin ang swerte ni Isagani dahil ang tangi niya lamang iisipin ay ano ang kakainin niya. Paano ang mahihirap na tulad ko? Ang araw araw na iniisip namin ay kung saan kami hahanap ng maipambibili at ipang gagasta sa kinabukasan.
Paano mabubuhay ng isang araw pa, paano maghanap buhay at kumita para maipangtustos sa pangangailangan.
Bumalik siyang may bitbit na manok at spaghetti sa tray inihain niya iyon at nginitian ako
''ah puwede mag CR muna ako?'' tumango siya di na ako nagdalawang isip at dumeretso ako sa banyo
Para bang pinipiga ang puso ko sa saya. Ganito ba ang iyong mararamdaman pag may nagpapahalaga saiyo? Na may saysay pala ang paghinga mo rito sa mundong ibabaw. Pighati at saya ang dulot ng pagpapahalaga ng isang tao saiyo hindi ba? Dahil ika'y malilito sa iyong nararamdaman.
Bumalik ako sa aming upuan at nagpasalamat hindi naman ako inimik ni Isagani bagkus ay nagsimula na siyang kumain.
''bakit spaghetti lang kinakain mo?'' tanong niya na may bahid ng pagkairita sa kanyang tono. Hindi ko naman magawang sabihin na dadalhin ko ito para sa aking kapatid. Para man lang kami ay makatipid sa araw na ito, baka mamaya ay isipin ni Isagani na masyado kong ginagamit ang pag alok niya sakin ng mga pagkaing ito.''ah. Sa bahay ko na lang kakainin hehe. Salamat ha?'' ngiti ko sa kanya, tinaasan niya lamang ako ng kilay at inirapan babawi na lamang ako sakanya sa susunod. Pangako iyan Isagani balang araw masusuklian ko rin itong pagmamalasakit na iyong ipinakita sa akin.
Nang matapos ay ibinalot ko na ang naka box na chicken joy at inilagay sa aking eco bag nag aya na si Isagani na umuwi dahil nawalan daw siya ng gana nagpaalam ako na sa port na ako magtutungo dahil kaunting lakad lang naman ito mula sa REAM hindi na niya ako pinansin at umalis na agad.
BINABASA MO ANG
Sana Pagtagpuin Muli
RomanceNagmahal si Astria ng labis pero sobra ang pighating dulot nito. kung ang pag ibig ang dahilan para mawala sa kanya lahat ay talilikuran niya na lamang ito, dahil ang pagibig ay hindi dapat sumisira saiyo. sapat nang mawala lahat ng pinaghirapan niy...