5

17 1 0
                                    

Sana pagtagpuin muli tayo ng Diyos, sana ay bigyan ako ng pagkakataong mahalin ka ng tama.

Alam kong hindi ako karapat dapat na humiling ng ganito pero heto ako ngayon nagmamakaawa sa Diyos habang palayo ka sa aking paningin.

Kung sana'y hindi tayo naglapit ng ganito baka sakaling hindi nawala sayo ang lahat.

Matagal mong pinaghirapan ang pagkamit ng valedictorian award mo pero anong ginawa ko? Pati ang birthday mo ipinagkait ko saiyo, para bang ako ang sumira sa buhay mo dahil sa pagdedemand ko ng oras sayo na dapat sa kapatid mo pala.

Hindi ko maipinta ang sakit ng mga sinabi mo pero paano ka pa hindi ba? Mas masakit saiyo lahat ng ito.

Marahil ay pagod ka na sa sakit at pighati ng dulot ko sayo kahapon masyado akong naging makasarili hindi ko nakita ang pagmamahal na binigay mo sa akin kahit pa ang kapalit nito ay pagkawala saiyo ng lahat. Ang tanging dalangin ko lang ay sana masaya ka sa bagong buhay na tatahakin ninyo sa maynila

Pangako, kung pagtagpuin tayo muli ibibigay ko saiyo ang lahat ng dapat saiyo.

Nagpaalam ako kay mama at papa na sa bahay na lang kami magkita nakita ko si Astria na buhat ang kapatid niya habang naglalakad papuntang sentro alam kong duwag ako sa oras na ito dahil hindi ko siya magawang habulin at tawagin para sumakay sa aking sasakyan marahil ay hindi ko kayang harapin siya nang walang ibang maipagmamalaki kundi ang sasakyan ko na binili ng magulang ko.

Maswerte ako dahil may mga mulang ako, hindi tulad nila hindi ko din naramdaman ang kirot at hapdi ng pagmamalupit ng magulang ko ngayon kitang kita ko ang pagkakaiba ng mundo namin pero ang mundo ni Astria ay may matibay na prinsipyo at pundasyon minsan niya na itong binali para sa mundo kong alikabok pa lang ang mayroon. Alam kong hindi na siya muli susugal sa bagay na sumira sa matibay na pundasyon niya, lahat ng hirap at pasakit ay para sa kapatid niya.

Sumunod ako hanggang sa Makita kong pumasok sila sa simbahan, nanatili lamang ako sa labas at nagdasal.

Nang dahil sa pagmamahal natuto akong magpasalamat at magpakumbaba sa mga bagay na mayroon ako nakita kong masayang nakangiti si Astria sa kapatid niya nang iabot nito ang biscuit napaka dakila ng pagmamahal niya.

Tatay, nanay at ate ang ginampanan niyang tungkulin at responsibilidad para sa kapatid niya na kung tutuusin ay sana nag sasaya siya bilang dalaga ngayon pero heto siya sa harap ng Diyos ipinanalangin niya siguro ang kapakanan ng kapatid niya bago ang sarili niya.

I found the right girl pero hindi ko naman siya minahal ng tama.

Pagsisisi at pagkamuhi sa sarili ang nadarama ko tuwing maaalala ko na pinakawalan ko ang isang tulad niya.

Ang tanging dalangin ko sa Maykapal ay SANA PAGTAGPUIN MULI ang aming mga landas ipinapangako ko mamahalin ko siya higit sa pagmamahal niya sa akin. 

Sana Pagtagpuin MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon