2

24 1 0
                                    


Ano bang dahilan at naging magkaibigan si Ramon at Astria na yun? Paulit ulit kong tanong habang nagmamaneho ako pauwi, hindi ko na siya pinansin nang nagpaalam siya dahil ang sabi niya sa port lang naman daw ang tungo niya. Bahala na siya akala ko may something special sa kanya wala naman pala.

Inuwi niya pa yung chicken joy na binili ko nakakahiya. Para bang ngayon lang siya nakakain nun hay ewan ko ba bakit ko naisipan yayain yung babaeng iyon, but she could be of use. Wala akong naaya na sabayan akong kumain dahil hindi naman yun hilig ni Ramon. I can have her as companion at kasabay kumain.

Madalas ang paghatak ko sa kanya sa school kapag break time madalas namang wala siyang imik kaya hinahayaan ko na lang nagkasundo kami na tuwing Tuesday lang siya puwede sumama sakin after school kaya tuwing breaktime namin ay hinahatak ko siya agad.

Hindi ko naman na pinapansin ang jacket at stockings niya kahit napakainit ay wala talaga siyang balak mag alis ng mga suot niya kaya manang bidang ang tawag ko dahil nga ang baduy ng suot niya pero wala naman akong magagawa kung iyon ang trip niya.

Madalas ay siya ang gumagawa ng assignment ko pati ng mga report ko hindi ko naman siya pinipilit na gawin iyon pero gusto niya daw dahil nga lagi ko siyang nililibre.

''Isagani, nararamdaman mo bang gusto kita?'' nasa rooftop kami ng school ngayon at Tuesday kaya matagal kaming makakatambay dito. Hindi ko naman maipagkakaila na gusto niya nga ako. Tumango na lamang ako ngumiti siya sa akin at iniabot ang kisses na chocolates sa akin ngumiti ako at tinanggap iyon.

''let's date then?'' I asked, ayaw ko namang ireject siya nang hindi ko pa siya labis na nakikilala

Tumango siya at ngumiti pinagpatuloy niya ang pagsusulat at pagsasagot ng assignment ko.

Nang matapos kami ay hinatid ko siya sa port nagpasalamat siya at umalis I'm sure na ilang minuto na lang ay aalis na ang Bangka kaya nagmamadali siya.

Biyernes nang ayain ko si Astria pero tumanggi siya hindi daw siya pwede ng ganoong araw dahil nga kailangan niyang umuwi ng maaga palagi. Nainis na lamang ako dahil palagi niyang sinasabi na hindi siya pu pwede ng ibang araw bukod sa Tuesday bumuntong hininga na lamang ako at umalis

Kung hindi niya ako magawan ng paraan at itong kung anong meron kami why should I stay? She's not worth it. oras na nga lang ang hinihingi ko hindi niya pa maibigay, why would I settle for less? Makailang aya ko na sa kanya ay hindi ko pa rin siya maaya bukod ng martes.

Pero araw araw niya namang inaabot ang mga assignment at report ko bago siya umuwi hindi niya ba kaya mag stay kahit isang oras man lang?

Biyernes ang kaarawan ko sinubukan ko ulit ayain si Astria thank God pumayag din siya sa wakas!

''tara na?'' aya ko sa kanya nang maabutan ko siyang nagbabasa sa classroom niya umiling siya at yumuko

''susunod ako! May kailangan lang ako ipasa kay Maam Mangtay ngayon. Mauna ka na ha? Alam ko naman ang patungo sa inyo'' ngumiti siya sa akin bago nagpatuloy sa kanyang ginagawa well, mauuna na talaga ako dahil ipinagutos ko kay manang na magluto para sa aming dalawa.

Bukas pa ang party na kasama ang buong batch namin sa school kaya walang kaso sa akin na mauna ako ngayon 7pm na pero wala pa din siya. Ni hindi ko naman siya macontact dahil wala siyang phone tss. Kung pag aantayin niya ako ngayon ay wag na siyang magpakita sakin muli.

Kumain na lamang ako kaysa antayin siya. Bigla namang umulan nang 10pm I'm sure hindi na siya makakapunta siya na nga lang ang inaasahan ko dahil hindi naman makakauwi ang mama at papa ko pero anong ginawa niya? Tss. Nagpasya na akong matulog nang kumatok si manang sa aking kwarto

''Sir, narito po ang kaibigan niyo may dala pong cake'' tumingin ako sa aking orasan and it's 11:30pm

Wala na akong gana kung ano man ang rason niya. Bahala na siya sa buhay niya, I'm so fed up with keeping her. Tsk pasalamat siya at may pakinabang siya kahit papano sa school.

''I'm tired manang. Pakitapon po ang cake di ko iyon kailangan and please do tell her to get lost!'' agad namang sinara ni manang ang pinto nang pasigaw kong inutos iyon sa kanya I don't even care anymore.

Iyon na nga lang ang pwede niyang ibigay sa akin pero hindi niya magawa.

The next day was a blast! Walang Astria sa paningin ko the girl from ABM was hitting me up, naka bikini siya at nakangiti sa akin medyo hilo na ako sa jack daniels na iniinom ko, ang kanila naman ay Gin at Empi. Inaya ko siya maupo sa aking tabi

''Hi! Ako si Jade'' bati niya habang mamula mula ang kanyang pisngi sa iniinom I smirked at her inilapit niya nang husto ang dibdib niya sa aking braso tinaasan ko lamang siya ng kilay nang pagdampiin niya ang aming mga labi nakita kong nakaawang ang gate namin and I saw her, nakatitig lamang siya sa akin while Jade was kissing me hinayaan ko na lamang siya umalis. Those were my birthday bash highlights wala naman akong narinig na kung ano sa kanya nang nagdaan ang lunes, it's still the usual iniabot niya sa akin ang aking homeworks na parang walang nangyari.

Breaktime nung naisipan ko umakyat sa rooftop I saw her there kumakain ng skyflakes habang nagsasagot sa kanyang libro tumikhim ako at umupo sa usual seat ko lumingon siya sakin at ngumiti

Inabot niya ang seatwork ko sa English dahil pareho lang naman kami ng teacher at nauuna siya mag take ng English class bago sakin ay alam niya na ang mga dapat sagutan at dapat aralin kaya nagagawa niya ang mga seatworks at homeworks ko sa English

Wala naman akong balak na kausapin siya kaya naman nanahimik lang ako narinig kong bumuntong hininga siya at tumayo

''una na ako. May quiz pa ako'' ngiti niya bago siya tuluyang bumaba

I don't really get it, she saw us kissing pero parang walang nangyari.

Kung iyon ang gusto niya bahala na siya. 

Sana Pagtagpuin MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon