3

12 1 0
                                    

Tuesday nang ayain ko siya pumunta sa Park sumama naman siya sa akin nang walang pagaalinlangan

Nakaupo kami sa may damuhan nang tanungin niya ako

''masaya ka ba sa mga choices mo?'' tanong niya bigla sa akin habang nakangiti tumango ako bilang sagot tumango tango na lang din siya. Natapos ang araw na iyon na wala akong naririnig na kung ano sa kanya

Marso na nang iannounce na 2 weeks na lang ay graduation na namin may iilang araw kami magpa practice may bagong bukas na restaurant sa REAM nang ayain ko si Astria nung lunch time namin, nadatnan ko nanaman siya sa rooftop.

''pasensya na hindi ako pwede ngayon'' tumayo siya para umalis nang hilahin ko siya nang harapin niya ako

''itigil na natin to, binibigay ko naman lahat, oras lang ang kailangan ko hindi mo pa magawa'' puno ng pait ang boses ko dahil siya lamang ang babaeng gumaganito sa akin na para bang balewala lang ako.

Tumango siya at humingi ng paumanhin sa akin

''pasensya na'' ngumiti siya ng mapait at umalis sa aking harapan pagbalik ko sa classroom ay hinahanap ko ni Ramon ''Isagani, nakita mo ba si Astria? Birthday niya kasi eh hindi ko mabigay yung highlighters na regalo ko sa kanya'' nag aalalang tanong ni Ramon sa akin.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan agad kong pinasok ang classroom nila pero wala siya roon nag time na at pinabalik na kami sa aming mga classroom nang matapos ang klase ay bag niya lamang ang nasa upuan niya. Dinala ko ang bag niya pauwi dahil wala siya nang dumating ang sumunod na klase

Magmula nung birthday niya ay hindi na siya pumasok muli at ako naman ay hindi makatulog sa gabi kakaisip sa kagaguhan ko.

Tatlong araw bago ang graduation naming ay hinanap ni maam Mactang si Astria kay Ramon ngunit walang maisagot si Ramon kay maam kahit ako hindi ko din masagot ang tanong, nang uwian ay nagpasama sakin si Ramon sa bookstore wala naman akong gagawin kaya sinamahan ko

Napansin kong bumibili siya ng maliliit na libro at notebook na kulay pink, alam ko paborito ni Astria ang pink.

''graduation gift ko kay Asti. Sayang nga lang at nalaglag siya bilang valedictorian dahil hindi daw nakakapasa ng assignment si Asti magmula nung nakaraang buwan kahit mismong project niya hindi niya daw nagawa. Tinanong ni maam kung anong problema pero di daw nagsabi si Asti at aware siya na malalaglag siya kung hindi niya pinagbuti tapos ngayon hindi pa siya pumapasok'' halos mabingi ako sa mga sinambit ni Ramon sa akin eh nung nakaraang buwan ay araw araw niyang ginagawa ang assignments ko pati project ko ginawa niya samu't saring mura ang binulong ko sa aking isipan habang naglalakad kami ni Ramon sa mall.

''dude, what's with Astria?'' biglaan kong tanong nang kumakain kami inayos niya ang paperbag na dala niya at nagkibit balikat

''ang alam ko, siya lang ang inaasahan sa kanila. Yun lang yung binaggit niya sa akin noon eh.'' Nagkibit balikat siya at bumalik sa pagkain

Graduation day nang dumating ang mama papa ko lahat naman kami ay may mga magulang na kasama

Nang matapos tawagin ang section namin ay section na nila Astria ang tinawag Nag martsa isa isa sa stage ang mga kaklase niya

'' Keen Astria Solenad '' unang sambit ng pangalan niya lahat ay lumingon lingon ngunit ni anino niya ay wala. Tinawag muli ang pangalan niya nang narinig ko ang sigaw niya mula sa entrance noong venue

''maam!'' patakbong umakyat sa stage si Astria wala siyang kasama umakyat ng stage kundi si Maam Mactang si maam na din ang nagsabit ng medalya niya bago sila bumaba sa stage halos lumuwa ang mata ko kakatingin sa kanya dahil hindi siya nakasuot ng toga as usual pa din na naka jacket siya at stockings pero yung pasa sa gilid ng labi niya at lugmo niyang mga mata ang nakapagpahinto ng mga mata ko.

''pasensya na po maam, kailangan ko na po umalis'' narinig kong paalam niya kay Maam Mactang at dumiretso siya sa batang nakaupo sa gilid kinarga niya iyon at lumabas agad naman akong tumakbo para maabutan siya hindi ko na pinagkaila ang tawag sakin nila mama at papa

''Astria sandali!''sigaw ko para huminto sila ng batang kasama niya lumingon siya sa akin at ngumiti

Lumapit ako sa kanya at sa batang bitbit niya. Halos mapunit ang puso ko nang makitang putok din ang labi nung batang kasama niya hindi ko mapigilan ang kirot sa aking dibdib. Lumuhod ako para makaharap ang bata ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi

''congratulations, mauuna na kami Isagani. Pasensya na'' kinarga niya muli ang bata ngunit hinila ko siya pabalik sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit sa pagsisisi sa mga nagawa ko sa kanya.

Nawala lahat ng pinaghirapan niya sa isang iglap dahil ako ang inuna nya.

Ni hindi ko man lang nabigyan ng pansin na nasasaktan din pala siya tulad ko.

Lumayo siya sa akin at ngumiti humingi siya ulit ng paumanhin sa akin para makaalis na pero hindi ako nagpatinag. Iginiya ko sila sa aking sasakyan para makapag usap kami doon

Ang bata namang kasama niya ay walang ka muwang muwang na nakangiti sa akin para bang binigyan ko ng kulay ang buhay ng paslit nang makapasok kami sa sasakyan ay pinaupo niya ang bata sa likuran

Bago niya ako harapin, halos mapunit ang puso ko dahil ilang linggo lang naman siya nawala pero parang sampung buwan ko siyang hindi nakita.

''so tell me, is that your child?'' hindi ko maisambit ang tanong ko pero mas nauna ang pagkauhaw ko sa sagot niya tumango siya sa akin at ngumiti, so all this time niloloko niya lang ako?

Na may anak na pala siya? 

Sana Pagtagpuin MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon