''parang ganun na din ang turing ko sa kapatid ko. Ako ang nagpalaki sa kanya'' ngiti niya at tumingin sa kawalan I sighed in relief akala ko ay may iba siyang gusto
''bakit bigla kang nawala?'' halos manliit ako sa aking tanong, it's like may gana pa akong magdemand ng tanong eh ako naman tong nanakit. Wala akong karapatang masaktan.
Humugot siya ng malalim na hininga nang nag unahang kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata
''nagta trabaho ako sa gabi, naglilinis ako ng mga Bangka 200 ang sahod ko pambaon, pambili ng kailangan ng kapatid ko at pagkain sa bahay. Tuesday lang ang off ko, sabado linggo mula madaling araw hanggang alas dose ng gabi nag lilinis ako dahil 500 ang sahod ko nun.
Birthday mo nang nagpaalam ako sa boss ko pagtapos ko magpasa ng assignmets ko sa school, muntik na hindi pumayag ang boss ko pero sabi ko sa susunod na araw okay lang kahit hindi ako pasahurin. Bumili ako ng cake mo 200 pesos sa sentro naglakad ako papunta sainyo akala ko ay masisiyahan ka sa regalo ko pero ako ang nasorpresa dahil narinig ko ang sigaw mo na itapon iyong dala ko. Hindi na ako nag atubiling antayin pa ang kasambahay ninyo agad akong umalis sa kasamaang palad maalon ng gabing iyon kaya hindi ako nakauwi nagpasya akong matulog sa port kahit basang basa ako. Wala naman akong pagpipilian itinapon ko na din ang dala ko alas tres ng madaling araw nang makasakay ako sa pinakamaagang biyahe tanging singkwenta lang ang pera ko saktong pamasahe pauwi at papasok ng eskwela mabuti na lamang ay may gatas pa ang kapatid ko sapat para sa araw na may sasahurin ako ulit.
Sunod na araw ay bumalik ako sainyo para sana humingi ng dispensa pero naabutan ko kayo ni jade na nagkakatuwaan kaya minarapat ko na lang na lumayo di kalaunan ay nagpasya kang ihinto ang mayroon tayo. Wala naman akong karapatan dahil inaamin ko sa sarili ko na andami kong pagkukulang
Hindi ko mahati ang oras ko dahil kailangan ko umuwi ng maaga para hindi maabutan ng tatay ang kapatid ko kung sakaling mahuli ako ng paguwi ay baka Bangkay na ng kapatid ko ang maabutan ko
Araw araw naglalasing si papa dahil sa pagkamuhi niya sa kapatid ko. Si mama ay nasa ospital doon nagbabantay si lola tuwing may pasok naman ay ipinakikisuyo ko lang sa kapitbahay ang kapatid ko mapalad ako dahil mababait ang kapitbahay namin para tignan siya habang nasa school ako.
Magmula noong pagsamantalahan si mama sa kabilang isla ay nawala na siya sa katinuan niya nagbunga naman ang kapatid ko na hindi matanggap ni papa. Ako ang tumayong magulang ng kapatid ko dahil walang ibang titingin sa kanya kundi ako. Kaya paumanhin sa kakulangan ko ng oras para sayo.
Tuwing kakain tayo sa labas ay itinatabi ko ang sobra para sa kapatid ko. Pasalubong ko sa kanya tuwing matatagalan ako sa pag uwi, nakakatipid din ako dahil hindi na ko gumagastos para sa hapunan siya na lamang ang kumakain sa gabi at ako naman ay busog na sa kinain natin ng hapon. ''
Nagtakip si Astria ng mukha habang humahagulgol, ramdam ko ang pagod at sakit mula sa kanyang mga iyak para bang pinipiraso ang puso ko sa iyak niya.
Hinubad niya ang kanyang jacket sa harap ko napamura ako sa kanyang istura halos hindi maipinta ang katawan niya sa dami ng pasa at sugat dito I'm sure ganoon din ang mga binti niya.
Ngumiti siya sa akin at ibinaba ang jacket sa kanyang kandungan
''birthday ko nang sabihin mong itigil na natin, half day lang ako noon sa school dahil kailangan ko puntahan si mama. Kaso huli na ko ng dating, wala na siya. Kung hindi siguro ako umiyak sa banyo noon ay baka naabutan ko pa si mama kaso huli na eh.
Simula noon mas lalong tumindi ang galit ni papa ipinakitira ko ang kapatid ko sa kapitbahay, wala na akong pake noon kundi makaalis sa barrio kasama ng kapatid ko
Walang pahinga ako ginugol ko sa paglilinis ng mga Bangka para makaipon ng pamasahe pa maynila
Nakatanggap ako ng scholarship sa unibersidad doon at libre ang dorm ko magbabaka sakali akong baka puwedeng isama ko ang kapatid ko, maghahanap din ako ng trabaho pang tustos sa aming dalawa
Halos araw araw tuwing nakikita ako ni papa ay kulang na lang ako ang isunod niya kay mama
Hindi ko maiwan noon si papa dahil alam ko ang sakit na iwan ka ng taong mahal mo.
Napagpasyahan ko lamang umalis nang madatnan ko si papa na sinampal ang kapatid ko noong isang araw ako ang pinaulanan niya ng sampal at tadyak. Ayos lang naman, wag lang ang kapatid ko.
Araw araw kong hinihiling sa Diyos na sana kahit kapatid ko na lang ang bigyan niya ng magandang buhay ay ayos lang sa akin. Nakakapagod din pala maging matibay at magpanggap na walang masakit sayo.
Mahal kita Isagani pasensya na sa aking mga pagkukulang, sana sapat na ito para layuan mo ako.
Sana hindi na muling maglandas pa ang ating kapalaran. Sapat na iyon para maibsan ang sakit na nadarama ko.
Hanggang sa muli, salamat dahil sa kaunting panahon naramdaman kong importante at may halaga ako.''
Isinuot ni Astria ang kanyang jacket pinunasan niya ang kanyang mga mata at kinuha ang kapatid niya mula sa likod, lumabas siya ng aking sasakyan ni hindi siya lumingon muli sa aking gawi.
Wala akong nasabi dahil nagsisisi ako na wala akong alam sa pinagdadaanan niya.
Halos isumpa ko ang aking sarili sa lumiliit na pigura niya habang naglalakad palayo sa akin, baka eto ang kapalit ng pagmamahal niya. Ang magdusa ako sa pagbitaw sa kanya nang panahong kailangan niya ako,
Sana pala hindi ko siya tinake for granted.
Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana magkita kami ulit pagdating ng panahon na handa na siya ulit
Hanngang sa muli.
BINABASA MO ANG
Sana Pagtagpuin Muli
RomanceNagmahal si Astria ng labis pero sobra ang pighating dulot nito. kung ang pag ibig ang dahilan para mawala sa kanya lahat ay talilikuran niya na lamang ito, dahil ang pagibig ay hindi dapat sumisira saiyo. sapat nang mawala lahat ng pinaghirapan niy...