Chapter Three
Maaga ako gumising ngayong araw dahil may klase naman kami at makikita ko naman ang aking mahal, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at mahal ko pa din ang taong may mahal na iba .Bat ba siya ang laging tinitibok ng puso ko :(
Pumasok na ako sa banyo para gawin ang aking ritual. Pagkatapos ko maligo ay pumunta na ako sa aking walk-in closet . Kumuha ako ng denim pants at plain na color black na long sleeve shirt at color black na vans na shoes. Ginawa kong pony tail ang aking buhok. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, ok na ang damit ko simple lng.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita ko si mommy nakaupo sa dining room, ba't siya pa nandito pa din siya? Wala siyang trabaho ngayon?
"Good morning princess"
"Good morning din po, saan si lolo?"
"His at another business trip"
"Ahh, ok po"
Umupo na ako at kumuha ng hotdog, itlog at kanin. Tahimik lang kami kumakain, ang awkward nga eh hindi ako sanay. Maingay kasi akong tao if you got to know me.
"Sweetie, are you still mad at me"
Napatingin ako sa kanya. Aaminin ko na sumama ang loob ko sa kanya pero nawala naman yun kaagad dahil hindi ko magawa magalit sa aking ina.
"Bakit niyo po yun naisip?"
"Dahil pinakasal kita sa taong hindi mo naman mahal"
Dyan ka nagkamali mommy, hindi mo alam kung gaano ko siya kamahal kaya nasasaktan ang iyong anak. Gusto ko sana sabihin iyon sa kanya pero wag na lang.
"Hindi ko po kayang magalit sa inyo mommy"
Bigla na lang tumayo si mommy at niyakap ako. Nararamdaman ko na umiiyak siya dahil basa na ang damit ko.
"I'm really sorry princess, I just want your future. At ayaw kong magaya ka sa akin na niloko. I know alexander is a good man and he will take good care of you"
"No mom, daddy is a great man. He just made a wrong desicion ,but he really loves you mommy"
Nandito kami ngayon nagdramahan magina. Kumalas sa pagyakap si mommy at pinunasan ang aking mga luha. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na ako baka male-late ako nito.
"Ako maghahatid sayo princess"
Tumago na lang ako at kinuha ang aking bag. Sumakay na kami sa red na Porsche namin. Nagkwentuhan kami ni mommy at nagjo-joke, ang corny ng joke ni mommy.
"Diba ang english ng alikabok ay lust?" Mommy
"Haha. Very funny, dust then lust"
"Ikaw naman :3 nagjo-joke lng naman ang mommy mo"
"Eh ang corny naman"
Si mommy talaga feeling teenager. Napatawa na lang ako sa inasal ng aking mommy. Maya't maya ay nakarating na kami sa school ko. Kiniss ko si mommy sa cheeks at lumabas na ng sasakyan.
"Bye sweetie! see you later"
Kumaway ako sa kanya at tinitignan ang sasakyan ni mommy hanggang sa mawala na ito. Pumasok na ako ng campus.
Habang naglalakad ako ay hindi ko na namalayan na may nakabungo na pala ako.
"Sorry! Sorry talaga! hindi ko naman sinasadya"
"Dapat lang! Tanga-tanga kasi! Hindi tumitingin sa dinadaanan!"
"Nagsorry naman ako--"
Hala! nabunggo ko pala si Alex. Mukhang bad mood siya, ano kaya ang nangyari?
BINABASA MO ANG
I love him but he dont
Romance(tagalog) I love him with all my heart but he love the other woman. When will he realize that his killing me slowly- Yasha Belle Saurez