Chapter Five
Friday na ngayon. Ano kaya ang
mangyari ngayong araw? Kasama pa din sila? Sila pa din ba? Hay bahala na si batman.
5:40 na kaya tumayo na ako papuntang banyo. Ginawa ko na ang aking ritual. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako, malaman diba? alangan aalis ako ng kwarto na nakahubad? Ngabihis ako ng sleeveless na black sa loob at pink na polo tapos ang pants ko ay denim na pants at pink na converse ang sapatos ko. Pony tail lang ang buhok ko. Tumingin ako sa salamin, ok naman ang itsura ko simple lamang hindi katulad ni alam niyo na.
Tinignan ko ang orasan at 6:30 na pala kaya bumaba na ako. Nakita ko si mommy na kumakain at busy sa kanyang phone. Umupo na ako sa kanyang tabi at kumuha ng pagkain.
"Good morning sweetie, hows your sleep?" sabi ni mom habang binabalik ang kanyang cellphone sa kanyang bag.
"Good morning din mom, ok lang po ang tulog ko" sabay ngiti sa kanya. Nararamdaman kong tumayo na siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Aalis na ako princess"
"Bye mom, take care"
Umalis na tuluyan si mommy habang ako ay kumakain. Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa kotse. 7:10 na pala ako nakaalis ng bahay.
*You know I cant take one more step
towards you, coz all those waiting
is regret--*
Nagring ang aking cellphone. Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Kayla lang pala.
(Best wag ka muna pumunta sa school!)
"At bakit naman bawal?"
(kasi----WALANG KARAPATAN SILANG IPAHIWALAY SI MICHELLE SA AKIN! SAAN ANG OH SO PERFECT NA YASHA NA YUN!) may narinig akong sumisigaw sa background niya. Sure ako na si Alex
at galit na galit siya. Pero wait lang, sino ang nagpahiwalay sa kanila ni Michelle? at galit siya sa akin?
"Best anong nagyari dyan. Bakit galit si Alex sa akin?"
(Best please wag ka na pumasok--P@#!A, SAAN SI YASHA! PAGBABAYARAN NIYA ITO!) narinig kong sumigaw ulit si Alex kaya natakot ako. Hinahanap niya nga ako pero galit naman. Hindi dapat ako mapasindak sa kanya. Baka magawa ko siyang kausapin mamaya para maayos ang lahat na ito.
"No best, hindi ako mapasindak sa kanya."
(P-pero best--)
"Good bye best, see you later" at inoff ko na ang phone ko. Maya-maya ay nakarating na kami sa school. Nagpaalam na aki kay manong Tisoy at pumasok na sa campus. Sinalubong ako ni Kayla.
"Best! sabi ko wag ka pumunta dito?"
"Bakit bawal siyang pumunta dito??!"
Napatingin kaming dalawa ni Kayla kung sino ang nagsabi nun. Nagulat kami nung nalaman namin na si Alex pala ang nagsalita.
Hinila agad ako ni Alex. Ang sakit ng pagkahawak niya sa akin, pero mas hinigpitan pa niya lalo. Narinig kong sumisigaw si Kayla na bitawan ako. Pinipilit kong makawala sa kanya pero mas malakas siya sa akin.
"Alex masakit! bitiwan mo ako!" pero wala siyang narinig sa akin. Patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin papuntang garden. Nagsatabihan ang mga tao, wala talaga silang balak na tulungan ako no?
"WALANG TAO NA SUMUNOD SA AMIN! KUNDI PATAY KAYO!!" sigaw niya sa mga tao. Nakarating na kami sa garden at bigla niya akong tinulak kaya napasubsub ako sa damuhan. Napaiyak ako sa ginawa niya sa akin. Hindi pa nga kami kasal pero sinasaktan na niya ako.
BINABASA MO ANG
I love him but he dont
Romance(tagalog) I love him with all my heart but he love the other woman. When will he realize that his killing me slowly- Yasha Belle Saurez