Chapter 3

15 3 0
                                    

Akari Takahashi's POV

Nagising na ako.

Nakita ko na nasa ospital ako. Tulog si mama, papa at Dianne.
Ano bang nangyari at nandito ako?

Nagising si mama na nasa tabi ko lang na natutulog.

"Jusko Akari gising ka na! Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni mama.

Nagising na rin sila papa at Dianne.

"A-ayos lang po ako. Bakit po ba nandito ako?" tanong ko.

"Hinimatay ka sa kotse ni Dianne buti na lang at nagising ka na anak. Di na namin alam ang gagawin sayo" sabi ni papa.

"Sorry po" yan lang ang tanging nasabi ko.

"Wag kang magsorry anak wala kang kasalanan. Sabi ng doktor kailangan daw iwasan mo na ang pagiging stress. Anak sana maintindihan mo kami pero anak makipaghiwalay ka na kay Hikaru lalo lang lumala yung sakit mo dahil sa kanya" sabi ni mama.

"Ayos lang po ako ma. At hayaan nyo na po muna kami ni Hikaru alam ko namang malapit na rin siyang bumigay. Hi-hihintayin ko na lang po yung araw na yon" 

Di ko na kaya to naluluha na ako.

Niyakap naman ako ni Dianne.
"Ayos lang yan" sabi ni Dianne habang pinapakalma ako sa pag-iyak.

"Sana nga ayos lang din ako pagdating ng araw na yun.Salamat Dianne ha" sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba. Si Dianne ako noh di kita iiwan" sabi nya sakin na lalong nagpaiyak saken.

Bigla namang may pumasok na doktor.
"Ahm...Mr. and Mrs.Takahashi pwede nyo na po iuwi mamaya si Ms. Takahashi. Basta yung paalala ko lang po, wag nyo hayaang maistressed po sya" sabi nung doktor.

"Sige. salamat" sabi ni papa sa doktor.

"Sige po" sabi nung doktor tsaka umalis na.

=TIME SKIPPED=


Nasa bahay na ako ngayon.
Nakauwi na ako galing sa ospital.
Sabi ni mama magpahinga daw muna ako sa kwarto ko.

Si Dianne naman umuwi muna.

Haysss....nakakainis kasi bat bako nagkaroon nito.

Hanggang kelan na lang kaya ako dito sa mundo?

Sana pag-umalis na ako sa mundo na to maging masaya pa rin si mama,papa, si Dianne tsaka yung boyfriend nya, si Hikaru at yung bago nyang girlfriend at lahat-lahat ng tao sa mundo.

Makita ko lang na masaya sila, pwedeng pwede na akong magpahinga..

Simple lang ang gusto ko...maging normal lang ang lahat-lahat kahit na aalis na ako.

Alam ko na di na din ako magtatagal sa mundo...sana si mama at papa maging masigla pa rin at matagal pa silang mamatay malay mo gusto pa nilang gumawa ng little Takahashi o diba para may kapalit ako at di sila malungkot. Hahaha ano ba tong iniisip ko...

Sana si Dianne pati si Rex na boyfriend nya maging matibay ang relasyon. Sana sila pa rin hanggang dulo.
Magpapakasal silang dalawa, magkaka-anak, mabubuhay hanggang sa kamatayan nila.

Sayang lang kasi di ko magagawa yun...pero ayos lang kasi magagawa naman ni Dianne at Rex.

Pati si Hikaru tsaka si Aimi sana ganon den.
Makikita ko naman sila sa langit eh. Sana di lokohin ni Hikaru si Aimi katulad ko. Pero sa tingin ko naman di gagawin yon ni Hikaru kay Aimi.
Sobrang loyal kaya ni Hikaru.
Mabait din yon,gwapo, matalino, mapagmahal sa magulang kaso nga lang di nya kinaya sakin na maging loyal hanggang sa dulo ng buhay ko..

Haysss....maya-maya lang malay mo wala na ako noh..Ano kayang itsura ng langit pagnandoon na ako? Masaya kaya don? Maraming pagkain? Marami kaya akong magiging kaibigan don?

Malalaman ko rin ang mga sagot dyan kapag umalis na ako dito sa mundo..

Hahaha grabe ang drama ko! Hahaha pwede na ata akong pang-artista sa sobrang drama ko.

Gabi na rin ngayon tsaka bago kami umuwi galing sa ospita, kumain na kami kaya di na ako kakain dito sa bahay matutulog na lang ako.

Naligo muna ako saglit tsaka nagbihis tapos lumundag na ako sa kama ko.

Magpepray muna ako.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit. Amen. Lord salamat po sa araw na to dahil may nangyari mang masakit para sakin, sinuklian nyo pa rin po iyon ng magandang balita na di nyo pa po ako kinuha. Maraming salamat po sa pagkain, tubig, patnubay at gabay, pagmamahal na nakukuha ko sa mga mahal ko sa buhay kahit sa maikising panahon ko na lang po mararamdaman to. Alam ko naman po na malapit na ako magpahinga
pero sana di nyo pa po  ako kunin lord kasi gusto ko pang sopresahin si Hikaru sa birthday nya.
Kahit manlang dun sana paabutin ni lord Tapos gusto ko pa sana makita si Dianne na ikasal sa altar pero mukang di na ako aabot dun. Kaya sana kahit sa kaarawan lang ni Hikaru umabot po ako at sana patnubayan nyo po ako sa araw na bibigay na siya sakin. Yun lang po salamat at Amen"

Nagsign of the cross ako pagkatapos sabihin yun then natulog na ako.

I wish I can handle my self after Hikaru will broke up with me.

=================================
Free to vote and comment. Thank you!

~Umaruarmy💜

Fallen Too FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon