Omyghad mga kaibigan tatapusin ko na ireh sa wakas at ngayon lang ako makakapag-ud ulit sa loob ng 102927268228827362 years. Ewan ko ba kung bakit sobrang dami ng gawain sa school. Kala mo naman matatapos yun lahat ng estudyante...de charr lang.
So let's go na pagod na me.
===============================
Hikaru's POVPagkatapos akong iwanan ni Akari sa park, umalis na rin ako.
Hindi ko na rin gugustuhin pang bumalik don. Sa lugar kung saan ako nakipahiwalay sa halos parang itunuring ko nang buhay ko.
Yung feeling na hindi ka mabubuhay kapag wala sya.
Mahal na mahal ko sya pero sinira nya yung tiwala ko sa kanya.FLASHBACK...
3 weeks ago..
Nasa bahay ako ngayon.
Balak ko sanang ayain na lumabas si Akari kaso sabi nya nagpapasama daw sa kanya si Aimi, kaibigan nya.Haysss...gusto ko syang makasama. Bakit ba kasi nagpasama pa yun. Bawat segundo ata hinahanap-hanap ko si Akari.
Anong magagawa ko, mahal na mahal ko eh.Naupo na lang ako sa sofa ng bahay namin.
Ala ang buong pamilya ko. Ako lang mag-isa dito sa bahay. Binuhay ko na lang yung tv para manood. Di ko na namalayan nakatulog na pala ako.=TIME SKIPPED=
*Tok tok tok*
Ano ba yan inaantok pa ko eh.
*Tok tok tok*
Hayyyy bwiset!
Minulat ko yung mata ko. May halimaw atang kumakatok sa pintuan ng bahay namin.
Lumapit ako dun at binuksan at nakita ko si.....Aimi?
"Oh Aimi bakit nandito ka? Nasan si Akari?" tanong ko sa kanya tsaka binuksan pa ng konti yung pintuan para makapasok sya.
"Hikaru may kailangan akong ipakita sayo" sabi nya.
Ano kaya yon?
"Ano yon?" tanong ko.
"Eto tingnan mo toh" sabi nya tapos ipinakita yung cellphone nya sakin.
Nagtataka naman akong kinuha ang cellphone nya.Pagtingin ko.....teka si Akari to ah! Ba-ba-bakit may kasamang lalaki to?! Picture tong tinitingan ko ngayon skl lang de joke. Anong nangyari?! Bakit may kasamang lalaki si Akari sa kama?! Nakahubad pa ata sya! Akari!!
"A-ano to Aimi? Bakit ganito? Diba ikaw yung kasama nya kahapon? Sino tong gagong to?!" pasigaw kong tanong sa kanya na halos mapatayo na ako sa sobrang galit.
"Teka lang Hikaru. Kumalma ka" sabi nya sakin.
"Pano ako kakalma kung ganto yung nakikita ko?!!!"
"Shhhh umupo ka muna."
Umupo naman ako sabi nya eh.
"Ganto yon. Diba nagmall kami ni Akari? Pagkatapos non, nagpasama ako sa kanya sa isang bar malapit dun sa mall kasi yung pinsan ko nandun tapos nung nandun kami, nakita namin yung ex nya. Iniwanan ko muna sila kasi tinatawag ako ng pinsan ko pero pagbalik ko ala na sya. Nagtanong pa nga ako dun eh."
"Nung di ko sya makita, umuwi na lang ako kasi naisip ko baka nakauwi na sya kasi di sya pumupunta sa bar diba? Tapos netong kaninang umaga lang, tinawagan ako ng pinsan ko may papakita daw sya. Pinasend ko na lang yung ipapakita nya kasi picture lang naman daw tapos ayun na nga"
"Sa tingin ko...posibleng may nangyari sa kanilang dalawa. Alam mo na pareho kasing naked" sabi nya.
Napatayo na lang ako tsaka napasuntok sa pader sa sobrang galit.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far
Short Story"You know? Out of all lies you've told 'I love you' is my favorite." "I think I've fallen to far to be hurt so much like this" Ps. Short story lang po ito. I'm just a begginer when it comes to writing so please bare with me.