Akari Takahashi's POV
Hi. Im Akari Takahashi.
I'm 23 years old.
Half-Japanese ako at Half-Filipino.
May boyfriend na ako and he is Hikaru Fujimori.But lately eto ngang si boyfie ko masyado nang nagiging cold sakin.
Madalang lang kaming magkasama... And pagmagkasama kami lagi na lang sya nakatutok sa cellphone nya tapos napapangiti sya ng wala sa oras.Sometimes I'm wondering nga kung mahal nya pa ba ako o may mahal na syang iba.
Pero ayokong maging nega.
Sandali na nga lang ako sa mundo na to eh magiging nega paba ko. Tulad nga ng laging sabi ni mama dapat laging positive lang.I had a cancer. Stage 4. Then paglumala pa to, I think....tuluyan na akong mawawala sa mundo.
Pero pilit akong nagpapagaling at nagpapasigla para sa boyfriend ko kasi mahal na mahal na mahal na mahal ko sya.Sya kasi yung laging nandyan para sakin dati nung mga panahon na laging nag-aaway sina mama at papa.
Grade 12 ata ako nang maging kami. Gaya ng ibang couple nag-umpisa rin kami sa laging nagbabangayan tapos laging nag-aasaran. Inaasar pa nga kami ng mga kaklase namin e bagay daw kami. E diba tao kami?
Tapos hanggang sa naging magfriends na rin kami. Actually di ko alam kung pano kami nagkasundo basta nung nakita nya akong umiiyak sa parking lot ng school namin nun, naging mala-anghel sya. Lagi nya akong dinadamayan sa problema ko. Hanggang sa magconfess sya sakin then niligawan nya ako at syempre naging kami.Pero tulad nga ng sabi ko kanina lately nagiging cold na sya sakin.
Pagnag-aaya ako sa kanya laging syang busy.
Pagtinatawagan ko sya, di sya sumasagot.
Kahit nga hi lang di nya ako maitext.
Then minsan natry kong pumunta ng bahay nila kasi nakita ko syang pauwi na tapos dumungaw ako sa bintana na makikita sya at yung katulong nila tapos tumatawag ako sa telepono ng bahay nila para subukan sya kung sasagutin nya.
Then guess what? sinabi sa kanya yun ng katulong nila pero ang sinasabi nya sabihin na wala sya sa bahay nila.Minsan tinatanong ko sa sarili ko, magkaaway ba kami? Galit ba sya sakin? May nagawa ba akong masama sa kanya? Mali bang nagpaparamdam ako? E girlfriend naman nya ako diba? O baka......wala na lang ako para sa kaniya. Haysss....
"Akari?" napatingin ako dun sa nagsalita si mama.
Nasa sala kasi ako nakaupo lang sa couch namin."Po?" tanong ko sa kanya.
"Aasikasuhin mo na ba yung suprise birthday party mo kay Hikaru?" tanong ni mama.
Oo nga pala. May balak kasi ako sorpresahin si Hikaru sa birthday nya.
"Opo siguro po mamaya ihahanda ko muna yung mga cater(A/N: keyter yan ha di ko alam spell hehe) then yung mga design ng party nya tapos-" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang dumating si papa at magsalita.
"Anak wag mo naman pagurin yung sarili mo. Alam mo naman na may sakit ka pero mas inaalala mo pa yung boyfriend mo kesa sa sarili mo. Sana naman alalahanin mo rin yung sarili mo kahit minsan lang. " sabi nya.
"Sorry po..." yan lang ang nasabi ko sa kanila.
Lumapit naman sila sakin at niyakap ako.
Masasabi ko na sobrang swerte ko na sila yung magulang ko kahit hindi sila magkasundo dati nasolusyunan nila yun. Sobrang tibay ng pagmamahalan nila...Pero siguro masyado ko na silang pinag-aalala. Ang totoo nga nyan gusto ko nang mawala para wala na silang alalahanin. Mula kasi bata ako binuhay na nila ako pati ba naman ngayon?na malaki na ako. Dapat nga sila na yung inaalagaan ko eh...pero eto kami ngayon ako yung inaalagaan.
Lintik naman kasi yung cancer na yan. Di naman ako gumagawa ng masama ah. Halos tawagin na nga ako ng mga tao na anghel. Pero bakit ako pa rin yung binigyan ng gantong sakit. Di ko naman sinasabi na sana sa iba na lang pero sana hindi naman gantong pagsubok yung ibigay sakin dahil kahit anong oras kayang kaya kong bumigay.
--
Nandito ngayon ang bestfriend ko si Dianne Valtazar. Bestfriend ko na sya since highschool. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.
Bukod kay Hikaru sa kanya ako laging lumalapit simula pa dati.
Sobrang swerte ko nga sa kanya eh. Lagi syang nandyan. Kahit may date sila ng boyfriend nya ikina-cancel nya mapuntahan lang ako.
Actually isa rin sya sa dahilan kung bakit lumalaban pa ako hanggang ngayon.
Masasabi kong sobrang swerte talaga ng boyfriend nya sa kanya.
Kahit loko-loko yang babaeng yan pagdating sa seryosong mga pangyayari di ka iiwan nya. Kaya saktan lang sya ng boyfriend nya ha-huntingin ko talaga sya..."Anong plano mo?" tanong nya sakin.
"Ha? Anong anong plano mo?" sagot ko sa kanya.
"Hayss..slow talaga neto. Dat kasi di ka na naglove life eh pati utak mo naaapektuhan"
"Ewan ko sayo. Ano nga yung sinasabi mo? What do you mean?"
"Wow. English....
ngumuya muna sya ng kinakain nyang sitsirya tsaka nagsalita ulit
" So yung sinasabi ko, anong balak mo?Hihintayin mo na lang yung araw na sabihin sayo ni Hikaru na hindi ka na nya mahal?"Boom. Tumagos ata sa puso ko yun ah.
"Anong ibig mong sabihin? Sa tingin mo ba sasabihin nya talaga yun?" tanong ko.
"Hay nako. Wag mo kong gawing tanga Akari. Alam kong alam mo na ayaw na sayo nung tao. Tapos magpapabirthday party ka pa? Psh. Gumising ka na sa katotohanan be. Wag mo ikulong yung sarili mo sa mga kasinungalingan ng utak mo. Sasayangin mo lang yung pera mo dun eh. Ni minsan ba pinaghandaan ka nya ng birthday party? Hindi naman diba? Sa maniwala ka at hinde mas mananaig ang katotohanan bes. Kaya kung ako sayo hihiwalayan ko na yan" sabi nya.
Habang ng speech ng beshang kong to.
Pero...malay mo naman busy lang talaga sya kaya di nya manlang ako pagtuunan ng pansin. Malay mo...di naman nya ako pinagpapalit. Malay mo..hanggang malay mo na lang ako ngayon."Beh sundan kaya natin sya kahit isang araw lang para naman tumigil ka na sa kagagahan mo?" natuon naman ang pansin ko kay Dianne.
Sundan? Susundan namin sya? Di naman siguro masama kung susubukan ko diba?
"...Sige" sabi ko kay Dianne.
Ang bruha naman ang laki ng ngisi.
Tanggalan ko to ng bibig eh. De joke lang mahal ko naman yan kahit papaano."Kelan?" tanong ko sa kanya.
"Bukas" sabi nya.
Bukas pala.
Bukas ko na malalaman ang katotohanan....
-----------------------------------
Free to vote and comment. Thank you!~Umaru_army7💜
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far
Historia Corta"You know? Out of all lies you've told 'I love you' is my favorite." "I think I've fallen to far to be hurt so much like this" Ps. Short story lang po ito. I'm just a begginer when it comes to writing so please bare with me.