Akari's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ko. Bumangon na ako. Alas-dose na. Tinanghali ako ng gising. Palibhasa nakakapagod talaga yung mga pangyayari kahapon.
Ang iniisip ko na lang ngayon is kung kelan bibitaw si Hikaru para naman ready ako. Sa mga nagdaang araw nasanay na rin naman akong hindi sya kasama kaya siguro kaya ko na rin pag.....bumigay na sya. Hayssss buhay ko talaga parang life.
Nagbanyo muna ako bago bumaba para kumain. Kumakalam na kasi yung tiyan ko. Pagbaba ko nakita kong naglilinis ng bintana si nanay elisa habang nakatungtong sa upuan na medyo mataas. Hayy nako bakit hinahayaan nilang tumungtong dun si nanay elisa pano na lang pagnahulog sya?
"Nay ako na po dyan" sabi ko.
"Ay nako anak goodmorning. Kumain ka na dun at tanghali na di ka pa nag-aalmusal" sabi nya.
"Mamaya na po ako kakain nay. Ako na po dyan at baka mahulog pa kayo" sabi ko.
"Hindi na anak. Mas mabuti pang ako na lang mahulog kesa ikaw"
"Nay...sigi na po ako na po dyan. Kumain na po ba kayo?"
"Oo anak. Sigi na nga at hindi mo naman ako titigilan hanggat di mo ko napapa-payag"
"Hehe.Thank you po. Basta pagkailangan nyo po ng tulong ko sa mga ganito, tawagin nyo lang po ako. Malakas pa po ako noh"
"Hindi ba makakasama sayo ito iha?"
"Hindi po. Makakapagpalakas pa nga po sakin to eh."
"Ay sige.Kumain ka na pagkatapos ha. Ako naman ay mamamalengke muna"
"Sige po ingat po kayo"
"Sige iha salamat"
Nginitian ko lang sya. Hay nako si nanay elisa talaga kung kumilos parang sobrang lakas pa. Sana ganon din ako noh. Pero di na yun mangyayari kasi anytime pwede akong bumigay haysss...
=TIME SKIPPED=
Pagkatapos ko magpunas ng bintana, kumain na ako. Inurungan ko na rin yung kinainan ko at nakakahiya naman sa mga katulong namin maraming ginagawa.
Pagkatapos non, umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagpasok ko, parang nagulantang ako. Sobrang gulo pala ng kwarto ko. Parang binagyo ha. Kahit may sakit ako, tamad pa rin ako.
Inayos ko na lang yung kwarto ko. Pinalitan ko yung mga punda ng unan, tinanggal ko yung mga kalat, nagpunas na rin naman ako ng mga bagay sa loob ng kwarto ko.
Hayss sakit katawan ko kakapagod pala maglinis. Humiga na lang ako sa higaan ko. Nakita ko yung cellphone ko. Chinarge ko yun kanina kaya 100% pa yun. Dahil wala akong magawa mag-eefb na lang ako.
Binuksan ko yung fb ko.
28 friend request.
35 notification.
10 messages.Di ko na pinakialaman yung friend request mawawala na rin naman na ako sa mundo. Ung mga notification sa mga kaibigan ko lang. Yung messages naman sa mga kaibigan ko lang din nangagamusta. Nag-iscroll na lang muna ako ng mga post ng friend ko sa facebook. Tulad ng dati mga pictures ng mga jowa ng mga kaibigan ko yung mga nakapost. Pero habang nag-iiscroll ako,nahagip ng mata ko ang pinakamasakit na picture na nakita ko.
Hikaru Takahashi with Aimi Hasegawa.
-Feeling inlove😍.(Pictures na magkayap,magkaholding hands at nakatingin sa isa't isa yung tipong magkikiss na sila)
Shemss ang sakit naman talaga noh. Naramdaman ko yung mga luha kong umaagos an ayaw tumigil. Ano bang ginawa ko? Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito??
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far
Short Story"You know? Out of all lies you've told 'I love you' is my favorite." "I think I've fallen to far to be hurt so much like this" Ps. Short story lang po ito. I'm just a begginer when it comes to writing so please bare with me.