Akari's POV
8:09 am na .Umaga na ulit.
Bumangon na ako sa kama ko.
Dumiretso na ako sa banyo para maghilamos manlang.
Ngayong araw na to iaayos ko na yung mga bagay-bagay para sa birthday ni Hikaru.
Pagbaba ko, tinanong ko si nanay elisa kung nasaan sila mama at papa. Ang sabi ni nanay may inaasikaso daw na buisness trip kaya maagang umalis.
So kami lang dalawa ni yaya elisa dito sa bahay.
Matanda na si nanay elisa.
Mga nasa 60's na sya ganon pero kinakaya nya pa rin magtrabaho para samin.
Actually yaya namin sya mula bata pa ako hanggang ngayon. I wonder nga kung di sya napapagod eh. Mula nang bata ako pagwala si mama at papa, siya yung laging nandyan para sakin.
Sya yung tumatayong magulang ko pagkailangan ko ng magulang na magpapagaan ng loob ko. Sinabi nya sakin nung naging close kami na nanay elisa na lang daw ang itawag ko sa kanya parang anak na rin naman daw ang turing nya sakin.
Ang swerte talaga namin sa kanya. Sobrang bait nya. Yung tipong hihilingin mo na sana siya na lang yung nanay mo. Sobrang swerte talaga ng mga anak nya sa kanya. Kaya sana tumagal pa si nanay elisa para naman mas matagal nya pang makasama yung mga anak nya.Pinagluluto ako ni nanay elisa ngayon para naman daw magkalaman na yung tyan ko. Oh diba nanay na nanay lang ang peg. Kaya favorite ko yan sa lahat ng yaya dito eh.
Pagkaluto nya sinabi nya sakin na kumain na ako.
"Nay ikaw ba kumain ka na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa anak pero hayaan mo kakain din ako mamaya wag ka mag-alala." sabi nya sakin.
"Hay nako si nanay talaga. Di ka naman kakain mamaya eh. Lika nga po dito. Sabayan nyo akong kumain." aya ko sa kanya.
Di naman kakain si nanay kahit sinasabi nyang kakain sya eh.
"Wag na iha. Kumain ka na dyan" sabi nya.
Si nanay naman medyo matanda na pero makulit pa rin.
"Nanay naman. Wag na po kayo makulit. Malay nyo po ito na yung huli nating magkasabay kumain tapos di ka pa sasabay" sabi ko tapos ngumuso.
Sana effective.
"Hay nako Akari. Tigilan mo nga yang pagiging bad vibes mo. Hinding-hindi ito magiging huli noh. Tatagal ka pa sa mundo. Basta lagi lang magpepray kay lord sigurado ako pakikinggan ka nya. Tsaka di ka naman nya kukunin kung karapat-dapat ka pa dito sa baba" sabi sakin ni nanay.
Natouch naman ako kaya niyakap ko sya at doon umiyak. Swerte ko talaga sa kanya. Feeling ko tuloy gusto ko pangmabuhay sa mundo at makasama pa sya ng matagal.
Sana nga ganon ang mangyari...
"Tahan na iha. Kumain na tayo" sabi sakin ni nanay.
Kuminang naman bigla ang mga mata ko.
"Sasabay na po kayo sakin?" sabi ko.
"May magagawa pa ba ako?" sabi ni nanay.
"Hay nako nay sabi nga nila wag ka ng tumatanggi sa grasya hahaha" sabi ko at tumawa.
Nakitawa rin naman si manang.
Saya lang makitang masaya si manang kahit papaano. Mamimiss ko yung mga ngiti nya panigurado...
Nagkukwentuhan lang kami ni manang habang kumain.
Inanyayahan na rin namin yung iba pang maids tapos yung driver namin para masaya.Wala man sila mama at papa, nandyan naman sila para pasayahin ako.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far
Short Story"You know? Out of all lies you've told 'I love you' is my favorite." "I think I've fallen to far to be hurt so much like this" Ps. Short story lang po ito. I'm just a begginer when it comes to writing so please bare with me.