LOVE 3 - THE PAST

304 3 0
                                    

CHAPTER 3 - The Past

"Helllo baby? Where are you? Bakit ang tagal mo naman malapit na mag start ang graduation ceremony nyo. Ang dami ng tao dito." Sunod sunod na sabi ko kay Kurt ang tagal naman kasi nya eh.

"Zoey umuwi ka na" huh? Ang tagal tagal kong nag hintay tas papauwiin lang ako. Ano bang problema ng lalaki to. Kung kelan graduation tsaka naman sya mawawala dito. Mas excited pa nga ako sa graduation nya eh. Tsaka ayokong umuwi no. Hihintayin ko nalang sya dito.

"Baby naman. Nasan ka na ba kasi? Hindi ako aalis pag hindi mo ako sinundo dito." Pagpipilit ko pa din sakanya. Baka kasi may surprise lang sya sakin kaya pinapa alis nya ako dito. May usapan na kaming hihintayin ko sya eh.

"Wag ka nang makulit Zoey umuwi ka na. Hindi ako makakapunta sa Graduation ceremony namin. Malamig na sabi nya. Ano bang problema? Kinakabahan na ako sakanya. Parang may iba. Parang may mali. NO! May mali talaga kay Kurt. He promised that he will never hurt me. I need to know the truth. Hindi pwedeng ganito lang. And now I don't care about his graduation. Something is weird.

"Bakit naman? May problema ba? Pupuntahan kita" kinakabahan na kasi talaga ako. Gusto ko syang makita. Gusto kong malaman na talagang okay lang sya. Mas lalo akong natakot. Nangingilid na ang aking luha.

"Zoey, let's break up!" Yun lang ang huling sinabi nya at nag endcall na sya. Halos manigas ako sa kinatatatyuan ko. Hindi pa din ma process ng utak ko yung sinabi nyang let's break up. No! Not now. I feel something is so weird. Parang ibang Kurt ang kausap ko. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung sa galit or sa sakit pinilit kong iayos ang sarili ko.

Nakita ko yung isang lalaki na tumatakbo, late na siguro sya. Kilala ko sya kasamahan sya ni Kurt sa basketball agad ko syang hinarang. Kailangan ay may gawin ako. Hindi ko basta basta isusuko ang lalaking mahal ko. Marami akong mga plano para sa aming dalawa.

"Kuya, alam nyo po ba kung nasan si Kurt?" kumunot ang noo nya. Nag tataka siguro sya kung bakit ang isang katulad ko ang nag hahanap sa pinaka sikat na lalaki sa College namin. "I mean si Edrick po? Alam nyo po kung nasaan sya?" Hindi nga pala sila sanay na tawaging Kurt si Edrick. Dahil ako lang naman ang bukod tanging taong tumatawag nun sakanya. Ngunit halos mabuwal ako sa sagot nya sakin. Hindi ko alam kung paano ko na kayanan ang tunayo sa harap nitong lalaki.

"Isa ka ba sa mga fangirls nya? Nako miss baka nasa airport na sya ngayon. Ngayong araw din kasi ang flight nya papuntang US. Sige miss alis na ako. Wag mo nang isipin yung si Edrick baka mag pakasal na din agad yun. hahaha" tapos umalis na sya. Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako at mabilis na pumara ng taxi at nag pahatid sa airport. Hindi maari yon. Mahal na mahal nya ako para saktan. Kung aalis sya ay dapat sinabi nya sakin. Bakit ba ang sakit ng puso ko. Napa hawak nalang ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko dinudurog ito.

Paulit ulit na nag pplay sa isip ko ang sinabi nung lalaki

"magpapakasal"

"magpapakasal"

"magpapakasal"

Hindi pwede yun mangyari okay naman kami ah. Wala kaming naging problema tsaka sabi nya ipapakilala nya ako sa harap ng maraming tao. Sa araw ng graduation nila kaya hindi sya pwedeng magpakasal. And he LOVES me. Ako lang ang babaeng mahal nya. Hindi ko alam kung sino ba ang kinukimbinse ko. Part of my mind ay na nagsasabing umibig ka sa isang playboy tapos aasa kang ikaw lang ang babae nya? Pero nag bago na sya simula nang maging kami. Nakita ko yun. At pina tunayan nya. But now? I need to find out.

Nang makarating ako sa airport agad akong bumaba at nagtatakbo na pero hindi pa ako nakakalayo nahagip na ng mga mata ko si Kurt may kayakap na babae. Lalapitan ko na agad pero agad din akong napatigil...

"Are you sure Edrick? Pwede namang ipagpabukas na lang natin ang pag alis" sabi nung babaeng kaharap nya ngayon. Maganda iyong babae. Mas matangkad sakin. Pareho kaming maputi. Mas mahaba ang buhok nya sakin. At higit sa lahat sya ang kasama ni Kurt sa mismong araw ng graduation nya. Nasa airport pa sila. Samantalang ako, mag isa. Parang tanga na naka tingin sakanilang dalawa. Anong laban ko? Naki pag break ang boyfriend ko sakin para sa babaeng ito.

"No! Gusto ko nang umalis. Halika na baka malate pa tayo sa flight" sabi ni Kurt na parang excited pa syang maka alis dito sa Pilipinas. Hindi na ba nya naisip kung ano ang mararamdaman ko? He promised me. Pero sya pa ang unang bumitaw samin. Tingin nya ba ay kulang pa ako? Madami akong tiniis para sakanya. Tapos iiwan nya lang ako.

"Nakakatawa ka talaga Edrick. Hindi ka talaga maka pag hintay ah. Pero halatang kinakabahan ka. Don't worry ako ang bahala sayo pag dating natin ng Amerika" ngumiti ang babae sakanya. Wala akong magawa kundi ang tingan nalang sila.

"Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala ka Jam" bago niyakap sya ni Kurt. Hindi ko na napigilan na hindi maiyak. Nakatingin na lang ako sa papalayong Kurt. Naka hawak pa sa braso nya ang babae. Ipinag palit nya ako. Isa pa din syang playboy. At pina ikot at pinag laruan nya ang damdamin ko. Isa lang din pala ako sa mga babaeng nilandi nya. Ito ang pinaka masakit ang makitang masaya na sya sa iba, ang makita ang papalayo nyang katawan.

Akala ko ba nagbago ka? Akala ko ba na ako na lang ang mahal mo? Nangako ka sakin. Napangiti ako ng mapait ang tanga ko para maniwala sa isang playboy. Ang isang playboy ay mananatiling playboy. Hindi na magbabago yon. Ito na nga ba yung araw na akala ko hindi mangyayari sakin. Ang sakit lang, itinago nya ang relasyon namin sa lahat ng tao. Diba dapat don palang magtaka na ako. Kinakahiya nya ako. Dapat hindi ko na pinalalim ang nararamdaman ko. Ngayon ako lang naman ang nasasaktan dahil minahal ko sya eh. Nagpaka tanga ako sa isang playboy.

Hingal na hingal akong napabangon. Napatingin ako sa bed side table ko. 2:30AM palang. Mukang binabangungot na naman ako. Nakakainis kasi yung lalaki yon. Wala pang 24hours na nagkita kami sumama pa sa panaginip ko. Ang lakas din ng loob nya. Ang kapal pa ng muka nya. Wala syang kwentang tao. Hindi nya ako madadaan sa kagwapuhan nya. Hindi na ngayon. Strong na yata ako. I am Zoey Trisha version 2.0 mas maganda at sexy na ako ngayon.

Napaisip ako bigla. Kinasal na kaya ang lalaking yun? Pero sabi nya single sya. Pero sinabi nya ding my heart is taken. Napaka flirt talaga ng playboy na yon. So ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang playboy. Kung bakit sakanya pa unang tumibok ang puso ko, ang malas ko lang. I'm so young and naïve that time. Nag mahal lang naman ako. Hindi ko naman kayang pigilan yung nararamdaman ko.

Kumuha na lang ako ng tubig sa mini ref ko dito sa kwarto. Iinom na lang ako ng tubig para maalis sya sa isip ko. Pero simula din nang iwan nya ako, at maki pag break sa phone parang kasabay na din ang paglimot ko sa salitang LOVE. Ni hindi na ulit ako nagmahal ng ibang lalaki kahit napakarami nilang sumusuyo sakin siguro natakot na ang puso ko. Ano ba tong mga iniisip ko baka mamaya malate na naman ako eh. Makatulog na nga lang ulit.



Don't believe everything you hear. There are three sides to a story, Yours, Theirs, and the Truth.

Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon