LOVE 4 - GABRIEL TORRES AS MY DAKILANG BOYFRIEND

281 7 0
                                    

CHAPTER 4 - GABRIEL TORRES AS MY DAKILANG BOYFRIEND

"Trisha, baby may problema ba?" huh? Tanong sakin ni Papa. Nag bbreakfast kasi kami at biglang nagtanong ng ganun si papa. Wala naman kasi akong problem eh. Yun ang pagkaka alam ko so far. Kasi dapat hindi ko naman pinoproblema yung lalaki yon.

"Nothing po, Papa. Why?" Tapos bigla naman akong lumingon kay Mama na parang may alam kasi sila. Ano bang nangyayari? I don't have any clue. Meron ba silang alam na hindi ko alam

"Kamusta naman ang pag-aaral mo" Si Mama naman ang nagtanong. Naguguluhan na ako. Ayaw nalang kasi nilang sabihin ang daming paligoy ligoy. Ganto talaga ang mga magulang ko. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang gusto nilang sabihin.

"Okay lang din naman. Medyo busy lang kasi nga po graduating na din, marami kaming inaasikaso pero kayang kaya ko naman po." Sagot ko sakanila. Kahit naman nahihirapan ako lahat naman ng grades ko passing and never ako nagkaroon ng failed sa mga subjects ko. Kaya walang naging problem ang parents ko sakin. Sinisikap ko talagang mag aral ng mabuti because I want to make them proud lalo na ako lang naman ang anak nila. Ayokong maging sakit sa ulo nila.

"We received a notice from your University and" sabi ni Papa. Naguguluhan ako ah. Di tuloy ako makakain ng breakfast. They received a notice pero walang dumaan sa akin? Ano bang notice yon?

"And what, Papa?" pagtutuloy ko sa sinasabi ni Papa. Kasi naman bakit may pabitin portion pa itong si Papa. Lalo akong kinabahan.

"And according to the notice you need a tutor." WHAT? Tama ba yung narinig kong sabi ni Papa. Me? I don't need a tutor. I actually passed my levels since I started schooling without a tutor. And ngayong graduating na ako ngayon ko pa ba kakailanganin non? NO WAY!!!

"Seriously Papa? Me? I don't need a tutor. Alam kong average lang ang brain ko pero never ko kakailanganin ng tutor." Pagdedepensa ko naman sakanila. Hindi ko talaga matanggap yon. Why me? And parang ngayon lang din ako nakatanggap ng ganitong notice sa buong buhay ko.

"But anak ang University nyo na ang nagbigay ng notice, hindi naman natin pwedeng hindi ito sundin baka hindi ka pa maka graduate." Sabi ni mama. Pero I don't need a tutor. I can't accept it. Bakit hindi man lang nakarating sakin yun. Ni walang professor na kumausap sakin.

"Papa, Mama. For five years kinaya ko naman diba? Aaminin ko minsan nahihirapan talaga ako pero mabilis kong natututunan ang mga lessons namin, actually Papa ako pa nga diba ang nagtuturo kay Sab" Pero mukang hindi ko mako-convince ang mga magulang ko. They really want me to have a tutor. Kung titingnan talaga ang grades ko okay naman lahat yon. Mas kailangan pa nga yata ni Sab ng tutor kesa sakin eh.

"Fine. What should I do now?" pagsuko ko sa parents ko, kasi hindi na sila kumibo. Nakakawalang gana tuloy kumain. I should just do it nalang. Wala naman sigurong mawawala sakin kung magpa tutor na lang ako. Dapat mag give in na lang siguro ako.

Bumuntong hininga si Papa bago sinabing "According to the notice Trisha, after your class you need to go in your school conference room in the library" sabi ni Papa, nangunot naman ang noo ko. Bakit doon pa? Ano ba naman tong pinasok kong kalokohan.

"Hindi ko talaga maintindihan ito. I need to talk muna sa mga professor ko na nag advice na mag turor ako. Hindi naman siguro ganun kababa ang grades ko para sa conference room pa ng library ang tutoring place namin." Grabe ah. Ang laki kaya ng place na yun. Baka naman marami kaming kailangan na magtutor. Nakaka hiya naman na makita ako ng ibang mga students na kasama sa tutoring. Kahit naman ganto ako, ayoko pa ding matapakan yung pride ko. Lalong lalo na kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ko naman talaga kailangan ng tutor.

Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon