LOVE 7 - I'M INLOVE WITH AN IDIOT. BUT HE'S MY IDIOT

244 4 3
                                    

Wala na akong nagawa nung sinabi nyang sa kwarto daw nya kami mag stay.

"Mauna ka nang pumasok sa kwarto na yun. Magpapakuha muna ako ng merienda kay Manang." utos nya sakin kaya naman pumasok na lang ako sa kwarto na tinuro nya. Sana naman hindi kami makita ng asawa nya.

Sa totoo lang. First time lahat ng nangyayari ngayon sakin. First time ko magpa tutor, ipakilala sa magulang I mean noong kami pa dati nitong si Kurt ni minsan hindi ako pinakilala sa parents nya, at higit sa lahat first time kong papasok sa kwarto ng lalaki and worst sa kwarto pa ng ex ko. Pag bukas ko ng pinto hindi maipagkakaila na kwarto nya nga 'to amoy palang kasi, malaki ang room nya at masyadong malinis para sa isang lalaki. Color white and black ang design, isang king size bed meron ding isang mini sala sa room nya at isang study table may isa pang door, siguro CR yun. Uupo na lang muna ako dito sa isang sofa nya, nagdadalawang isip pa ako ngayon kung ioopen ko ba ang flatscreen tv nya para manuod ng balita.

"Hey" napalingon ako sa may pintuan, naka balik na pala sya. Naka tayo sya dun at nakangiti sakin. Nakakalusaw yung titig nya sakin. Ang gwapo pa din talaga nya. Kaya ngayon ang puso ko ay parang nagwawala na gustong lumabasa yata sa rib cage ko. Yung nangungusap nyang mga mata na kulay brown, iyon ang paborito kong part ng napaka gwapong muka nya.

"Hmm. Can we start now? Para naman maaga akong makauwi?" kumunot naman ang noo nya. Hindi ko kasi kayang magtagal pa dito sa loob ng room nya. Baka bigla akong bumigay nalang. Kailangan maging matatag ako.

"Nagmamadali ka yata?" Balik tanong nya sakin. Hndi ko na sya nasagot kasi naman nag vibrate ang phone ko. Pasaway talaga tong si Gab..

GAB: Girl subukan lang nyang ex mo na hawakan kahit dulo ng kuko mo may paglalagyan talaga yan.

Natawa naman ako sa text nya. Kung hindi lang talaga sya gay baka mainlove na ako sakanya over protective naman kasi talaga kaya naman napangiti ako habang nagrereply

AKO: Baliw. Never!! Subukan nya lang, kasi ako na mismo ang bubugbog sakanya.

Narinig ko ang pag tikhim nya kaya naman napalingon ako sakanya.

"Yes?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Hawak ko pa din ang cellphone ko. Baka kasi mag reply pa tong si Gab.

"Saan ka mas komportable? Dyan na lang ba tayo or gusto mo sa may study table?" Napatingin ako sa may study table medyo pang single lang dun medyo masikip naman. Okay sana yun kung couple ang magrereview.

"Maliit masyado ang study table mo kaya wag na tayo dun" tas bigla syang ngumisi. Lumapit sya sa akin at tumabi sya sa sofa.

"I see. But we can use my bed naman para maluwag" kinilabutan ako sa pag ngisi nya. Baliw din ang isang to. Pero I trust him, dahil noong kami pa dati hindi naman sya gumawa ng kahit anong hindi ko gusto. He respects me, and I give him credit to that.

"You!! You're an idiot and pervert" medyo kinakabahan kong sabi. Napatayo tuloy ako sa kinakaupuan ko. Aba grabe tong isang to. Lord naman sabi ko sainyo ilayo nyo ako sa mga temptations eh.

"What?" pa inosente nyang sagot. Akala mo wala syang nasabing kakaiba sakin. Kaya ayaw ko talaga dito sa kwarto nila eh. Sana kasi sa garden nalang or sa sala nila sa baba.

"Dapat talaga hindi ikaw ang kinuha kong tutor, ano pa nga pala ang mapapala ko sa isang idiot na pervert?" tumawa lang sya ng malakas. Sumakit sana ang tyan mo kakatawa. Pero napatitig ako sa muka nya. Parang na hypnotize na naman ako. Ang ganda ng tunog ng tawa nya. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang gantong kasaya. Nagiging singkit yung mga mata nya ang cute lang.

Not Familiar with that Four Letter Word Called LOVE (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon