Makati|Mnl|PH
13:00 PM"Dad!!!" Patuloy kong sigaw habang niyuyugyog ang balikat ng aking ama.
"Tulong! Pls call an ambulance!" Sigaw ko habang umiiyak. Ngunit patuloy lang na nagkakagulo ang mga tao sa loob at labas ng restaurant.
Tinignan ko pa ang dalawa kong kapatid habang umiiyak na nakatingin sa aming ama. Nilingon ko naman ang aking ina na nakatulala lang habang nanginginig sa takot.
"Mom!" Tawag ko sa kanya at doon lang siya bumalik sa kanyang tamang ulirat. Nagkakaundagaga niyang kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at nanginginig na nag-dial.
"Hello?" sagot niya sa kabilang linya.
"We need rescue, please magpadala kayo ng ambulansya ngayon dito sa may Shangrila Hotel. ASAP! May nabaril dito sa loob ng isang Korean Restaurant." Aniya ng aking ina at bakas talaga sa kanyang mukha ang takot.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naghalo-halo ang kaba, takot, konsensya at galit. Ngunit mas nanaig ang galit sa kanilang lahat.
Kung sino ka mang demonyo ka. Humanda ka dahil hahanapin at hahanapin kita.
"Alex" tawag sa akin ng aking ina na umiiyak.
Kinapa ko ang pulso ni daddy at wala na siyang buhay. Umiiling-iling akong lumingon sa aking ina habang umiiyak.
"M-om.. si dad-dy.." hagulgol ko sa aking kinauupuan.
"No! This can't be!" Sigaw niya kaya umiyak ng umiyak ang dalawang nakababata kong kapatid na siya namang dinaluhan agad ng aking ina at niyakap silang dalawa.
"Enough baby. Everything is fine." Aniya sa dalawa.
Tinignan ko ang paligid at lahat ng taong nakikita ko ay sa amin sila nakatingin. Yung iba makikita mo sa kanilang mata ang awa at simpatya. Yung iba naman ay parang walang pakialam.
Maya-maya ay dumating na ang rescue team. Tatlong nurse, tatlong NBI Agent at limang pulis. Tumayo pa ako sa aking kinauupuan nang ichecked ng isang nurse iyong pulse ng aking ama to see if it still beating ngunit tulad ko ay wala kaming mahita sa kanyang pulso. At ang ibig sabihin noon ay patay na nga ang aking ama.
Napahilamos ako sa aking mukha sa mga sandaling iyon. I silently crying habang nakatakip ang aking kanan na palad sa aking bibig. I can't take it anymore. Mayroon sa pagkatao ko na gustong sumabog sa galit.
Kinausap ng isang pulis kasama ng isang NBi agent iyong aking ina. Inaaanyayahan daw kami sa presinto upang magbigay ng detalye ukol sa nangyari sa aking ama.
Tumango kami bilang pagsang-ayon.
Binalutan nila ng puting tela ang aking ama at binuhat nila at nilagay sa stretcher. May mga reporter naman sa labas ng restaurant at kasalukuyan na silang nagbabalita at kinukuhanan pa ng litrato ang aking ama.Sumama pa ako sa medical team para masigurong didiretso nga ito sa morgue. Samantala ang aking ina kasama ang kambal ay sumama naman sila sa mga pulis diretso sa presinto.
Nang makarating kami sa morgue ay agad na inasikaso nila ang katawan ng aking ama. Nagsagawa pa sila ng autopsy report. Pinauwe na ako ng isang nurse dahil anim na oras pa raw ang aantayin nila para ma embalm ang katawan ni daddy. Sila na raw ang bahalang kumuha ng embalsamador. Sumang-ayon na ako sa kanila at tinawagan ang aking ina."Hello?" Sagot niya sa akin sa kabilang linya.
"Where are you?" Tanong ko.
"Presinto. Dito sa may Makati." Sagot niya kaya binaba ko na ang tawag at nagcommute papuntang presinto.

YOU ARE READING
DIVERSION (ON GOING)
AcciónSeven years ago I was imprisoned by a certain unknown group here in the Philippines. The mission of this group is to eliminate individual who we're againts in every mission or operation of this group. No one knows this group, only who owned, operate...