Manila|PH
05:00 AMNarito kami ngayon sa safehouse ng Diversion at kasalukuyang nag-aayos ng gamit si Xander dahil babalik na kami sa Headquarter ayon kay Amanda gawa ng tapos na raw namin ang aming mission.
Speaking of mission--ang patayin si lolo, heto ako ngayon;hindi pa rin makapaniwala na patay na si lolo Reynaldo at ang masaklap ay namatay siya nang dahil sa akin. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Damn!"Hey its okay." Ani Xander na nasa harap ko na pala at pinupunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang mga palad.
"Para sayo okay! Para sa lintik na organisasyon na yan ay okay!! Pero hindi para sa akin Xander... hindi iyon okay sa akin!! Naiintindihan mo ba?!!" Galit kong singhal sa kanya habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Okay sorry, I didn't mean it that way."
"Palibhasa hindi mo pa naranasan iyong nangyari kahapon." Sabi ko.
"Yun ang pagkaka-alam mo." Sabi niya habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang ngayon ko lang nakita ang emosyong pinapahiwatig non. Matinding galit at nakakatakot itong tignan.
"A-no ang i-big mong sa-bihin?" Nauutal kong tanong.
"Tulad mo, noong baguhan pa lang ako sa Diversion, iyon din ang naging unang misyon ko; ang patayin ang babaeng pinakamamahal ko." Anito sa malamig na boses. Sobrang cold ng expression niya at mas lalo tuloy akong kinakabahan sa presensya niya.
"Noong una ayaw ko din ng pinapagawa nila. Hindi ako sumusunod sa mga utos nila. Hanggang sa sinabi nilang isang terorista si Vivian at siya ang target ng organisasyon. At first di pa rin ako naniniwala. Actually, ayaw kong maniwala dahil bago ang lahat mahirap talagang paniwalaan ang ganoong sitwasyon at ayaw kong mawala si Vivian nang dahil lang sa akin." Tumigil siya sa pagkukwento at nakita ko sa mga mata niya ang magka-halong galit at pangungulila.
"Napatay mo ba si Vivian?" Tanong ko.
"Yes! Because I don't have a fucking choice! Kailangan ko siyang patayin kung hindi ang mommy ko ang papatayin nila!" Sagot niya.
"So ginawa nilang pa-in ang mommy mo for you to choose her ang let this Vivian died into your hands." Sabi ko at nadagdagan ang nararamdaman kong galit para sa organisasyon.
"Wala rin tayong kawala Alex. In this organization, once your in, there is no more way of getting out. Try to escape and you'll be dead. Ganon lang kadali yon." Anito sa sarkasmong boses.
"Kapag gusto maraming paraan Mr. Pierce." Nakangisi kong sabi na siyang nakapagpakunot ng noo niya.
"So you have a plan to escape?" Natatawang tanong niya.
"Oo. At kapag nangyari iyon, pababagsakin ko kayong lahat!"
"Ooohhh a fighter! Then deal! Its for me to see and for me also to know. Try your best at huwag kang papahuli kung ganoon." He mockingly said.
Inirapan ko lang siya at nagsimula na rin siyang magbuhat ng mga gamit namin kaya sumunod na lang ako sa kanya. Naglakad kami ng ilang kilometro papunta sa eroplano kung saan niya ginarahe.
"Seatbelt!" Ani Xander at nagseatbelt naman ako bago niya paliparin sa ere ang maliit na eroplanong sinasakyan namin.
Diversion Headquarter| Batanes|PH
07:30 AMWala pang dalawang oras ay nakarating na kami sa headquarter at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa underground organization na ito.
"Tiyak akong pupurihin ka mamaya ni Amanda." Ani Xander habang lulan kami ng elevator pababa.

YOU ARE READING
DIVERSION (ON GOING)
AksiyonSeven years ago I was imprisoned by a certain unknown group here in the Philippines. The mission of this group is to eliminate individual who we're againts in every mission or operation of this group. No one knows this group, only who owned, operate...