Concepcion|Tarlac|PH|10:00 AM
Nang naputanayan namin na sa Tarlac nga ang location ng kompanya ni Dr. Hammer Sicrais ay nagpadala si Amanda ng mga agents doon at napabilang ako sa mga pinadala upang lusubin ang kompanya nito.
At narito na kami sa nasabing lalawigan kung saan nakatayo ang isang old building na may dalawang palapag at may nakasulat na 'HAMMER' into an Italic style. Makikita ang kompanya ni Dr. Ham sa isang malawak na lupain na napapalibutan ng pader ang compound.
"Be ready agents! Always watch your surroundings!" Ani Xander na katabi ko ngayon.
Sumenyas pa siya na mauna raw ako at siya ang cover ko.Umakyat kami sa pader na di naman kataasan at tinulungan pa ako ni Xander maka-akyat.
Nang makapasok kami ay biglang tumunog ang kanilang alarm. Nagtago kami sa ilang puno na mayroon sa likod ng building dahil tiyak kaming may lalabas na kalaban."Rattattatt! Rattattat!"
Nagpaulan ng mga bala ang kalaban sa gawi namin kaya minabuti naming magtago ng maigi sa mga naglalakihang puno. Kumuha kami ng tiempo at kami naman ang nagpaulan ng bala sa kanila. Nalagasan na sila ng bilang at samantala kami ay kompleto pa.
Patuloy na nagpapalitan kami ng bala sa kalaban hanggang sa wala nang matira sa kanila. Dead bodies we're on the ground. Sumenyas naman si Xander na nasa unahan na kailangan na naming pumasok mismo sa loob ng building.
But unfortunately ay hindi madali sa amin ang makapasok sa loob. The doors are locked at may hinala kaming system locked ito. Kinausap ko si Nerd about sa problema namin at may inutos lang siya sa akin upang siya na ang bahalang magde-activate sa system nila. Kinuha ko ang maliit na metal na hugis bilog na pinabaon niya sa akin na may magnet sa likod at iyon ang idinikit ko sa steel doors nila. Iyong main door ng building.
"Accessing the system... Be ready guys may mga tigre na sa loob at nag-aantay sa inyong makapasok." Imporma ni Nerd sa amin.
Pumagilid naman kami ni Xander at ilang agents na kasama sa team namin.
"On three agents...ready?" Ani Nerd.
"Yes Nerd." Sagot ko.
"One. Two. And three!" Pagtatapos ni Nerd sa pagbibilang hudyat ng pagbukas ng pintuan sa lahat ng building.
And on cue naman ay kami na ang unang nagpaputok sa mga kalaban na nasa loob. Tumba agad ang sampo."Rattattatt!! Rattatttat!!!"
At nagpalitan pa kami ng putukan sa mga kalaban sa loob. At habang nalalagasan nang isa ang bilang ng kanilang grupo ay may kapalit agad ito na tatlo. Kaya mas dumadami ang aming kalaban.
Where the hell are they coming?
"Aahh!" Impit nang isang agent na nasa tabi ni Xander. Sinulyapan ko ito at nakitang may tama siya ng bala sa kanyang hita.
"Are you okay?" Tanong ni Xander sa agent sa gitna ng putukan. Sumenyas naman ang agent bilang sagot sa tanong.
Nagpaulan ng maraming bala si Xander gamit ang machine gun na dala niya kanina pa. Halos mabingi kaming lahat sa ingay na nanggagaling sa baril na gamit niya at dagdagan mo pa ng napakalakas na hiyaw ni Xander na animo'y siya lang mag-isa sa pakikipaglaban.

YOU ARE READING
DIVERSION (ON GOING)
حركة (أكشن)Seven years ago I was imprisoned by a certain unknown group here in the Philippines. The mission of this group is to eliminate individual who we're againts in every mission or operation of this group. No one knows this group, only who owned, operate...