CHAPTER 9: Baguio

9 0 0
                                    

Baguio City| 9:00 AM

Dali-dali kaming nagpunta sa pinangyarihan ng pagsabog kasama ang ilang agents ng Diversion. At sa ganoong karumal-dumal na sitwasyon ang nadatnan namin. May mga pulis na ng syudad at ilang rescue team sa pinangyarihan ng insidente at napag-alaman namin na may sampung sugatan at limang katao ang patay dahil sa matinding pagsabog.

Palinga-linga ako sa paligid at wala akong makita na bulto ni tito Adrian, maliban sa mga taong naroon upang maki-usisa  ay may mga ilang kalalakihan ang nakita kong nakatayo lang sila sa di kalayuan at pinagmamasdan lang ang kaganapan dito sa pwesto namin.

"Xander, 3'o clock." Usal ko kay Xander na tinitignan kung ano ang maaari niya pang maitulong dahil nakita ko kanina na tinulungan nila ang mga rescue team sa pagbubuhat nung mga sugatan at nung mga bangkay.

Pasimple namang nilingon ni Xander ang bandang kanan niya at gaya ko ay hindi ipinahalata na may pakay nga kami dito.

"Just wear your best disguise Alex. Hindi mo lang alam na baka narito sa ating pwesto ngayon ang suspek at nakikihalubilo lang sa atin."

"Yea, I know."sabi ko sabay ayos ng correctional eyeglasses ko.

"Sir, napag-alaman na nanggaling ang bomba sa isang naiwan na box sa loob ng pamilihan ayon sa isang sugatan na nagtratrabaho rito." Imporma nang isang pulis sa kanyang hepe.

"Sige, investigate for more possible reasons and report it to me immediately!" Utos lang ng hepe at dali-daling umalis sa venue kung nasaan kami at hinarap ang mga ilang reporters na naroon sa di kalayuan at inaantay siya for interview.

Dali-dali ko namang tinulungan sa pagbubuhat ang isang rescuer don sa sugatan upang ilipat sa stretcher bed. Nakita ko pang nakapagtamo ng third degree burn sa braso ang mamang binuhat namin.

Tsk! Kawawa naman ang mga taong tulad niya na nadadamay lang dahil sa mga taong halang ang kaluluwa.

Pagkatapos malinis lahat ng dapat linisan sa pinangyarihan ng naturang pagsabog ay dumiretso na rin kami ng ilang agents na kasamahan ko sa bahay nila Mang Ximo dahil hindi pa kami naghahapunan at tumawag na si Mang Ximo kay Xander na nakahanda na ang aming tanghalian at kami na lang ang inaantay.

Nang makapasok kami sa bahay ni Mang Ximo na siyang isa sa mga imporma ng Diversion ay umalingasaw ang amoy ng bawat putahe na nakahanda sa hapag. May beefsteak, caldareta, pinakbet, at macaroni soup.

Habang kumakain ay busy rin sa Xander sa kanyang cellphone. Siguro inuupdate niya si Amanda. Mga ilang sandali pa ay nag ring nag kanyang cellphone kaya sinagot niya ito ngunit hindi umaalis sa kanyang kinauupuan.

"Got it Ms. Q" rinig kong sabi niya.

"Okay. Thanks." Dagdag aniya sa kausap sa kabilang linya.

Nakangiti naman akong tinignan ni Xander after niyang ibulsa ang kanyang telepono.

Umiling nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos na kaming naghapunan ay dumiretso kami sa sala ni Mang Ximo at sa center table nito ay may nakapatong na laptop at ilang devices na kumo-konekta sa headquarters at ang isang computer agent na kasamahan namin ang siyang nagmamanipula roon.

Habang nag-aantay ng updates galing sa HQ ay nakatanggap ako ng isang text galing kay Amanda.
She was informing not to ruin this mission—alam niya kasing si Tito Adrian ang target at kadugo ko ito so may posibilidad na ipaglalaban ko pa rin si tito.

Bumuntong hininga na lang ako pagkatapos kong isilid sa aking bulsa ang aking cellular phone.

Sunod sunod na nag beep ang laptop na nasa harapan namin at tumatawag ang HQ. Dali-dali namang sinagot iyon ng kasamahan naming agent at bumungad si Amanda sa monitor.

DIVERSION (ON GOING)Where stories live. Discover now