CHAPTER I

43 0 0
                                    


Beautiful Voice

   Hindi ako nakatulog kakaisip kung parte ba siya ng kabataan ko o ano at hirap din akong hanapin siya sa natitirang pag-asa kong mahahanap ko siya sa Facebook,kaya kinabukasan puyat ako pagpasok sa eskwelahan kung kaya ang aga kong nakarating sa classroom. Feel ko yung itim sa ilalim ng aking mata at wala akong pake kung magmukha akong zombie ngayon.

'Oh Al bat ganyan itsura mo,mukha kang pinagkaitan ng tulog kagabi ah,puyat na puyat sis?' usisang tanong ni Jez
Ang aga din ng isang ito ah

'Ah kasi inayos ko lang yung project ko kagabi para sa Science' pagpapalusot ko
alam ko namang napaniwala ko siya

'Sipag naman talaga,by the way may hindi ka pala sinasabi sakin na nangyari kahapon' tinaas-taas niya ang kilay niya at nilakihan niya ako ng mata na parang sinasabing hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya

'Ano yun?' pagmamaang-maangan ko kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya

'Magkasama kayong umuwi ni Toffer kahapon hindi ba?'
Titig na titig siya sa mata ko at kumunot ang noo ko
'Sige ideny mo!' Angil niya
Paano naman nalaman ng babaeng ito na magkasama kaming umuwi kahapon ni kumag? Well I won't be surprise sabi nga nila may pakpak ang balita

'Oh ano naman dun? Nagkataon lang na parehas kami ng way pauwi kaya wag ka ngang bumuo ng konklusyon sa utak mo Jez kilala kita' pagbabanta ko sa iniisip niya,I know her too well.

'Anong ano naman dun,anong nangyari sa loob ng tricy? Nag-usap ba kayo o mga ibon lang ang humuhuni sa pagitan niyong dalawa? Kwento ka naman oh parang hindi tayo magkaibigan niyan.' Aniya

'What the heck Jez seriously? Walang nangyari it's just that he want us to be friends that's all so I accepted it,wala namang masama kung tatanggapin ko hindi ba?' Sabi ko

'Yes that's my Ally' kindat niya sakin
'So ibig bang sabihin friend ko na rin siya?you know,unless ipagkakait mo ako sa kanya?' with matching puppy eyes

'Para kang sira' sabi ko na may halong tawa

Nanahimik na kami at ang buong klase ng dumating ang adviser namin para iannounce ang pagkakaroon ng Theatre Play sa school and our grade level is the chosen one to act on that Play. And with that I feel so very excited.

'Can I have volunteers to be an actors and actresses kasi kung hindi naman lahat makakapag-act pwede na mang sa props men or sa pagdedesign ng stage yung ibang low confident to play the roll for the upcoming Play and don't worry may katulong naman kayo sa pagdedesign ng appropriate decorations for Play yun ay ang mga senior highschools students,so
Back to the topic, who wants exposure?'

'Miss when will it happen?' Kyuryosong tanong ko

'After the exam miss Bermudez, by the way, ang practice is on monday after class. Don't forget to bring pack lunch,extra shirt off course kaya kelangan niyo nang ifinalize ang mga sasali bukas and may mga coaches naman tayong mag ga-guide sa inyo kaya no problem in doing the acts,kaya mas pinaaga yung practice so who's up to that exposure?'

'Miss ako po' ngiting-ngiti si Jez na nagvolunteer at makikita mo talagang excited siya sa Play na mangyayari
Sumasali na rin kasi siya sa mga ganito kaya game na game siya

Mananatiling Sa'yoWhere stories live. Discover now