Chapter XII

21 1 0
                                    

Sabi ko na

From: unknown number

Hey Ally, it's Toffer please save my number :)

Pagkabasa ko ng mensahe narinig ko na naman ang pamilyar na tibok ng puso ko
Hindi pa ako nakakapagreply ng may sumunod ulit na mensahe.

From: Engr. Toffer

Uhmm may I ask if you're free tonight? Dinner perhaps?

Nangatog bigla ang aking kamay sa pagtipa ng isasagot,so I heave a deep deep sigh. Inhale. Exhale.

To: Engr. Toffer

Pwede bang dito na lang sa Cafeteria ng hospital, hindi kasi ako pwedeng magtagal kasi may pasyente pa akong papainumin ng gamot,pahirapan kasi bata pa.

Ba't may pagpapaliwanag?

Hindi ko naman iniisipan ng kung ano ang pagyaya niya sakin ngayong magdinner nang sabay, baka nga friendly gestures lang tapos mag-aassume ako? No freaking way.

Hindi naman porket pumayag ako eh I'm a cheater na noh

Ayun na lang ang inisip ko para hindi na mabagabag pa

from: Engr. Toffer

Alright then, see you there :)

Mag-aalasdos pa lang ngayon at may mga gagawin pa akong iniassign sakin ni Doc. Tan kaya ginawa ko na muna ang lahat,nag diagnose ng patient sa room 107, nagcheck ng dextrose sa room 211
at nagdala ng dinner sa room 204, at pahirapan pa dahil gusto niya raw ng may lasa,pero dahil hospital 'to hindi siya mapagbibigyan sa gusto niya kaya nilatag ko na lang yung pagkain sa maliit na lamesa dahil kakainin rin naman niya yan 'pag nagutom siya kaya hinayaan ko na lang yun doon,nang biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Engr. Toffer

Where are you? Puntahan na kita. Andito na ako sa baba.

At hindi ko na namalayan ang oras at mag-a-ala sais na pala ng gabi

To: Engr. Toffer

Nasa hospital ward ako sa Second floor, see me there.

Wala pang limang segundo ay nakatanggap na ako ng reply niya

From: Engr. Toffer

right up miss.

Natawa ako sa reply niya.

Nakaupo ako ngayon sa upuan sa hallway at inaantay ang pagdating niya at para naman magkaroon ako ng peace of mind sa gagawin ko ay tinext ko si Zy para magpaalam,as if it is a crime though.

To: Fiancée♥️

Hi love, where are you? Magpapaalam lang sana ako na magdidinner lang kami ng collegue ko dito lang sa cafeteria ng hospital, hope to see you soon! Iloveyou :)

At nasend na nga nang nakita ko si Toffer na papalapit sa dako ko

I felt relief kasi hindi na ako magiguilty dahil nakapagpaalam na ako kay Zy

"Hey, tired?" sabay beso niya sa akin na ikinabigla ko kaya hindi ko alam kung saan siya hahalik kaya ang ending nakiss niya yung gilid ng labi ko

"oh s-sorry"
"sorry uhh" sabay kami ng sinabi at tumawa na lang

Since nasa "WARD" kami,I felt awkWARD

Ngiii ang corny ko,anyway para malessesn yung awkWARDness in between, o ako lang? ah basta

Mananatiling Sa'yoWhere stories live. Discover now