After all
Isang linggo na nung nagkita kami ni Toffer at salamat at nakarecover na yung mga nasugatan at buti na lang walang napuruhan sa insidenteng nangyari.
Lumalakas pa rin ang tibok ng puso ko sa tuwing inaalala ko yung mga huling salitang binitawan niya
Iwinaksi ko na lang ang iniisip sa pagpaplano ng kasal namin.
"Love, what do you prefer, a beach wedding, a church wedding, or a garden wedding? " ngumiti ako pagkalingon kay Zyrell
Andito kami ngayong dalawa sa designer ng kasal namin ni Zy,Day-off ko kasi ngayon kaya here we are.
"Whatever you want, it's all okay. Basta ba ikaw bride ayos na ako dun" balik tingin ni Zy sa akin at nagtingin-tingin sa mga designs ng bridal gown sa kabilang room
Napangiti na lang ako sa sinabi niya
"Ano ba yan parang lalanggamin ata ako dito mamaya ah" pinapagpag ni Badeth yung portfolio ng mga example na venue ng pwede naming maging reception
Kaya tumawa na lang kami ni Zy sa tukso ng designer, by the way my mother pick her to be our designer kasi sabi niya si Badeth daw yung nag-asikaso nung kasal ng inaanak niya na anak ng gobernador ng lungsod. Para naman daw bongga dahil nag-iisa nila akong anak. Atsaka all in one na 'tong team ni Badeth.
Dahil nga ako raw ang masusunod, I want a church wedding.
Habang inililipat ko ang bawat pahina ng listahan ng venue, nagring ang phone ni Zy na nasa mesa niya nilagay kanina, lalaki ang tumatawag kaya pinuntahan ko siya sa room at inabot sa kanya ito at baka importante at tungkol sa trabaho.
"Love someone's calling, here oh" sabay abot ko
"oh thanks" kinuha niya ang phone sa kamay ko at sinagot na ang tawag
"Hello? yeah, I'll be there in 10 minutes, wait for me, Okay, yeah, uhmmm yeah, off course Bye! "
"Aalis ka na?" takang tanong ko dahil sabi niya tutulungan niya akong sa pagpaplano nitong kasal ngayon,pero mukhang mag-isa ko yung gagawin
"yeah, I'm sorry Love,it's from the office. Sort of emergency" siguro naawa siya sa ipinakita kong ekspresyon
" sige ako na bahala rito, lagi ka namang umaalis eh sanay na ako, huwag mo lang akong lalayasan sa kasal makikita mo hinahanap mo" pagbabanta ko
"off course love" sabay halik niya sa ulo ko
"okay then I'll get going, See you later?" pambawi niya sa pag-alis niya ngayon"uhmm pa'no pala ako uuwi neto?" takang tanong ko dahil iisa lang ang sasakyan na dala namin at yung sa kanya pa yun
" Can you take a cab at least? " nagpuppy eyes pa siya at dahil mahal ko naman siya pagbibigyan ko na at baka nga importante yung itinawag nung guy
" Sige na nga, nako talaga" inis na hayag ko
"Bye! See you!" sabay martsa palabas
" oh anyare ba't ang aga naman umalis ni papi?" tanong no Badeth
"Ah may emergency daw sa office nila kaya ayun lumarga na iniwan yung ganda ko dito" sabay tawa ko sa kanya
"Ay ganun, sige halika na't sukatin na natin yang kagandahang sinasabi mo" sabay na kaming tumawa ng malakas
Natapos ang ritwal na nagganap para sa araw na ito, nagpaalaam na ako sa kanya at para makauwi na rin at makapagpahinga dahil may trabaho na ulit na naghihintay kinabukasan
Pagkababa ko sa building naghanap agad ako ng taxi
May huminto na sa harap ko at binuksan ko na ang pinto ng may tumawag sakin

YOU ARE READING
Mananatiling Sa'yo
Non-FictionPaano kung ipinagtabuyan mo noon, minamahal mo pa rin pala hanggang ngayon.