Too
Pagkatapos ng ilang linggo,napractise na namin ng maayos ang gagawing Play at handang-handa na kami para bukas kaya napagdesisyunan namin na umuwi ngayon ng maaga para bukas full energy kami sa performance dahil talagang pinaghandaan namin ng todong-todo na yung tipong pagkauwi sa bahay matutulog na lang at ihihilata sa kama ang katawan dahil sa pagod.
"Okay guysssuuee come here,ngayon na sobrang linis na ng sayaw and yung mga blockings na nangyari sana bukas wag nang patanga-tanga yung iba,green group ayusin niyo ha,ayokong nakikitang mga walang ekspresyon niyong mga mukha,yung group pink naman,nako talaga kendengan niyo ng maayos kung pwedeng OA-yan niyo go go lang,green group kayo ayusin niyo pa yung positions niyo kung sino ba ang aabante or magpapalitan ba ng pwesto kasi minsan nalilito yung iba lalo na yang si Lucas and Marcus,and you Ally you did great huh keep it up baka bukas magmukha kang lanta na gulay sa pagsayaw sa sobrang energy mong binigay ngayong araw,just sayin, Darielle ikaw na bahalang maghandle sa group mo at medyo nakukulangan ako. I expected y'all do great tomorrow,I'm trusting you all to do your best okay?" Sabi ng trainer namin
"Yes ma'am" sagot ng iba at ako naman ay hinihingal pa rin sa ginawang isang pasada kanina.
"Sige magpack-up na kayo at magpahinga for tomorrow,at wala akong makikitang may mga eyebugs dahil sa pagpupuyat hah,I swear tatabunan ko yan ng 100 layers ng liquid foundation mapalalaki man o mapababae,understood!" Pagbabanta niya sa amin at nagtawanan ang lahat kasama na ako dun
"Bye,Ingat kayong lahat ah,5 pm na go go go shuuuu shuu shuu" pagtataboy sa amin ni coach na may kasama pang hand gesture
Tulad nga ng sinabi ni coach,inayos ko na ang gamit ko para dumiretso sa shower room para makapagpalit na.
"Jez tara sabay na tayong magpalit" pag-aaya ko
"Ay Ally sa bahay na lang ako magpapalit may emergency kasi eh" parang kumukuha lang siya ng alibi para hindi ako pagbigyan ngayon
"Bakit may masama bang nangyari? You can tell me." Kyuryoso kong tanong
"Sa susunod ko na lang sasabihin sayo,
'cause right now I have to leave na. Ingat ka pag-uwi mo hah bye." sabay halik sa akin at kumaripas na ng takbo"Sige ikaw din mag-ingat" sabay wagayway ng aking kamay sa ere at hindi ko alam kung narinig niya yun sa pagmamadali niya
Nakita ko pa na sabay sila ni Darius lumabas,may tinatago na naman sa akin si Jez,I can sense it.
"Mag-isa na naman akong uuwi" bulong ko sa sarili ko
Parang may hindi sakin sinasabi itong si Jez,noong nakaraang linggo lagi niya akong iniiwan mag-isa pagkauwian na,or maybe may kasama na siya tuwing uwian. Ay ewan I'll let her na magsabi na lang."Ally!" naglalakad ako patungong shower room ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko at alam ko na kung kanino naggaling yung boses na iyon,hindi ako nagkakamali si Toffer nga I mean si kumag hehe.
Habol hininga siyang nakarating sa pwesto ko noong hinarap ko na siya"Bakit? Ano kailangan mo?" Simula kasi noong nagpakilala siya hindi niya na ako nilulubayan dahil siguro sa kahihiyan na dala ko pag nasa harap niya at naisip niyang magiging mabait na ako sa kanya o dahil nga magpartner kami sa scene,kung makadikit feeling close na grabe lang, pero I doubt na hindi ko gusto yun. May parte sa katawan kong hinahayaan na siya sa gusto niyang gawin dahil I have no control on him so I let him do anything what he wants unless makakasama iyon sa akin at yun ang hindi ko hahayaan.
"Eto naman parang wala naman tayong pinagsamahan niyan sa practice at araw-araw ko naman 'tong ginagawa,ang ihatid ka tapos ngayon ka pa mahihiya?" may ngisi sa kanyang mga labi

YOU ARE READING
Mananatiling Sa'yo
Non-FictionPaano kung ipinagtabuyan mo noon, minamahal mo pa rin pala hanggang ngayon.