Chapter 1: Nightmare

854 16 0
                                    

Chapter 1: Nightmare

"Tulong! Tulong!"

Naghihingalo na si Joy sa pagod, kanina pa kasi ito tumatakbo habang sinisigaw ang katagang ito. Pakiramdam kasi nito kanina, parang may sumusunod sa kanya. Sino ba naman ang hindi kikilabutin kung nag-iisa ka sa isang madilim na lugar tapos may maririnig kang ingay sa likod mo.

Nung una, binalewala lang ito ni Joy. Pero habang tumatagal ay parang palapit nang palapit sa kanya yung misteryosong tao kaya nagpasya siya na tumakbo na lang. Nang marinig niya na tumatakbo din yung misteryosong nilalang, lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Pero tila kulang pa ang bilis nitong tumakbo dahil pakiramdam niya'y palapit na talaga ng palapit yung nilalang sa kanya.

Napatigil na lang siya nang ma-corner siya. Hindi na siya makatakbo dahil dead end na at pagod na pagod ito sa kakatakbo. Tumingin siya sa likuran niya, at sa unang pagkakataon ay nakita na rin ni Joy ang misteryosong nilalang na humahabol sa kanya.

Napasigaw siya sa nakita niya, nakakita siya ng isang babaeng nakaputi. Duguan ang maputlang mukha nito na halos hindi na makita dahil sa kanyang mahabang buhok tapos may mga dugo sa puti at mahaba nitong damit.

"I'm here for you," sabi nito habang pilit na kinukuha yung kamay ni Joy.

She cringed into a corner while shivering in fear. "S-Stay away! Please!" pagmamakaawa ni Joy.

"You can't escape, Joy." Lalong lumapit sa kanya yung babae. "Hinding-hindi ka na makakatakas pa."

"Please! Please, no! NO!" sigaw ni Joy at napaupo siya sa sobrang takot. Ipinikit niya ang mga mata niya at nagdasal sa utak niya, baka sakaling mawala ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

Pero mali ang inakala niya, dahil naramdaman niya ang paghawak ng babae sa kamay niya, dahilan para dumilat ang mga mata ni Joy nang wala sa oras. May nilabas na kutsilyo ang babae, at walang sabi-sabi, agad nitong sinaksak nito si Joy sa tiyan.

"AGH!"

Biglang dumilat si Joy sabay mapaupo mula sa pagkahiga. Humihingal siya, at butil-butil ang pawis sa kanyang mukha. Bakas sa kanya ang matinding pagkatakot.

"Panaginip lang pala," mahinang sabi niya.

Napabuntung-hininga siya. Pakiramdam niya kasi, parang totoo ang nangyari sa kanya. Parang totoong may sumaksak sa kanya sa bandang tiyan niya.

She looked at her alarm clock. 3:10 AM palang. Dahil sa pagkatakot niya, she stood up and walked out of her room. Agad siyang dumiretso sa kwarto ng boyfriend niya na katabi lang ng kwarto niya. Oo, mag-isang natulog si Joy ngayon. Mejo matagal kasing umuwi si Ren mula sa recording studio, ginawa niya yung bagong solo album niya.

She softly knocked on the door, but no one answered. Dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pintuan at pumasok ito sa loob ng kwarto. Nadatnan niyang mahimbing na mahimbing ang tulog ng boyfriend niyang si Ren.

Lumapit ito sa kama niya. "Love?" mahinang bulong niya.

No answer.

"Ren ko?" Bahagyang nilakasan niya ang boses niya, pero wala pa ring sagot.

This time, she gently shook him. At sa wakas, dumilat na rin si Ren, though mejo inaantok pa rin ito kasi konti lang ang dinilat niya.

"Hmmm? Bakit?" he asked in a sleepy voice.

"Uh, ano love," mejo uneasy na sabi ni Joy. "I, uh, I had a nightmare. C-Can I sleep here?"

Kumunot ang noo ni Ren sa sinabi ng girlfriend at tinignan niya ito nang maigi. Mabuti na lang at naka-on yung lampshade niya kaya masasabi niyang mukha ngang hindi maganda ang tulog ni Joy kanina. Bakas kasi sa mukha nito ang takot nito at pag-aalala.

Biglang nakaramdam ng awa si Ren para sa kanya. He moved slightly, leaving a space big enough for her to lie down on, and gently patted the bed. "Lika na. There's more room for you."

Nabuhayan naman ng loob si Joy at tila nawala ang kanyang pangangamba kaya ngumiti ito sa kanya. "Thanks, Ren ko."

“You're welcome, love."

At pagkatapos nun ay humiga si Joy sa tabi ng boyfriend niya. To Ren's surprise (and also to his delight), nakatulog kagad si Joy pagkatapos ng ilang segundo. Comfortable na siguro ito kasi may kasama na siyang matulog, at hindi lang yun, katabi pa niya ang pinakaespesyal na tao sa buhay niya.

Ano kaya yung napanaginipan niya? tanong ni Ren sa isip niya habang pinagmamasdan niyang matulog si Joy. He gently brushed her bangs away from her forehead. Siguro namiss niya lang ako.

Natawa siya sa huling katagang pumasok sa isip niya niya, considering the fact na nagkataon na mag-isang natulog si Joy nang nanaginip ito ng masama. Yumakap ito sa kanya. Nang muling tinignan ni Ren ang mukha niya, nakapikit pa rin siya, senyales na mahimbing na talaga ang tulog ng girlfriend niya.

Kung ano man ang napanaginipan niya, andito lang ako. Poprotektahan ko siya. Wala eh, mahal ko eh.

Nabigla na lang ito nang umikot si Joy at yumakap rin ito sa kanya. Still not letting go of her, he smiled then gently kissed her forehead. Cuddled up to each other, pumikit na rin siya para matulog. 

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon