Chapter 8: The Story Behind

330 5 0
                                    

Chapter 8: The Story Behind

-3rd Person POV-

"Hey! There's someone at the door!" sabi ni Thine na nakadungaw sa bintana nila. Sampung minuto na ang nakalipas simula nang tumawag ang magkakaibigan sa isang espiritista para tulungan si Joy.

"Baka siya na yun! Teka lang, ha?" sabi ni Aimskie. Pumunta siya sa pintuan ng condo unit nila para salubungin ang bisita nila. Isang matandang babae ang bumungad sa kanya.

"Hello? I got an urgent call about a disturbing entity. Oh yes, I can feel it," sabi nito.

"Hello po. Ako po si Aimskie. My friends are this way," magalang na sabi ni Aims. "Pasok po kayo."

"Anjan ba si Joy Rhea Ruiko?" mahinahong tanong ng matanda. Tumango naman si Aims bilang sagot. Dumiretso silang dalawa papunta sa kwarto ni Ren kung saan andun ang limang kaibigan nito.

"Eto na po sila," sabi ni Aims.

"At eto na ba si Joy?" tanong ng matanda habang lumalapit kay Joy na nakaupo sa kama ng boyfriend niya.

"O-Opo. A-Ako po si Joy," Joy answered timidly. Katabi niya si Ren na nakahawak sa dalawang balikat nito.

"Naku anak ko, you look so distressed. Hija, sabihin mo sakin kung ano ang nangyayari sa'yo," sabi ng matanda.

Joy was hesitant at first, pero sa huli nakwento niya rin kung ano ang mga nangyari sa kanya sa mga nakalipas na araw.

"By the way, I'm Catherine, but you can call me Kate." Ngumiti yung matanda sa magkakaibigan.

"Mawalang-galang ho," sabi ni Ren. "Maaari niyo po ba kaming tulungan?"

"Of course. This is a very severe case, and I'm glad you called me sooner. Kung walang nangyari sa inyo for the past ten to twenty minutes, alam na niya na andito ako," paliwanag ni Kate. Tumingin naman siya kay Joy. "Hija, pwede mo bang ipakita sakin kung saan ka minumulto?"

"Ahm, dito lang naman po siya nagmumulto, pati na rin po sa kwarto ko," sagot ni Joy.

"Sige. Pumunta tayo sa kabilang kwarto," sabi ni Kate.

Pumunta silang pito sa kwarto ni Joy pagkatapos nun.

"I can feel it. It's in here all right," sabi ni Kate matapos niyang makiramdam sa paligid niya. Etong si Joy naman, naging kalmado na ang pakiramdam niya kasi kampante ito na mapapalayas ni Kate ang espiritung matagal nang bumubuntot sa kanya.

"Kung nandito kayo, tigilan niyo na ang mga batang ito. Wala silang ginawang kasalanan, at kailangan mo nang umalis," sabi ni Kate. Suddenly, a disturbance broke out. Biglang nahulog ang mga hanging lamps ni Joy.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon