Chapter 3: Skating
"Ano yun, love?" tanong ni Ren sa girlfriend niya.
"I, well," Umiwas siya ng tingin. "I don't know how to say this but, may multo," Joy said, her voice almost in a whisper.
Nanlaki ang mga mata ni Ren. "M-Multo?"
"Yeah," sagot ni Joy. "P-Parang di ka naniniwala ah."
"H-Hindi. Naniniwala naman ako sa'yo, Joy ko. But, I just don't understand. Bakit?"
"It's a long story."
"Sige lang, love." He gently held her hand. "Ikwento mo lang sakin, makikinig ako."
Napabuntung-hininga muna si Joy bago nagsalita.
"Well, it all started a few nights ago," sabi niya. "Bigla akong nagising ng hatinggabi na ang lamig-lamig ng pawis ko. Nakaramdam kasi ako bigla ng parang malamig na ewan."
"Oh? What happened next?" tanong ni Ren.
"Nung time na yun, feeling ko may iba. Parang, may tao sa kwarto ko kahit mag-isa lang ako nun. At hindi lang yun, parang may tumatawag sa akin kaya tinawag ko yung pangalan mo. Nung una kasi, akala ko ikaw yung tumatawag sakin nun."
Napangiti nang mahina si Ren nung narinig niya yung sinabi ni Joy, pero narealize niya na dapat seryoso siya sa sandaling ito kaya pinigilan niya rin ito.
"And when I looked around, wala namang tao. Just then, I heard this horrible moaning, na parang may humihingi ng tulong. Bumangon ako para hanapin yung tao na yun, pero wala talaga akong nakita."
Sa parteng ito, mejo nanginginig na si Joy sa takot.
"I-I turned around to go back to bed, t-tapos, n-nagulat ako nang n-n-nakakita ako ng, ng, ng . . . "
Hindi na natapos ni Joy ang sasabihin niya. Nagsimula na siyang umiyak dahil sa sobrang pangangamba, dahilan para yakapin siya ni Ren.
"It’s okay, Joy ko," pag-aalo niya. "Shhh. Oh, tapos?"
"N-Nakakita ako ng m-m-multo," bulong ni Joy. Nagpunas muna siya ng luha at pilit niyang ayusin ang sarili niya bago nagsalita ulit. "M-May multo Akala ko nung una, tao siya. Pero nung tinignan ko siya nang mabuti, dun ako napasigaw at tumakbo sa labas ng kwarto ko."
"That sounds terrible!" sabi ni Ren. "Kaya pala parang namumutla ka kinabukasan nung nag-almusal tayo. Bakit wala kang sinasabi sakin?”
"Well, I thought you would think I was crazy." Yumuko si Joy.
Tinaas ni Ren ang mukha ni Joy at tinigan niya ito sa mata. "Hinding-hindi ko yan magagawa sa'yo, Joy ko. I'll always believe you. Is there anything I can do to help?"
"I really don't wanna sleep alone anymore. The ghost has been bothering me a lot. I'm scared," sagot ni Joy.
"Sige. From now on, katabi mo na ako pag matutulog tayo." He gently stroked her hair. "Okay?"
"Really? You'd do that for me?" Tumango si Ren sabay ngiti sa kanya. "Thanks!" sabi ni Joy sabay yakap sa boyfriend niya.
He chuckled before kissing the top of her head. "Wala yun, love. Bakit ko naman hahayaan na ganun ang maramdaman ng taong mahal ko?"
"Well, let's go na!"
Tila nakalimutan na niya yung nararamdaman niyang takot at hinila ni Joy yung kamay ni Ren palabas ng condo unit nila kung saan hinihintay na sila nila Thine, Miles, Aims, at Hale sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
Haunted
Paranormal(HALLOWEEN SPECIAL) May misteryosong espiritung bumubuntot sa Keyboard Wonder ng Double J and the Music Cuties. Will Joy Rhea Ruiko be free of this? At ano nga ba ang dahilan ng espiritung gumagambala sa kanya at ang mga misteryong bumabalot dito?