Chapter 6: Message

329 6 1
                                    

Chapter 6: Message

-Ren's POV-

"Love, gising na," bulong ko kay Joy pagkatapos ng ilang oras at bahagya kong ginalaw ang balikat niya. Maya-maya, dumilat na rin siya.

She sat up and rubbed her eyes. "Where are we?" tanong niya.

"Nasa bus tayo. I mean, nasa Roxas Boulevard tayo," sabi ko.

"Oh," yun lang ang nasabi ni Joy.

"What's wrong, love?" tanong ko.

"I-I'm sorry!" sabi niya.

Bigla na lang siyang umiyak. I just sat there, dumbfounded. Naaawa na talaga ako sa girlfriend ko. Grabe talaga ang pinagdadaanan niya ngayon eh, minumulto ba naman siya. At kahit andito kami ngayon na nakaalis na sa condo namin, parang bakas pa rin sa kanya ang matinding takot na nararamdaman niya. I couldn't help but worry about her. Why on earth is she being haunted in the first place?

"Ren, do something!" 

 

"No! You always make it worse. Just leave her alone, Ren!"

 

"Come on, Ren! You need to help your girlfriend!" 

Agh. Para akong tanga, nakikipag-argue ako sa sarili ko. Naiimagine ko tuloy na may dalawang miniature versions of me na nagtatalo. Angel yung isa tapos demonyo naman yung isa. Hehe.

"Now help your girlfriend!" sabi ni Angel-Jhun Ren.

 

"Wag! Lalong lalala yung sitwasyon. Hayaan mo na siya!" sabi naman ni Devil-Jhun Ren.

"Joy ko, wala kang kasalanan. It's not your fault a ghost is haunting you," sabi ko nalang.

"P-Pero nababahala naman kayo dahil sakin," sabi niya.

Masuyo kong hinawakan yung kamay niya at tinignan ko siya sa mata.

"Listen, Joy ko. Poprotektahan kita, no matter what. Kahit ako na mismo ang mapapahamak, okay?" seryosong sabi ko.

She stared at me for a while then she slowly nodded her head. Then smiling at her, hinalikan ko yung noo niya at niyakap ko siya nang mahigpit. Tong babaeng to, mahal na mahal ko to eh. I'll do anything to protect her from harm.

"You ready to go, guys?" biglang tanong ni Thine.

"Yeah, I guess," sagot ni Joy at kumalas sakin.

"Sige then. Tara," sabi ni Miles.

Pumasok na kami sa loob ng tour bus namin. Habang nakaupo kami sa loob, naramdaman kong parang kumulo ang tiyan ko. Hm, gutom na ata ako ah. 

Just then, naalala ko yung thermos ko na may lamang chicken soup sa loob ng refrigerator ng tour bus namin. Kinuha ko yun at uminom ako ng konti. Kahit papaano ay nabawasan ang gutom ko dahil dun.

Habang umiinom, napansin kong tahimik lang si Joy. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na para bang ang lalim ng iniisip niya. Bigyan ko kaya?

"Salamat na lang," sabi ni Joy nang inalok ko siya. "Di ako nauuhaw eh."

"Sige na, love," sagot ko. "Kaw nga tong pagod eh. Kahit konti lang. Sige na."

Kinuha rin ni Joy yung hawak kong baso tapos uminom rin siya. Pagkatapos nun ay napangiti siya.

"Wow! Ang sarap nito ah!"

Ngumiti rin ako sa kanya at marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Drink it all up, okay?"

Hinayaan ko na lang na uminom si Joy ng chicken soup. Just then, narinig ko sina Thine, Miles, Aims at Hale na nag-aargue ata.

"Love, sandali lang ha?" Tumayo ako mula sa upuan ko at lumapit ako sa kanila. "What's going on?"

"Kuya Ren, di namin alam ang gagawin namin. I mean, this is way out of our area of expertise," sabi ni Thine.

"Well, can't we just call an exorcist?" tanong ko.

"Wag. Kuya Ren, that's WAY too risky," sabi ni Aims.

"Baka lalong lumala pa eh," dagdag ni Hale.

"Ah," yun lang ang nasabi ko.

----------

"Ren ko," sabi ni Joy sakin nang makauwi na kami. "Could you check to see if anything's wrong in there?"

Tumango ako at tumingin ako sa loob ng kwarto niya. Wala namang nangyari, it's just the way it is.

Well, except for one thing. Hm? Ano yun? Isang papel na nakalagay sa kama ni Joy.

"Just a second," sabi ko sabay pasok sa kwarto niya. Kinuha ko yung note sa kama ni Joy tapos binasa ko yun. Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos nun. "Oh no."

Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko nang mapagtanto kong dugo ang ginamit na pangsulat dito. Damn it. My girlfriend's in danger.

"What's that?" Napatigil ako nang nagsalita si Joy.

"Ha? Ah, n-nothing," sabi ko.

Agad na tinago ko yung note na yun sa likod ko. Ayokong makita niya ang natuklasan ko. Sapat na ang mga nangyari sa kanya para takutin siya. Ayokong matakot na naman si Joy. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganun at naiinis ako kasi wala man lang akong magawa para sa kanya.

"Come on love, let me see!" sabi niya habang lumalapit sakin. Damn it, nahalata niya ata.

And before I could do anything else, nakuha na niya yung papel sa kamay ko. At nang binasa niya yung nakasulat, namutla ang mukha niya.

"Are you okay, love?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I-It w-w-wants m-m-m-m-my body!" she stuttered before bursting into tears again. Seeing this, niyakap ko siya. Damn it, I hate seeing her like this.

"Shhh. It’s okay, Joy ko. Shhh," pag-aalo ko sa kanya.

"No, it's not!" hagulgol niya.

"What do you mean?"

"I-It's gonna get me, and it's gonna kill us all!" 

"Look Joy ko, hindi yan mangyayari, okay?" sabi ko sabay labas sa phone ko.

Wala na akong ibang choice kundi tumawag ng espiritista. Thanks to the internet access, nakahanap agad ako ng number ng isang kilalang exorcist. I dialed the number and held the phone to my ear. Mejo nanginig yung kamay ko nang magsimula nang mag-ring yung kabilang linya, sana hindi ito makita ni Joy.

(Hello?)

"H-Hello? Pwede po bang tulungan niyo yung girlfriend ko?" tanong ko sa kabilang linya. After asking me my name and my girlfriend's name, she started asking me questions about Joy.

"Oho. Ahm, mga two nights ago po. Andito ho siya pero---okay. Sige. Just a second." Tapos binigay ko yung phone ko sa girlfriend ko.

"Hello?" mahinang tanong ni Joy. Mga ilang minuto silang nag-usap.

"Pupunta daw siya dito bukas," sabi ni Joy tapos binalik sakin yung phone ko.

"Really? That's great!" sabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Sa wakas, matatapos na rin ang lahat ng kalokohang ito.

"So, what do you wanna do for now?" tanong ko.

"Nood tayo. Gusto mo?" tanong niya sabay ngiti.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Sige."

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon