Chapter 4: Truth Or Dare
"AAAAAAAHHHH!" Joy screamed.
Sa ikalawang pagkakataon ay nakita na naman niya ang kinatatakutan niyang multo sa likod ni Ren. Ang sama-sama ng tingin nito sa kanya. Nakakatakot, nakakapanindig-balahibo.
"Joy?! Bakit? Ano yun?!" natatarantang tanong ni Ren. He gently held her shoulders. "Joy ko, bakit? May nakita ka?"
Napayakap si Joy kay Ren sa sobrang takot. "A-Anjan siya, Ren ko! Anjan ang multo! N-Nakita ko siya!" Tinuro niya ang likod ni Ren. "Ayan siya oh, n-nasa likod mo! Waaaaa!"
Hinagod ng binata ang likod ng girlfriend. "Ha?! Asan?"
Lumingon si Ren sa likod niya. Pero paglingon niya, wala naman siyang nakita.
"Wala naman," sabi niya kay Joy.
"M-Meron! Meron lang kanina! Ang sama ng tingin niya sa akin! Love, I'm scared!" sabi naman ni Joy at lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya kay Ren.
"S-Sige. Lika na then."
Dali-dali silang umalis sa skating rink at pumunta sa mga kasama nilang nakaupo sa gilid.
"Uy, anong nangyari?" nagtatakang tanong ng manager nila. "Parang nakakita kayo ng multo ah."
"Joy? What's wrong, bes?" nag-aalalang tanong ni Thine.
"I'll tell you later, pero kelangan nating tayo-tayo lang," sagot ni Ren.
"Let's go," sabi ni Aimskie. At pagkatapos nun ay sabay-sabay na umalis ang pito sa skating rink.
----------
"Oh ano? Game na?" tanong ni Krishelle. Nakaupo silang lahat ngayon sa sala ng condo unit nila.
"Joy ko, pwedeng sabihin sa kanila?" tanong ni Ren sa girlfriend niya.
"Well, okay," sagot ni Joy. "Pero teka lang, dapat tayo-tayo lang ang nakakaalam nito ha?"
"Promise," sabi ni Miles.
“Ganito kasi yun," sabi ni Ren, "Si Joy kasi, minumulto daw siya."
"ANO?!" sabay-sabay na sigaw nila Thine, Miles, Aimskie, Hale, at Krishelle sa gulat.
"Nagbibiro ka ba?" dagdag ni Thine.
"Hindi," seryosong sagot ni Ren. "Hindi ako nagbibiro."
"Ano love, a-ako na ang bahala sa iba," sabi ni Joy.
Masuyong hinawakan ni Ren ang kamay ni Joy. "Are you sure, love?"
Tumango si Joy. "Oo. Mukhang mas paniniwalaan nila kasi yung kwento pag ako mismo yung nagkwento eh."
"Sige then. Joy, anong nangyari?" tanong ni Aims.
Napabuntung-hininga muna si Joy bago nagsalita.
"You see, a few nights ago," sabi niya. "Bigla akong nagising ng hatinggabi, parang may malamig akong naramdaman nun. Nakarinig rin ako ng pag-iyak ng tao. Pagtingin ko, nakakita ako ng white lady. Tapos kagabi, nanaginip ako. Hinahabol daw ako ng multo. At sa sobrang pagkatakot ko, nakitulog na ako sa kwarto ni Kuya Ren."
Lahat sila natahimik sa sandaling yun.
Ilang sandali pa'y yumakap si Thine kay Joy. "Bes, wag kang mag-alala. Naniniwala ako sa'yo."
"Talaga, bes? Thanks," sabi ni Joy.
"I believe you too, Joy," dagdag ni Krishelle sabay hagod sa likod ni Joy. "Grabe, kinilabutan ako dun ah!"
BINABASA MO ANG
Haunted
Paranormal(HALLOWEEN SPECIAL) May misteryosong espiritung bumubuntot sa Keyboard Wonder ng Double J and the Music Cuties. Will Joy Rhea Ruiko be free of this? At ano nga ba ang dahilan ng espiritung gumagambala sa kanya at ang mga misteryong bumabalot dito?