Dan's PoV
Hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin. Hindi kami mapalagay dahil ano mang oras ay pwede kaming patayin ng siraulong ito. Napatingin ako sa relo ko
Shit! 12:00 na ng madaling araw.
Sigurado akong mag-aalala na si Mama sa akin niyan."We need to do something".
Agad akong napatingin Kay Claire.
"Kailangan may maisip tayong paraan para maka-alis dito sa store nato" Claire habang naka crossarm pa.
"Paano ?...Hindi natin alam kung ano kayang gawin ng baliw na to" Saad ni Sean habang tinitignan Ang tao sa labas.
"Look! Hindi siya gumagalaw parang pinapanood niya tayo dito" Sabi ko na Lang.
Lahat kami napa-isip kung ano Ang pwedeng gawin para makatakas kami..
" Teka na saan na siya?" Sabi ni Sean habang nakatingin sa labas.
Tinignan namin Ang tinutukoy niya at Wala nga Yung baliw.
"Ito na Ang pagkakataon". Napatingin sila sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Claire habang nakakunot ang noo.
"This our chance. Wala siya at pwede akong lumabas para makahingi ng tulong. Ganito, tatakbo ako at sasakay ako sa motor ko para makahingi ng tulong". Dire-diretso Kong Sabi.
"Iiwan mo kami dito?" Tanong ni Claire.
"Claire Hindi naman sa ganoon, Yun lang Ang tanging paraan" paliwanag ko.
"Kung sa bagay sanay ka namang mang-iwan". Claire
Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon galit parin siya.
"Woah, woah, chill Lang kayo, Tama na yang drama" Sabi ni Sean habang nakataas ang kaniyang kamay na parang pinapatigil kami.
"Lalabas ako para maka punta sa motor ko pero babalik ako". Pangako ko sakanila.
"Sigurado ka ba sa Plano mo Dre?, Paano Kung mapahamak ka?" Sean.
"Bahala na Kung ano ang mangyari basta Ang mahalaga ay makahingi tayo ng tulong".
*****
Hinanda ko na ang sarili ko para makalabas sa store. Hindi ko mapigilang kabahan. Ang mga tuhod ko ay nanginginig na sa kaba samahan pa ng lamig na dulot ng hangin. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Hahawakan ko na Sana Ang hawakan ng biglang nag salita Sean .
"Mag-iingat ka Dre" Sean sabay abot sa akin ng walis Tambo.
"Walis Tambo? Dre seryoso ka? Hahaha " natawa na lang ako kahit na kinakabahan ako.
"Dre for protection mahirap na" Sabi ni Sean sabay kindat sa akin.
Napailing na lang ako. Tinignan ko si Claire habang nasa sulok pero umiwas siya ng tingin.
Tuluyan na akong nakalabas at agad sumalubong sa akin Ang hangin. Napapikit na lang ako at huminto muna ako para Tignan Ang paligid. Agad sinara ni Sean ang pintuan. Napakatahimik at Ang dilim na ng paligid.Third Person's PoV
Nakalabas na si Dan sa Convenient store at agad siyang tumakbo para mapuntahan niya Ang kaniyang motor . Samantala Sina Sean ay kinakabahan na din sa ano mang mangyayari.
Malapit na si Dan sa Motor niya ngunit hinahabol na din siya ng taong naka hood at malapit na siyang masundan ..
"Dalian mo Dan!" Sigaw Nina Sean at Claire
Sa Wakas ay nakasakay na si Dan sa motor niya ngunit agad siyang sinugod ng salarin.
Hinila siya palayo sa motor at agad dinaganan. Pilit na tinutulak ni Dan Ang salarin pero Hindi niya kaya dahil malakas ito. Aambahan niya Sana ito ng suntok pero inunahan siya nito. Sinuntok siya mukha at agad nagkaroon ng dugo sa labi niya. Pilit inaabot ni Dan Ang walis Tambo na bigay sa kaniya ni Sean pero nahihirapan siya.
Samantala sa loob ay sigaw ng sigaw sina Sean at Claire. Agad tumulo Ang luha ni Claire sa kaniyang nasaksihan.
Nang may pagkakataon ay agad sinikmurahan ni Dan Ang salarin at agad siyang tumakbo. Sa pagtakbo niya ay nahulog Niya Ang kaniyang Susi. Hinabol na din siya ng salarin . Kahit na nasaktan at hinigingal na sa pagtakbo ay pilit niyang makarating sa tindahan.
"Takbo!" Sigaw Nina Sean.
Malapit na siyang sa pintuan at binuksan ni Sean Ang pintuan para makapasok si Dan.
"Dalian mo Dan!" Sigaw ni Sean
Sa Wakas ay nakapasok na si Dan sa convenient store at agad siyang napahiga sa sahig sa sobrang pagod. Agad sinara ni Sean Ang pinto at Tinignan niya na biglang huminto Ang salarin sa pagtakbo.
Agad nilapitan ni Claire Ang pagod na si Dan at agad niyang kinulong sa kaniyang bisig .
END OF CHAPTER 3
A/N: don't forget to vote at comment ❤️
BINABASA MO ANG
Convenience Store (Completed)
Mystery / ThrillerOn a late night, three teens stay at the convenience store to fight for their lives when became trapped by an unknown man. Highest Rank: #4 on Psycho (10-30-19) # 1 on Horror-Thriller( April 18, 2020)