Third Person's PoVMasaya ang salarin na nakikita niya ang takot sa mukha ng kanyang mga biktima. Mula sa kanyang pwesto ay ngumingiti ito dahil gustong gusto Niya ang mga nangyayari.
"Naganap na" aniya at ngumiti ito.
Mula sa loob ng convenience store . Ang tatlong mga kabataan ay nag-iisip kung paano nila papabagsak ang salarin. Kahit anong gawin nila ay Wala pa din silang takas dito.
"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Claire .
Napailing na lang si Dan dahil siya ay hindi niya din alam. Kahit anong gawin nila ay hindi pa din sila makaka-alis sa lugar na iyon.
Biglang tumayo si Sean at kinuha ang flashlight na nagsisilbing liwanag sa kanila.
"Kuya Sean anong gagawin mo?" Tanong ng pinsan niyang si Claire.
Hindi pinakinggan ni Sean Ang kaniyang pinsan at agad siyang naglakad sa storage room. Naghanap siya ng pwedeng gamitin panlaban sa salarin. Kanina pa siya nag-iisip Kung anong paraan para makatakas sila. At buo na ang desisyon niya... Ang harapin ang baliw na iyon. Naghanap siya ng naghanap at nakakita siya ng kutsilyo. Pwede na itong panlaban sa baliw na iyon. Bumalik na siya at handa na siya.
Naguguluhan sina Dan at Claire sa mga ikinilos ni Sean nang makabalik na ito ay nagtanong na si Claire.
"Kuya anong gagawin mo?"
"Papatayin ko ang siraulo na yan!" galit na Sabi ni Sean.
"What? Dre are you out of your mind? Hindi natin alam kung ano ang Kaya niyang gawin sa atin!.baka mapahamak ka!" Dan.
"Tama si Dan Kuya Sean! Hindi ako papayag sa Plano mo" tuluyan ng nahulog Ang luha ni Claire.
Napangiti si Sean at agad na niyakap ang pinsan Niya.
"Insan pakisabi kina mama na Mahal na Mahal na Mahal ko sila. Pati kina tita at Tito".
Humiwalay na siya sa pagkakayakap at pinunasan Ang luha ni Claire. Umiiling si Claire dahil ayaw niyang lumabas ang pinsan niya baka may mangyaring Hindi inaasahan dito na ayaw niyang mangyari. Mahal niya ang kaniyang pinsan at itinuri na Niya itong parang kapatid.
"Kuya please don't do this" paki-usap Niya dito pero buo na Ang pasya nito.
"Huwag ka ng umiyak insan sige ka magiging uhugin kang Bata". Biro niya dito pero patuloy pa din ito sa pag-iyak.
Agad lumapit siya Kay Dan at tinapik Ang balikat nito.
"Dre ikaw na bahala sa pinsan ko" aniya.
Agad niyakap ni Dan si Sean katulad ni Claire, Hindi na niya napigilan ang kaniyang luha.
"Dre pwede mo namang huwag gawin to eh".
"Para kang bading dre hahaha Tama na Yan".
Lumabas si Sean sa convenience store at hinarap Niya ang salarin. Naka-upo parin ito at tinitignan parin siya. Kahit na kinakabahan ay desidido na siya na patayin ito.
"Hoy ikaw!!" Sabi niya pero naka tingin lamang ito sakanya.
"Harapin mo ako at magtutuos tayo!!" Sigaw niya pero Wala pa din itong ginagawa. Kaya tumakbo na lang siya para patayin ito ngunit sa kaniyang paglapit ay agad tumayo Ang salarin at may itinutok itong baril sakanya. Agad siyang napatigil sa kaniyang pagsugod.
Hindi Alam ni Sean Ang gagawin niya ng itinutok nito ang baril. Sa loob ng convenience store ay lumuluha si Claire dahil natatakot siya sa anumang mangyayari sa pinsan Niya. Niyakap siya ni Dan para kahit paano ay mapanatag ito.
Agad nasipa ni Sean Ang baril at agad siyang nakahanap ng tiyempo para mapatay ang salarin. Sinipa niya ito sa tiyan ng siya ikinahiga nito sa lupa. Agad niyang dinaganan ito at aambahin na Niya ng bigla siya nitong hinampas ng tubo sa ulo na siyang nakuha nito. Nahihilo na si Sean at may naramdaman siyang likido sa kaniyang ulo hinawakan niya ito at Tinignan niya ang kaniyang kamay, dugo . Nanlalabo na ang paningin Niya pero gusto niyang lumaban Kaya. Susugurin na Naman nito ng biglang hinampas na naman siya ng tubo.
Hilong Hilo na siya at sinusubukan niyang makatayo pero Hindi na Niya kaya. Alam na niya katapusan na niya. Nakita niya ang salarin na hawak Ang baril at itinutok nito sa kanya. Ipinikit niya ang kaniyang mga Mata . Mahal na Mahal ko kayo mama at papa. Ipinutok na ng salarin ang baril at lumabas Ang nakaraming dugo mula kay Sean.
Labis na nasaktan si Claire sa nasaksihan niya. Patay na ang pinsan niya. Iyak siya ng iyak sa mga nangyari.
"Hindi!"sigaw Niya.
Napakasakit ng Makita Niya na walang buhay ang pinsan niya. Para siyang tinakasan ng katinuan sa mga nangyari. Niyakap ni Dan si Claire dahil sa sakit na nakikita niya sa dalaga. Kahit siya ay labis na nasasaktan sa mga nangyayari. Wala na ang matalik niyang kaibigan.
END OF CHAPTER 8
BINABASA MO ANG
Convenience Store (Completed)
Mystery / ThrillerOn a late night, three teens stay at the convenience store to fight for their lives when became trapped by an unknown man. Highest Rank: #4 on Psycho (10-30-19) # 1 on Horror-Thriller( April 18, 2020)