Dan's PoV
Agad akong nagising dahil sa lamig na dumadampi sa aking balat. Nasa labas kami!. Naka-upo ako at pilit akong nagpupumiglas para matanggal Ang pagkakatali sa aking mga kamay pero bigo ako. Agad kong naisip si Claire Kaya hinanap ng mga Mata ko . Nasa tabi ko lamang siya at Wala pa ding Malay. Thank God she safe!.
"Claire" tawag ko sakanya para gisingin ito. Ilang beses ko siyang ginigising at makalipas Ang ilang oras ay magkamalay na rin siya..
"Dan?"
"Claire".
"What happen? Shit! Bakit tayo nakatali at nasa labas na tayo?". Takang tanong niya.
"Sinandya Niya to!......That fvcking man! Ano bang gusto niya? "
Hindi ko Alam pero agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Nagpupumiglas ako para makaalis na kami dito pero sadyang mahirap Ang pagkakatali ng bagay na ito. Nararamdaman ko na din na may sugat na ako dahil bawat pilit kong tanggalin ang tali ay mahapdi na.
"Ahhhhhh!!! Bwiset" inis ko na Sabi
"Dan ayaw ko pang mamatay" . Agad akong napatigil sa ginagawa ko ng marinig ko ulit na umiyak si Claire.
"Shhh.. Hindi tayo mamatay okay? Hindi ako makakapayag na mangyari iyon".
"Paano? Nakatali tayo dito and worst.. Hindi natin alam Kung ano ang Plano niya".
"Hanggang nandidito ako. Walang mangyayaring masama"
"Salamat Dan". Ngiti niya sa akin.
Gusto ko nang sabihin ito. Kahit sa huling pagkakataon man Lang. Hanggang ngayon.... Mahal ko pa din siya.
"Claire...Mahal Kita" sambit ko.
May luhang pumatak sa kanyang mga Mata."I love you too Dan ,"
Masaya ako kahit sa huling pagkakataon ay nasabi na namin Ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Alam kong marami na kaming pinag daanan ni Claire but until now, we still loved each other.
Lahat gagawin ko para makatakas kami dito. May naalala na ako na may nakuha nga pala akong cutter sa store at nilagay ko sa bulsa ko . Susubukin Kong kunin it sa bulsa ko. Pilit kong kinukuha ito at medyo na hihirapan ako dahil sa tali sa aking mga kamay."Dan? Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Claire.
"May Plano ako". Kahit na masakit na ang mga kamay ko, pilit ko pa din kinukuha ang cutter na nasa bulsa ko. Wala akong pake kung malaki na ang sugat ko sa kamay. Pilit ko pa ding kinukuha ang cutter at sa Wakas, nakuha ko na din ito.
Ilang laslas ko sa tali ng kamay ko ay natanggal ko na din ito."Dan? Paano?" Pinakita ko sakanya ang cutter ko at pumunta na ako sa likuran niya para matanggal Ang pagkakatanggal. Sa Wakas, natanggal ko na din. Bigla Niya akong niyakap.
"Thank God" Claire.
"Tara na" tatakas na Sana kami ng dumating na siya. Ang salarin. Para kaming nanigas sa kinatatayuan namin. Nakaramdam ako ng takot at pangamba, shit! Bat ngayon pa?.
"Claire pagkabilang ko ng tatlo tumakbo ka na?" Sabi ko sakanya.
"What?,no way?"
Tumingin ako sakanya at mapait na ngumiti."Claire I love you . Ito na Lang ang tanging paraan para maligtas ka"
Umiling-iling siya at hinawakan Ang kamay ko."no Dan don't do this please I begging you".
Hinawakan ko ang mukha niya" Claire makinig ka sa akin please. Mahal na Mahal Kita". Hinalikan ko siya na noo.
Palapit na siya sa Amin Kaya sinimulan ko ng magbilang.
"Isa....."
"Dalawa..."
"Tatlo..... Takbo ka na". Sabi ko Kay Claire at sinunod Naman niya. Hinarap ko Ang salarin at buo na ang loob ko na labanan siya.
"Ako Ang harapin mo!" At sumugod na ako.
Aambahin ko na siya ng saksak gamit ng cutter pero inunahan na Niya ako. Binaril niya ako sa kanang paa ko dahilan para mapaupo ako.
Pinilit ko pa ding tumayo pero tinamaan Niya ako sa kabilang braso ko. Nanghihina na ako pero pinilit ko pa din siyang sugurin pero pinaputok Niya Ang baril at tinamaan niya ako sa puso. Hindi ko na Kaya pa at unti-unti na akong napahiga sa lupa. Unti-unti na ding pumipikit Ang aking mga mata.******
Third Person PoV
Takbo ng takbo si Claire sa kalasada at nararamdaman niya Ang pagod. Ayaw niyang iwan si Dan Doon at baka may mangyaring masama sa kanya pero Wala siyang magagawa. Mahal niya pa din ang binata hanggang ngayon kahit na nagkahiwalay sila ng ilang taon. Sa sobrang pagod ni Claire ay napa upo na siya. Hingal na hingal na siya pero hindi siya pwedeng
Tumigil. Pinag patuloy niya Ang pagtakbo hanggang sa may naaninag siyang sasakyan na papunta sa kaniya. Agad siya nabuhayan ng loob dahil makakaligtas na siya. Pumunta siya sa gitna ng kalsada para kawayan ang paparating na kotse."Tulungan mo ako!" Sigaw Niya dito habang kumakaway. Patuloy Niya pa din itong ginagawa . Malapit na Ang Van at agad nanlaki ang Mata niya sa nakita. Agad siyang nakadama ng kaba. Ang nagda-drive ng kotse ay Ang...........SALARIN. Tumakbo siya ng mabilis dahil malapit na Ang kotse sa kanya balak siyang sagasaan nito.
Binilisan ng salarin ang pagpapatakbo ng kotse. Bakas sa kanya Ang Saya sa kaniyang nakikita.
Takbo ng takbo si Claire pero huli na ang lahat dahil...............Nahagip siya ng kotse at tumilapon ito dahilan ng pagka bagok ng ulo nito. Tumigil Ang Van at lumabas Ang salarin. Pinuntahan niya ang patay ng si Claire. Maraming dugo Ang nagkalat at basag ang bungo nito. Napangiti Ang salarin at kinuha niya Ang katawan ni Claire at ipinasok sa Van.
Sa Convenience store ay isinilid ng Salarin ang mga labi ng tatlong kabataan na sina Sean, Dan at Claire.
Agad siyang ngumiti at tumawa na parang Demonyo.
END OF CHAPTER 10
A/N: epilogue is next!! Don't forget to vote and comment!
BINABASA MO ANG
Convenience Store (Completed)
Mystery / ThrillerOn a late night, three teens stay at the convenience store to fight for their lives when became trapped by an unknown man. Highest Rank: #4 on Psycho (10-30-19) # 1 on Horror-Thriller( April 18, 2020)