Chapter 6

395 7 1
                                    

Sean's PoV

Hindi ko na kaya. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito. Habang tumatagal ay nagiging mapanganib . Bawat galaw namin ay nakikita niya. Konting pagkakamali ay maaari kaming mapahamak. Kaming tatlo ay Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit ba nangyayari sa Amin ito?.
Tahimik lang kaming tatlo dito sa loob samahan mo pa na nakakabinging katahimikan sa paligid. Napatingin ako sa relo ko Kung anong oras na ..................2:30 am na pala.

"Bakit ba to nangyayari?" Pambabasag na katahimikan ni Dan.

" May ginawa ba tayong Mali sa siraulong Yun!" Dan.

"Dan Tama na , kumalma ka muna!" Pagpapakalma ko sakanya.

"Dre Hindi ako kakalma Kung nandito Ang ugok na iyon at balak tayong takutin!". Sigaw ni Dan.

"Dre! Walang mangyayari Kung magwawala ka! Ang mahalaga ay panatilihin nating ligtas tayo!". Sabi ko sakanya habang hawak ang balikat niya.

"Kung makakalabas pa tayo ng buhay". Sambit ni Diane. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.

"Makakalabas tayo dito ng buhay". Determinadong Sabi ni Dan.

"Oo makakalabas tayo dito ng buhay at ligtas" pag sang-ayon ko.

3:00 am

30 minutes na Ang nakalipas. Hanggang ngayon ay Wala pa ding nangyayari. Burong-buro na ako dito.

"Arghh!! Hindi ko na Kaya" irita kong Sabi at dali-daling tumayo. Gusto ko ng umalis dito at makahingi ng tulong.

"Kuya Sean saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Claire.

"Hindi ko na kaya lalabas na ako dito".

"What!? Are you out of your mind? Delikado Sean Alam mo Naman siguro Kung ano Ang nangyari Hindi ba?" Dan.

" Alam ko Dre! Pero walang mangyayari Kung Wala tayong gagawin!".

"Teka naririnig niyo ba iyon?".

Napatingin kami Kay Claire dahil sa sinabi Niya.

"Alin?". Dan.

"Parang may pumupok pok sa likod?" Claire.

Pinakinggan namin ang tunog.... At Tama nga si Claire, may pumupok pok..

"Shit!" Mura ko at dali-daling  pumunta sa storage room dito sa store.
Pagkapunta ko pa Lang ay biglang namatay Ang ilaw.

"Fvck! Mukhang sinira niya Ang kuryente!" Dan.

"Nasaan kayo guys?! Dan! Kuya Sean?" Claire

Agad kaming bumalik .

"Guys bat nawalan ng ilaw?" May pangambang tanong ni Claire.

"Sinira Niya Ang main switch ng store" Dan.

"Anong gagawin natin?" Claire

"Kukunin ko Lang Ang phone ko at maghahanap ng flashlight". Sabi ko at hinanap ko Ang phone ko.hindi Naman ako nahirapan sa paghahanap  dahil agad ko nahanap Ang phone ko na nilagay ko sa counter.

Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at ginamit ko ito sa paghahanap ng flashlight. Pumunta ako sa storage room dahil Alam ko na may flashlight Doon. Konting hanap at nakita ko din sa Wakas.
Dali-dali akong bumalik at binuksan ko Ang flashlight. Kahit papaano ay may liwanag Naman.





END OF CHAPTER 6




A/N: hi po pasensya na at medyo natagalan Ang update. Medyo. Busy Lang po ako . At konting chapters na Lang bago ito matapos dahil SHORT STORY lang po ito.
Thank you po sa mga nag babasa ng story na ito..

Vote and Comment pa din tayo

Convenience Store (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon