Chapter 20

2.4K 58 0
                                    

Laura's POV

Matapos ang kaarawan ni Rosh ay nag si balikan na sila sa academy habang ako ay nag paiwan rito sa bahay ni Rosh para tumulong sa mga pag aasikaso. Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang nangyare kagabe masyado kasi iyong masaya.

Bumangon na ako para mag ayus kasi balak ko na sanang bumalik sa academy dahil isang araw lang naman talaga ang binigay na permission saming umabsent. Tsaka may nararamdaman kasi akong kakaiba kaya parang gusto kona talaga bumalik sa academy kinakabahan ako na ewan. Naligo na ako at nag bihis tsaka nilagay sa bag ko ang mga gamit, lumabas na ako at walang nadatnan sa sala mukhang tulog pa si Rosh paniguradong pagod iyon sa party na naganap kagabe.

"Manang tulog pa po ba si Rosh?" Tanong ko kay manang habang kumakain.

"Oo hija." sagot ni manang kaya napatango ako.

Mukhang hindi kona siya maabutan siguro gigisingin ko na lamang sya at mag papaalam na babalik na ako sa academy. Gaya ng nasabi ko matapos akong kumain ay umakyat na ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Rosh at kumatok walang sumagot paniguradong tulog pa yon kaya pumasok na ako at nadatnan ko syang tulog na tulog pa sa kanyang kama, napangiti na lang ako. Parang kailan lang baby ko pa sya ngayon ang ang laki na nya.

Binuksan ko ang kurtina kaya lumiwanag sa buong kwarto nya at sinimulan syang gisingin. Bumangon naman sya kaagad.

"Goodmorning." nakangiting bati ko.

"Oh aalis kana?" Nag tatakang tanong nya habang bumabangon.

"Oo isang araw lang naman ang binigay saming permission na umabsent kaya ayun. Kaya mo naman dito diba? Anjan naman si manang." sabi ko at tinulongan sya sa pag aayus ng kama.

"Yes thankyou." sagot nya

"Okay gotta go brother take care." paalam ko at nag lakad na patungo sa pintuan.

"Yeah bye take care." ayun ang huli ko ng narinig bago ko tuloyang sinarado ang pintuan ng kwarto nya. Dumiretso na ako sa sasakyan at pinag drive na ako ng driver ni Rosh.

Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa bintana at ayun nanaman yung kaba na nararamdaman ko. Bakit ba kasi ano bang problema? Pag dating sa academy nag tataka ako na para bang nagkakagulo sila, nag madali akong bumaba at tinanong ang isang studyante.

"Ano nangyare?" Nag tatakang takong ko.

"V-vice p-president n-nawawala po ang member ng Silvarians." nahihirapang sabi nya dahil sa hingal.

Lalo akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang sinabi nya jusko ano ba nangyayare?

"Panong nawawala?"

"Hindi po namin alam ngayon lang din po namin nalaman na nawawala po sila." sagot nya at tumakbo muli papalayo sakin.

Hindi na ako makapag isip ng tama kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi kaya? Omaygad don't tell me andun sila sa impyerno na yun? Shuxxx wala na akong oras baka mamatay na silaa.


Third Person's POV

Walang pag dadalawang isip na nag teleport si laura sa tapat ng Heresiya hindi na nya alintana ang kaba na nararamdaman basta ang iniisip nya ay ang mailigtas ang kanyang mga kaibigan lalo na si Brent. Hindi man sabihin ni Laura talagang malapit na ang kanyang loob sa mga kaibigan.

Maya maya lang ay may lumabas na itim na usok at iniluwa noon si King Tophaz ang kapatid ng kanyang ama na nilamon ng galit.

"Alam kong darating ka." nakangising ani nya.

"Talaga? Edi ikaw na manghuhula." Nakangising sabi ni Laura pero sumeryoso rin.

"Asan ang mga kaibigan ko?" Walang emosyong tanong ni Laura.

"Nasa loob papatayin ko." nakangisi paring sabi nya.

"Patayin mo muna ako bago mo mapatay ang mga kaibigan ko." seryosong sabi ni Laura at biglang ngumisi.

"Talagang papatayin kita!!" Nang gigigil na saad nya.

"Kung mapapatay mo." walang emosyong sabi ni Laura.

At tsaka nag teleport kung nasan ang kanyang mga kaibigan pero nakita sya ng isang tauhan ni king tophaz kaya sinugod sya non pero nag palabas ng pulang usok si laura at hinagis iyon sa lalaking susugod sana sa kanya. Binalingan nya ng tingin ang mga kaibigan.

At halos mapaluhod sa gulat si Laura ng makita ang kanyang mga kaibigan na sugatan habang walang malay na nakahiga sa sahig. Agad na nabaling ang kanyang tingin kay Brent na mukhang nag kakamalay na, nilapitan nya iyon pero agad na natigilan si Laura ng makarinig sya ng ingay na mukhang paparating sa kinaroroonan nila. Agad syang gumawa ng barrier upang walang makapasok roon at walang makarinig sa kanila.

"Anong nangyare sa inyo?" Umiiyak na tanong ni Laura.

Pilit tinatagan ni Laura ang kanyang loob. Wala na syang iba maisip kundi ang kaligtasan ng kanyang mga kaibigan kaya gamit ang pulang usok nilabas nya iyon at nilamon silang lahat non at dinala sila sa labas ng academy. Agad nag kagulo ang mga studyante ng makita sila non habang si Laura ay patuloy sa pag iyak.


Laura's POV

Nakatulala lang ako dito sa veranda ng dorm. Nasa hospital na sila Brent umalis muna ako don para mag isip isip. Natatakot ako sa maaaring mangyare kapag nakuha muli sila ng demonyo na iyon. Mabuti nalang at naabutan kopa sila dahil kung hindi, hindi ko mapaoatawad sarili ko kapag may nangyareng masama sa kanila.

Ganon ba talaga? Matapos ang kasiyahan ang kapalit kalungkotan? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang?

Some days are just bad days, that's all. You have to experience sadness to know happiness, and I remind myself that not every day is going to be a good day, that's just the way it is.

Bumalik ako sa hospital ng malamang gising na sila. Inuna ko si Brent na nakatulala sa kisame agad ko syang nilapitan.

"Kamusta pakiramdam mo?" Mahinahong tanong ko pero sa totoo lang gusto ko maiyak andami nya kasing natamong sugat eh.

"L-laura." nauutal na tawag nya sakin.

Lumapit ako at niyakap sya ng mahigipt.

"Sorry sorry kung natagalan ako." pag hingi ko ng tawad kasabay non ang pag tulo ng luha.

"Stop crying it's not your fault and look i'm already okay." pag papatahan nya sakin kaya napangiti ako at pinunasan ang luha ko.

"Puntahan ko lang sila Ishy." paalam ko at hinalikan sya sa pisnge.

Mag kakatabi lang sila ng kwarto kaya inuna ko ang kay Ishy na syang katabi lang ni brent. Nadatnan ko syang umiiyak kaya tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" Nag tatakang tanong ko.

"N-natatakot ako l-laura papatayin nya kami." sabi nya habang patuloy sa pag iyak lalo akong nakaramdam ang awa at sakit sa dibdib dahil feel ko kasalanan ko.

"It's going to be okay Ishy hindi kona hahayaan na makuha nya kayo ulit." nakangiting saad ko at pinunasan ang luha nya.

Dahil sa susunod na lumapit sa inyo ang demonyo na iyon hindi ako mag dadalawang isip na ubusin ang lahi nya.

The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now