Chapter 5

3.9K 104 2
                                    

Laura's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, himala walang gumising sakin pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil wala akong gana ngayon hindi muna ako bumangon sa halip tumingin lang ako sa kisame nalulungkot ako sobra, bakit may mga ganong klase ng tao? Pinag hirapan ng magulang ko na mabuo ang mundong ito tapos may mga ganong masasamang tao.


Wala naman mangyayari kung mag mumukmok lang ako dito kaya naligo ako at nag ayus hindi muna ako papasok siguro pupunta nalang muna ako sa garden dahil wala talaga ako sa mood ngayon.


At isa pa hindi nag paparamdam ang kapatid ko hindi nya ba alam na naclinic ako hindi man lang mag text wala talagang kwenta eh babatukan ko talaga iyon.


Nag bihis na ako at nag ayus ng mukha.


Nag sando na yellow lang ako na may ribbon sa dibdib at pants nag sandals nalang ako dahil dito lang naman ako. Actually hindi ako sanay mag suot ng ganito dahil sa heira lagi lang ako naka dress red talaga ang favorite color ko sa dress diko alam pero nakasanayan kona din.


May isa pa akong malaking problema hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang lalaking nabigyan ng kapangyarihan hays pero alam ko naman na makakaya ko at malalagpasan ito. Nag punta na ako sa garden wala ako masyadong nakikitang tao dahil mga nasa klase pag punta sa garden nakasalubong ko si pixie.


"Mahal na dyosa"


"Hi pixie samahan mo naman ako mag gala dito sa garden hindi kasi ako pumasok wala ako sa mood ngayon." Saad ko dito.


"Sumunod po kayo sakin"


Sumunod lang ako sa kanya, ang ganda talaga dito andaming mga bulaklak aaminin ko naman na sobrang mahilig sa bulaklak ng makarating sa dulo nakita kona lanta lanta ang ilang bulaklak at sira sira.


"Anong nangyari dito?" Tanong ko kay pixie.


"May mga ibang tao po na nag punta dito at pinagsisira ang mga yan."


Nakaramdam ako ng lungkot. Tumingin tingin ako sa paligid wala namang tao kaya nilabas ko ang kapangyarihan ko at muling binuhay ang mga bulaklak napangiti ako ng makitang maayos at bumalik na iyon.


"Ah pixie aalis na ako ha hindi pa kasi ako nakain kaya babalik na ako sa loob." Paalam ko dito.


"Paalam"


Ngumiti ako rito at nag paalam, nag lakad na ako pabalik sa school at dumiretso sa cafeteria at sa hindi inaasahan andun si ateng blue hair sana lang hindi nya ako guluhin dahil talagang wala ako sa mood ngayon hay naku.


"Speaking of the devil." Rinig kong sabi nya ng dumaan ako sa harap nya.


Hindi ako matatamaan hindi naman ako devil eh angel kaya ako hihi loko loko talaga tong si ateng blue ang hair.


"Laura." Tawag nya sakin kaya nilingon ko ito ng walang emosyon sa mukha .


"Why?" tanong ko rito.


"Hinahamon kita." Matapang na sabi nento.


Hala san kaya ako nento hahamunin. Tsaka pwede bang wag ngayon jusko naman wala kaya ako sa mood hindi nya ba nakikita ang mukha ko kakairita kulayan ko ng black yang buhok nya eh.


The Goddess In The Sky Where stories live. Discover now