Chapter 02: Baeley The Manyak

112 6 0
                                    

Baeley's P.O.V.

Nagpakilala lahat ng mga classmates namin, tuwang tuwa ako dahil marami nanaman akong magiging kaibigan. Si Sehn kasi minsan sobrang seryoso, kaya lalong humahaba yung baba eh.

Natutuwa rin ako kay Dio. HAHAHA. Mukhang papatay ng tao, laging blanko lang mukha. Kaso yung kasama niya parang maangas, isa rin sigurong feeling pogi yun. Sus! Mas pogi pa ako eh. Nakikita ko na sila dati pa dito sa school Grade 7 palang kami kaso dahil iba section namin sakanila noon, 'di ko sila lubos na kilala.

Kilala rin kami rito sa school. Marami ring mga babae ang lumalapit saamin kaso ba't saakin pati mga lalaki merong umaaligid? Ba't ganon may mga nangunguha pa nga ng number ko eh, kaya madalas sinasabi ko nalang "Bro, 'di tayo talo." Hay naku! Badtrip kasing mukha ito eh, pogi naman pero maganda rin 'pag naging babae? Napaka-versatile ng mukha ko. Pero kahit ganon pa man mahal na mahal ko mukha ko no. It's the most precious treasure that I have. Marami akong ganap sa buhay pero pinakahilig ko ay ang manyakin ang kaibigan kong si Sehn HAHAHA. NO HOMO bro, masyado lang talaga akong natutuwa sa reaction niya HAHAHAHA! Atsaka gago rin minsan si Sehn eh, nakikisabay rin sinasadya niya yung mga reaction niya.

Nakaupo kami ngayon at pinapasulat ni Ma'am kung sino raw ang gusto naming makatabi, well... obviously si Sehn ang gusto kong katabi kahit tahimik siya minsan, 'pag sinumpong rin siya ng kabaliwan, bigla bigla nalang sasabay sa kulit ko iyan, 'di ko nga alam diyan parang go-with-the-flow nalang. Naging ganiyan naman iyan dahil kay... Hays. Kawawang Sehn, 'di ko nga nakilala yung espesyal na tao raw sakaniya eh. Kasi naman Grade 7 ko lang naman nakilala si Sehn, malala nga 'yan noon, sobrang tahimik at parang laging malungkot pero dahil ako si Baeley kinulit ko ng kinulit hanggang sa mag-loosen up na siya sa pagiging malungkutin.

Sinulat ko na ang pangalan ko sa taas ng papel at sinulat ko rin ang taong gusto kong makatabi, pagkatapos nun hinintay kong matapos mag-sulat si Sehn para isasabay ko nang iabot kay Ma'am yung mga papel namin.

Nang matapos si Sehn, kinuha ko ang kaniya at tumayo para iabot kay Ma'am yung mga papel. Pabalik na sana ako ng matisod ako, dahil may paa na humarang sa aking daan, nakita ko naman ang paa ng gago, nag-sorry naman siya pero dahil napahiya ako sa madlang girls sinamaan ko siya ng tingin, buti nalang di ako bumagsak sa sahig dahil napakapit ako sa desk namin ni Sehn.

"Luh? Nag-sorry naman eh." Bulong nito pero narinig ko parin.

"Shhh!" Pagpapatahimik naman ni Dio sa katabi niyang nakapatid saakin.

Dahil naaasar ako, minanyak ko nalang si Sehn. HAHAHAHAHA! Hinawakan ko yung inner thighs niya tas taas baba ng kilay ko. HAHAHAHA.

Pero mukhang wala sa mood si Sehn kaya tinigil ko na pero bago ako tumigil pinalo ko muna yung tiyan niya. HAHAHAHA! Oh la la! May abs iyan. HAHAHAHA! Pero may abs rin ako no! Secret nga lang.

-------

Natapos ang 1st subject namin. Sumunod naman ang Earth and Life Science, at dahil Earth and Life ang subject namin lumipat kami sa baba sa Science Lab. 'Di naman namin magamit ang isa pang science lab dito sa 2nd Floor dahil ginagamit na daw iyon ng mga HUMSS kaya kami nalang ang bumaba, tatlo naman Science Lab namin dito sa Building na 'to, at yung Scince Lab sa baba ang kalimitang ginagamit kasi mahina yung Air-con.

Pagka-alis ni Ma'am, sinabi agad ni Suho na pumunta na raw kami sa baba. Nakakabilib talaga yun, natural born leader talaga siya, hindi pa siya ang President namin niyan ah, pero sumunod na yung iba, siguro takot rin sila sa tatay ni Suho?

Bumaba narin kami ni Sehn dala dala yung notebook at pens namin. Bawal kasi magdala ng bag doon, baka daw may mag-bag ng mga tools o equipments. HAHAHAHAHA. As if namang interesado mga estudyante sa Beaker, Thermometer, Funnel o anumang equipment meron doon. HAHAHAHA!

RIOT (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon