Chapter 06: Going Back To Where I Should Be

63 7 0
                                    

Luhan's P.O.V

Lunes ng umaga, heto ako nakatungangang nakatingin sa kawalan habang hawak hawak ang libro na aking inaaral dito sa bahay, andito ako ngayon sa aking silid, taimtim sana akong nag-aaral dito sa aking desk, nang napansin kong umuulan.

Hays, tuwing dudungaw ako sa labas, laging umuulan, sumasang-ayon ba ang panahon sa nararamdaman ko? HAHAHA! June palang kasi at siyempre maulan talaga.

"Luhan? You should eat, bago ka mag-aral para may lakas ka." Rinig kong sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko.

"Wala po akong gana." Sigaw ko naman sakaniya, dahil baka hindi niya ako marinig at nakasara yung pinto.

Hindi ko na narinig si mommy sa labas, siguro bumaba na rin siya ngayon. Tinatamad akong bumaba ngayon kasi medyo nagtatampo pa ako sakanila ni Daddy, ilang beses ko na kasing sinasabing gusto ko nang mag-aral sa school, pero ayaw pa rin nila. 3 months ago na nang makauwi kami rito galing ibang bansa, doon kasi ako nagpagaling, ang tagal nga namin doon eh. 3 taon na rin naman na akong magaling, pero doon lang kami nagstay kasi para daw makasiguro sila mommy na magaling na talaga ako. Sa totoo lang akala ko noon nung uuwi na kami dito sa Pilipinas, doon kami titira sa dati naming bahay, pero hindi pala, 'di ko rin alam kay mommy kung bakit dito kami tumuloy. Nahihirapan tuloy si Daddy na araw-araw nagda-drive papunta sa kabilang siyudad para asikasuhin yung hospital. Doctors ang mga magulang ko, May-ari kami ng isang hospital sa kabilang siyudad, at saamin rin yung ibang mga medical clinics na naririto sa Pilipinas.

Taimtim lang akong nakadungaw sa bintana nang...

"Anak, kain ka na muna, paborito mo ito." Sabi ni mommy na biglang pumasok sa kwarto ko.

"Wala akong gana mommy eh."

"Kain na anak, sige na." Sabi naman ni mommy. "I'll give you anything you want baby, kain ka na please." Dagdag pa ni mommy.

"Talaga mommy? Paano 'pag gusto ko nang pumasok sa school? Nabobored na ako rito."

"Bakit ba gustong gusto mo nang pumasok sa school? Mas okay ka naman dito, hawak mo oras mo, walang teacher na magagalit saiyo kapag hindi mo natapos gagawin mo. Tsaka hindi ka pa ma-i-stress."

"I don't know ma, eh kasi naman yung pinag-aaralan ko General pa, balita ko may mga Track at Strands na pinipili sila. Atleast 'pag pumasok ako, focus lang ako sa kukunin ko." Sagot ko sakaniya.

"E ano naman kukunin mo? You better take something that is connected with medicine."

"Oo ma, pwede yun. Basta payagan mo ako."

"I don't know son, ayaw kong mawalay ka saakin, gusto ko kasama ko lagi ang baby ko." Sabi niya pa habang pinisil yung pisngi ko.

Hindi na ako nagsalita at kumain na lang rin. Nang matapos akong kumain, bumababa na rin ako para ilagay sa kusina yung pinagkainan ko.

Nang matapos kong hugasan ang pinagkainan ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at itinuloy ang pag-aaral, 'di ko rin kasi nakita si mommy sa baba, siguro nasa office yun dito sa bahay. Minsan nalulungkot rin ako sa sakripisyo ng mga magulang ko, lalong lalo na si mommy, magmula kasi nung nagkasakit ako, siya na naging personal doctor ko. Alam kong namimiss na ni mommy magtrabaho sa hospital, passion niya kasi talagang tumulong sa mga may sakit, kaya kahit saamin yung hospital, tumutulong pa rin siya sa ibang doctors na mag-surgery. Neurosurgeon si mommy, at kilala siya sa hospital namin na pinakamagaling sa pag-oopera, pero dahil nagkasakit ako, nag-leave muna siya para samahan ako sa ibang bansa na magpagamot. Ayaw kasi nila na dito ako magpagamot dahil ayaw nilang may masisi silang doctor sa hospital namin kapag hindi ako gumaling.

Nang tinamad akong mag-aral, nag-cellphone muna ako, binuksan ko ang aking Instagram at chineck ang feed nang nag-iisang fi-na-follow ko, madalang lang siyang magpost kaya ang lagi kong chinecheck ay yung mga tag photos sakaniya. Iba yung pangalan ko sa IG para 'di niya malaman na ako 'to. HAHAHAHA. Stalker na nga ako.

RIOT (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon