Luhan's P.O.V
Sabado ngayon, napag-isip isip kong bumili na ng mga gamit namin, binilin din kasi ni mommy na bilhan na rin daw ng gamit si Kris at si Tao, kaya heto kami ngayon nakasakay sa kotse, kasama ang aming driver, at dahil wala pa namang lisensya yung dalawa, nagpahatid na muna kami sa driver namin. Hindi ko nga alam kay mommy ba't itong dalawa pa na ito ang kinuha niyang bodyguards ko. Dapat yung mas matanda na saakin, paano makakasure si mommy na ligtas ako sa dalawang ito? Porket magaling lang sila sa mixed martial arts. Hmmm. Parang ginagawa lang naman ata akong bata ni mommy tas sila yung babysitter ko. Hays.
Nakaupo si Kris sa tabi ng driver samantalang kami ni Tao ang nandirito sa likod. Naiinis ako sa kaniya, 'di ko alam kung bakit, napaka-nosy niya. Masyado siyang tapat sa trabaho niya, akala ko ba ayaw niya na maging bodyguard ko? Argh!
Kahapon kami nakauwi rito, dala dala namin mga gamit namin pero nag-iwan pa rin ako ng iba kong gamit sa bahay namin sa kabilang siyudad, andoon pa naman yung katiwala namin eh. Yung driver lang namin tas si Ate Stella at sila Tao ang kasama naming umuwi dito kahapon. Maaga rin kaming nakarating kahapon, pagkarating namin inayos namin mga gamit ta's sila daddy naman pumunta na sa hospital, pumunta rin si mommy sa hospital at binilin nalang ako kila Ate Stella at sa dalawa. May pumunta rin sa bahay kahapon habang nag-aayos kami, yung anak ng kapitbahay namin, Dio ata pangalan, 'di ko rin alam, hindi kasi kami close nun. Hindi kasi siya lumalabas ng bahay nila dati.
Pagkarating namin sa mall, dumiretso ako agad sa paborito kong coffee shop, noong nasa kabilang siyudad kami, lagi akong tumatakas kila mommy at nagpupunta sa Finn's. Masasarap kasi kape nila, pati na rin yung red velvet cupcake, paborito ko yun.
Nag-order lang ako ng isang Caramel Macchiato, at dalawang Frappuccino para sa dalawa, sabi kasi nila kahit ano daw eh, kaya yun yung binili ko. Ang ingay pa sa loob ng coffee shop. May mga lalaking nag-uusap sa dulo, pero hindi ko sila tinignan eh. Naririnig ko lang boses nila.
Pagkatapos naming bumili, nakita kong may magandang showing na movie kaya, hinila ko yung dalawa para bumili ng ticket, HAHAHAHA! Bahala sila, mapagod sila. Pagkatapos naming bumili, umupo muna kami sa gilid, bago pumila.
Nang pwede na kaming pumasok, sinabi ko sa kasama ko na pumila na rin. Ako yung nasa unahan ng pila, kakaunti nga lang rin yung tao eh, sa medyo pinakalikod ang napili naming seats, sabi kasi nila mama 'wag daw sa malapit para hindi masakit sa mata.
Matapos naming manood, bumili na kami ng mga gamit naming tatlo. Si Kris yung nagtutulak ng cart, at kami namin ni Tao ang namimili ng mga bibilhin.
"Ang dami mo namang binibiling pens, ba't iba iba pa ang kulay? Pwede namang black lang. Ang gastos mo Luhan." Puna saakin ni Tao. Luhan nalang din ang sinabi kong itawag nila saakin tutal magkakaedad naman kami. Ayaw ko kasing sir ang itawag nila, masyado naman akong kagalang galang 'pag ganon.
"Gusto ko eh. Bakit ba?" Sagot ko naman sakaniya.
"Mayayaman talaga, hindi marunong magtipid." Bulong niya, pero mukha namang pinaparinig talaga.
"Bakit ba? Marunong ako magtipid no. Gusto ko lang talagang maraming colored pens para magandang tignan sa notebook, atsaka mas ginaganahan akong mag-aral 'pag iba't iba ang kulay ng nakasulat."
"Tumigil na nga kayo. Ang ingay niyo. Atsaka Tao, hayaan mo nalang siya, pera naman niya 'yan." Sabi ni Kris na ikinagulat ko, for the first time nagsalita siya ah.
"Pera ng magulang niya 'yan. Hindi naman sakaniya." Sagot nanaman ni Tao.
"Hayaan mo nalang, magulang naman niya eh." Pagtatanggol saakin ni Kris.
Hindi na nagsalita si Tao ganon din ako, mukhang may problema iyon sa mayayaman ah. Hays. Pati ako dinadamay.
"Hoy! Sehn!" Narinig kong sigaw ng isang boses. Kaya't napalingon ako. Nang lumingon ako nakita ko ang isang pares ng mata, matang tila lungkot at galit ang nadarama. Biglang bumilis ang tibok ng puso, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
BINABASA MO ANG
RIOT (BXB)
Romance"Love teaches us to value everything that surrounds us. Love gives us the chance to do great things. It holds every precious memories... So don't ever limit yourself to love, Regardless of Age, Social Status, Race, and Gender... we should always fee...