Dio's P.O.V
"Ako na diyan." Saad ni Kai, habang buhat buhat ko yung karton ng mga T-Shirts na pinalagyan namin ng mga personalized quotations and mga mukha namin. Hindi ko nga alam kung bakit nasama ako rito eh. Sa tingin ko, yung mga items na may mukha ako ang hindi gaanong mabebenta.
"Hindi, kaya ko naman eh. Ako na." Sagot ko naman.
"Nope, I insist, baka kasi madapa ka dahil mas na-ba-block ng karton yung tingin mo, mas malaki pa kasi saiyo 'yang karton oh." Sabi naman niya. Aba! Pasensya naman kung maliit ako.
"Sinasabi mo bang maliit ako?" Tanong ko naman.
"Nope. Malaki lang yung karton. HEHEHE!" Sabi niya sabay kuha saakin nung bitbit ko. "Mabuti pa samahan mo nalang ako i-arrange ito doon." Dagdag niya.
Sinamahan ko naman siya, lately kasi siya narin naman nakakasama ko, busy kasi si Chan kasama si Baeley sa pag-aasikaso nitong booth, kaya madalas silang magkasama.
"Dio? May isusuot ka na ba para sa Party bukas?" Tanong niya saakin habang nilalapag yung karton rito sa loob ng room namin.
"Uhm... Yup, casual lang naman tayo sa morning kaya meron na, sa mismong party naman, meron na rin... marami pa kasi akong mga damit na 'di nasusuot. Ikaw ba?"
"Meron na rin naman." Saad naman niya.
Thursday na ngayon at bukas na rin yung Acquaintance Party namin, na-i-ready na namin yung para sa booth namin, yung sa mga gagamitin sa café, tumulong na ako mag-provide ng mga brewer, tea maker, tsaka yung blender for juices ta's pati narin yung microwave, nabalitaan ko kasing nagpalit ng mga bagong equipments yung isang branch ng café namin, kaya sabi ko kay Dad kung pwede bang hiramin ko nalang muna yung ibang tools and equipments, at dahil pumayag siya, ito na lang inambag ko, hindi na ako nag-provide ng money.
"Dio, salamat nga pala sa pagpapahiram nung mga gamit ah." Saad ni Baeley nang makita niya kami ni Kai.
Tumango lang naman ako sakaniya at ngumiti, mukha kasing nagmamadali rin siyang lumabas ng room eh.
----
Nang matapos kami lahat sa mga ginagawa, nagpahinga na rin kami, magkakasama na kami nina Suho ngayon, kompleto kaming 12 na nakatambay sa mapunong lugar dito sa campus. May table kasi rito na pinag-lalaruan dapat ng chess pero ginagawa lang tambayan.
"I-terno kaya natin mga damit natin sa isa't isa?" Saad ni Lay na nasa sanga ng puno.
"Korni naman nun. Ayoko." Saad naman ni Xiu sakaniya.
"Ayoko rin, nakabili na ako ng damit ko." Sabi naman ni Baeley.
"Ayoko rin eh." Sabi naman ni Luhan.
Hindi naman siya pinansin ng iba. Mukhang pagod na pagod kasi ang lahat kaya walang gana.
"Okay na ba lahat?" Tanong naman ni Baeley.
"Uhm. Oo. Nag-aayos nalang yung iba doon." Sabi naman ni Chen.
Wala kaming ginagawa ngayon dahil kaninang umaga lang kami nagklase at ngayong hapon naman, hinayaan muna kami ng mga teachers na mag-ayos para bukas.
"Uwi na kaya tayo?" Saad ni Lay.
"Bawal pa." Sabi naman ni Suho.
"Edi mag-cutting na tayo. Wala rin naman gagawin eh." Saad muli ni Lay.
"Eh kung sipain kaya kita. Dadamay mo pa kami." Sabi naman ni Suho sakaniya.
"Ano palang gagawin natin ngayon?" Saad ni Xiu
BINABASA MO ANG
RIOT (BXB)
Romantizm"Love teaches us to value everything that surrounds us. Love gives us the chance to do great things. It holds every precious memories... So don't ever limit yourself to love, Regardless of Age, Social Status, Race, and Gender... we should always fee...