Dio's P.O.V
Biyernes ng umaga nang magising ako sa ingay ng alarm clock ko. Urgh! Another day to spend in this shitty place called school.
Agad akong bumangon at nagpunta sa C.R. ng aking kwarto para makaligo at makapag-ayos na rin. At dahil Friday ngayon P.E. namin ang 2nd subject, kaya naman kailang kong idala yung uniform ko ng P.E. at pati na rin yung rubber shoes ko.
Inilagay ko lang yung P.E. uniform ko at yung shoes ko sa gym bag na binigay rin ng school para sa lahat ng estudyante. Kung tutuusin hindi ko naman talaga hate ang school namin, Maayos naman ang Alvarez Academy, magagaling ang mga Teachers, and obviously hindi ko rin hate ang pag-aaral, ayaw ko lang talaga sa mga estudyante. Marami kasing maarte, maraming pabibo, ta's mga chismosa't chismoso, and of course may mga bully rin, well... technically hindi naman mawawala ang bullying eh, kahit saang school ka magpunta, meron at meron pa rin 'yan. Pero sa 11 years ko namang experience sa Alvarez' wala pa naman akong na-encountered na bumully saakin, maliban kay Chan. Hays! Siguro kaya rin hindi ako nabubully sa school dahil, takot rin silang lumapit saakin, ako kasi yung weird kid sa school na laging nakatingin ng masama. Hindi naman ako purposely na tumitingin ng masama kahit kanino, hindi ko lang talaga makakita ng malinaw, at dahil ayaw kong isuot yung salamin ko... lagi akong nakatingin ng masama.
Nang matapos akong mag-ayos, dinala ko na rin yung backpack at gymbag ko pati phone ko sa baba, para hindi na ako bababa mamaya. Nakita kong si Mommy pala ang nagluluto ngayon ng breakfast namin, samantalang nakaupo si Daddy sa dulo ng dining table. Himala ata nandito silang dalawa, rare occasion nalang kasi na magkakasama kaming kumain ng breakfast dahil parati silang wala. Si daddy sa kompanya, si mommy naman madalas ring wala dahil inaasikaso niya naman yung shares niya sa business nila, business ng mga magulang niya actually, pero dahil umalis na sa paghahandle ng kompanya si lolo, ipinamana niya ito sa panganay na anak nila which is yung kapatid ni mommy na si Tito Alfonso, nag-invest lang si mommy sa kompanya na hawak na ngayon ni tito, tinulungan niya si Tito, muntik na kasing malugi kayang para maisalba, tinulungan niya ito.
"Himala Dad, naabutan ko kayo ngayon ah." Saad ko. Hindi naman ako tinignan ni dad kasi nagbabasa siya ng news sa tablet niya.
"Wouldn't you feel more thankful na kasama mo kami ngayon kesa ganiyan ang sinasabi mo?" Sabi naman ni dad ng malumanay, hindi naman matapang si dad, kaso 'pag siya kasi yung nagsalita parang malaman. Yun yung talent niya eh. HAHAHAHA. Ma-otoridad talaga siya. Ang lalim pa ng boses.
"I am, kaya nga masaya ako oh, see!" Sabi ko sabay turo sa hindi naman nakangiti o masayang mukha ko, blangko lang.
"Iyan na yung masaya?" Tanong naman ni mommy.
"Hay naku ma, masaya na 'yan pero, hindi pa masayang masayang masaya." Sabi naman ni kuya na nasa likod ko na hindi ko napansing bumaba na rin pala.
"Ganito itsura niya kapag masayang masayang masaya." Sabi ni kuya sabay kiliti sa tagiliran ko.
At dahil kinikiliti niya ako, hindi ko mapigilang tumawa, siyempre kinikiliti eh. Tss.
"HAHAHAHAHAHA! KU-HAHAHA-YA, TA-MA HAHAHAHA NA!" Pagpipigil ko naman sakaniya sa pagitan ng mga tawa ko.
"Tumigil na nga kayo diyan, Let's eat." Pagsasaway saamin ni mommy.
Umupo na ako sa tabi ni mommy, habang si kuya naman ay nasa tapat niya nakaupo.
"So... how's school anak? Are you enjoying it?" Tanong ni mommy saakin.
"Well, kind of, I met new friends. And do you know Mr. Manzano dad? The former owner of B-Gamer Company?" Saad ko naman, sa pamilya ko lang kasi talaga ako madaldal.
BINABASA MO ANG
RIOT (BXB)
Romance"Love teaches us to value everything that surrounds us. Love gives us the chance to do great things. It holds every precious memories... So don't ever limit yourself to love, Regardless of Age, Social Status, Race, and Gender... we should always fee...