Chapter 05: Mortal Kombat, Mortal Enemy

74 8 0
                                    

Baeley's P.O.V's

Dalawang araw na rin ang nakalipas nang makilala ko ng lubos sina Dio, biyernes ngayon at heto ako nakikinig sa Teacher namin na si Sir Zamora.

Bored na bored lang akong nakatingin sakaniya kahit na wala namang pumapasok sa isip ko na tinuturo niya, mas napapansin ko pa yung mahaba niyang buhok sa ilong na nag-camouflage na sa bigote niya, meron rin siyang nunal sa gilid ng ilong at nakasalamin siya. Hays, kawawa naman si Sir ang taas na ng hairline niya, mukhang mapapanot na siya ah. Pogi naman sana si Sir eh, mukha nga lang stressed, depressed, at mukhang trabaho nalang ang inaatupag, ang dami na kasing kulubot yung noo niya. HAHAHAHA. Ireto ko kaya ito kay Ante Sally. Si Ante Sally kasi sa na nagtitinda ng turon sa gilid ng computer shop na pinaglalaruan ko ay parang malungkot na rin sa buhay. Mukhang bagay sila, malay mo maging masaya sila pareho. HAHAHAHA.

Nakamasid lang ako sa paligid, mukhang si Dio, si, Suho, si Chen at ilang mga babae lang ang interesado sa subject, yung iba kasi nakatingin nga pero lutang naman. Bored na bored naman si Kai habang pinapaikot yung pen niya sa desk niya kaya nang mapansin siya ni Sir, tinawag siya at pina-explain sakaniya yung dinidiscuss.

"Mr. Enriquez, could you please tell what is Annuity?"

Tumayo si Kai at hindi agad sumagot.

"Mr. Enriquez, you're wasting my time! Sit down." at humarap si Sir sa board para magsulat, at doon nagsalita si Kai.

"An annuity is payment, series of payment made at equal intervals. Regular deposits to savings account, monthly insurance payments, monthly home mortgages, and pension payments are examples of annuities, it can also be classified by the frequency of payment date, it may be made weekly, monthly, quarterly, yearly, or at any other regular interval of time. There are many types of annuity and it is classified in timing, contingency, variability and deferral of payments. Valuation of an annuity entails calcula..." Sagot naman ni Kai.

"Okay... Very well said Mr. Enriquez." sabi naman ni Sir Zamora.

Umupo naman si Kai nang nasagot niya, lahat kami'y nakatingin sakaniya... ANG GALING NIYA!!! Matalino pala 'to. Nakakabilib naman. Napansin ko namang nakatitig sakaniya si Dio. Hmm? Bilib na bilib ka ba Dio?

Mag-di-discuss pa sana si Sir nang biglang nag-bell. Woooh! Sabado na bukas, maghapon akong makakapaglaro ng Mortal Kombat. Woohooooowww!

Matapos ang klase inaya nina Lay at Xiu sina Kai at si Ungas na mag-laro ng Basketball. Tumanggi naman si ungas dahil may gagawin pa raw siya. Hmm? Inisip ko naman na mabobored lang ako sa bahay kaya binalak kong ayain nalang sila sa bahay, tutal 'di rin naman sila mag-ba-basketball dahil tumanggi rin si Kai.

"Tara doon nalang tayo saamin. Wala pa naman sina Mommy at mga kapatid ko eh, kaya doon muna tayo sa amin,maglaro nalang tayo ng Xbox o kaya manuod ng movie." pag-aya ko sakanila

"Kayo nalang, may gagawin pa ako eh." Pagtanggi naman ni Chen.

"Cous' wala ka namang gagawin eh, magbabasa ka lang naman saiyo. G ako, tara na, tutal friday naman na atsaka first week palang ng pasukan, chill ka muna." Saad naman ni Xiu sa pinsan niya.

"G rin ako bro." Sabi naman ni Lay

"Hmm. Ako rin pala, ayoko pa umuwi eh." Sabi ni Suho

"Sige na nga." Sabi naman ni Chen.

"Ikaw ba Kai?" Tanong ni Suho kay Kai.

"Kayo nalang muna siguro." Sagot naman nito.

"Sama ka Kai. Sama ka na~" Pagpipilit ko naman sakaniya.

"Sige pala." Sagot naman niya.

"Yehey! Mag-eenjoy kayo promise. HEHEHE!" Saad ko. "Kayo ba Dio? Sasama rin kayo?" Tanong ko naman sa dalawa

RIOT (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon