Chapter one
Bea's POV
"Congrats everyone for your early submission of your reports! Nalampasan natin ang sales of marketing na ibinigay sa'tin kaya may bonus ang kompanya na ibinigay sa'tin as their depth of gratitude. They will give us free trip to Palawan and all expenses are paid by the company" Nagpalakpakan ang mga employees.
"quite muna.. uuwi tayo ng maaga ngayon dahil bukas na tayo tutungo sa Palawan kaya maghanda na kayo dahil bukas 9 am ay dapat dito na kayo kung hindi ay maiiwan ang late"
"wohoo! ayun!"
"omg, I'm ready to wear my swim suit na! "
"makakasungkit na naman tayo ng chics pre"
"ang daming foreigner sa Palawan bes! "
Isa lang ang nararamdaman naming lahat ngayon, saya at excited lalo na at free lahat! Maghahanda talaga ako ng susuotin ko mamaya sa bahay.
"bakla duon na siguro ako makakahanap ng jowa!" Excited na turan ni Kristy sa gilid ko. Kristopher Magsalang ang totoong pangalan niya. Inilapit niya ang upuan niya saken tsaka ako niyugyog ng husto.
"tss. wag excited bakla baka maudlot" natatawang sambit ko. Ngumiwi nalang siya. "ang kj mo gurl! kaya hindi ka nakaka bf eh ganyan ka! think positive baka dun na mawawala ng virginia island mo!" natatawa ring turan niya. Inirapan ko nalang ang bakla.
"guyss!! isasama ko si Andri dun pwede naman sigurong magdala ng chaperon" ani Rochelle at inilapag sa table ko ang isang folder.
"haha baka dun na mabubuo si junior niyo girl! haha ninang kami ah! " tumawa lang si Rochelle sabay irap.
"ano toh?" tanong ko sabay pakita ng folder.
"ahh pakibigay nalang kay sir Evans kasi kailangan ko kasing umuwi ng maaga eh dumating kasi si nanay"
"ay dzaii! de nanay ka na ah!" sambit ni Kristy sabay tulak kay Rochelle.
"oh pano uwi na ako ah!"
Nagpaalam na si Rochelle pati si Kristy rin ay nagpaalam na rin dahil kailangan niya na ring umuwi kaya ako naman ay naiwan dito at ibibigay ko pa kasi tong folder kay sir Evans.Pagkapasok ko ay naabutan ko si sir Evans na nagta type. Matanda na si sir Evans siguro dahil na rin sa stress niya sa trabaho. Siya nalang kasi mag-isa sa buhay. mga mid 50's na rin siya. Mabait si sir. Kaya nagtataka ako kung bakit wala siyang pamilya.
"uhh good evening po sir"
Napaangat ang kanyang mukha at napangiti ng makita ako. "pasok iha" Pumasok naman ako.
"ah pinabibigay po ito ni Rochelle nauna na po siyang umuwi dahil may aasikasuhin pa raw ho siya" paliwanag ko. Tumango naman ang matanda.
Pagkalapag ko sa mesa niya ay may nakita akong picture frame ng isang magandang babae at akay nito ang isang baby. Medyo luma na rin ang picture.
pamilya kaya toh ni sir?
"that's my wife and my son" nagulat ako. Nahiya tuloy ako dahil baka akalain ni sir echosera ako. Eeh! baka bawasan niya sweldo ko! >~<
"uhh s-sorry po sir.. I didn't mean.. t-to--" sheyte!
"no ija it's okey" napahinga naman ako ng maluwag.
"eh n-nasaan na po sila?" Hindi ko napigilang itanong. Naging malungkot lang ang itsura ng matanda.
"they died.. in a plane crash" Nagulat ako. I feel guilty. Sana pala di na ako nagtanong baka bawasan sweldo ko. >~<
"s-sorry po sir..I didn't mean to--"
"it's okey lang talaga iha.. I can tell you naman no one ever asked me lang kasi about this" Napanganga ako. Charot ang taglish ni mr. CEO!
Hindi nalang ako nagsalita baka mas lalo lang akong nagiging echosera eh.
"One day, naisipan naming magbakasyon sa Hawaii. We rode a private chopper. But accidentally, Nasira yung makina ng helicopter. Nacrash ang sinasakyan namin sa dagat. Luckily, nakaalis ako sa helicopter bago ito sumabog... Nagpalutang-lutang ako sa dagat at huli ko ng napagtanto na wala na yung mag-ina ko... " Nakinig nalang ako kasi nakakaintriga naman kasi.
"natagpuan ako ng mga rescuer. Sinabi ko sa kanilang nawawala ang mag-ina ko. We searched the whole ocean. But they said it has no chance that my wife and my son will survived kasi baka kasama sila sa pagsabog o dikaya nalunod sa dagat. I didn't believe them. Im still holding on a tought that my wife and my son are alive unless makikita ko ang mga bangkay nila." Patuloy niya.
Naiyak ako sa kwento ni sir. Tumutulo-tulo pa yung sipon ko. Siyempre alangan namang di ko isinga kaya sininga ko na talaga sa panyo ko.
"oh? ms. Peralta? mas naiyak ka pa talaga sa akin? " umiling nalang ako.
" hehe nadala lang ho sir."
"kaedaran mo na sana yung kaisa-isang anak kong lalaki ngayon sigurado magkakasundo kayo" Natawa nalang ako. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang magempake.
As usual, ako nalang mag-isa sa bahay nasa Amerika na sina papa at ang nakabababatang kapatid kong si Miguel.
American citizens na sila dun. Pero mas pinili kong dito sa Pilipinas magiistay dahil iba pa rin ang simoy ng bansa natin. Oh ha? bongga noh?!Kinagabihan ay naghanda talaga ako ng mga damit at gamit. Inilagay ko na ito sa isang travelling bag imbes na sa maleta dahil iilan lang rin naman ang dala ko. Hello? isla lang yun noh? di yun star magic ball.
At dahil napagod ako ay agad naman akong nahiga.
Im so excited! sana nga ay makakahanap na ako ng bf dun hehe. ^__^v 19 years old palang ako ngayon eh. Maaga kasi ako nakapagtapos dahil maaga akong pinaaral ni mommy noon.
At dahil pagod na talaga ako ay nakatulog na ako ngayon.
------------------------
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE! LOVELOTS!! 😘💕SARANGHAE!
BINABASA MO ANG
My Native Husband
General FictionBeatrice Peralta dreamt for a fairytale wedding. Simula nung bata pa lang ito ay gusto niyang makapag-asawa ng mayaman. But fate will always prevail. Dahil sa isang aksidente ay natagpuan nila ang isang maliit at payak na pamayanan sa isla. Duon niy...