Chapter two

13 3 0
                                    

Chapter two

Maaga akong gumising at ginawa ang morning rituals ko at dumiretso na sa napagkasunduan naming lugar kung saan kami lahat magkikita-kita.

"uy gurl wala pa ba sina Andri at Rochie?! " bungad ni Kristy saken pagdating ko. "ouch, wala lang man bang good morning?" kunwaring nagtatampo ako. "tss ang arte naman ng lola ko edi mag gu-good morning" Inirapan ko nalang siya at tumawa.

"bakit aalis na ba tayo?" maiba ko.

"hindi pa naman"

"o bakit parang di maganda aura naten ngayon? anyare? " Nagkibit-balikat lang siya.

"eh kasi kinakabahan ako na parang natatae a ano, basta! di ko alam basta feel ko lang na may something na mangyayari eh" Aniya. Paranoid naman ang baklang toh.

"sus guni guni mo lang yan baka excited ka lang makakita ng abs duon tss ang landi mo bakla ah" tumawa kami.

"hi guyss  you ready? " biglang sulpot ni Rochelle kasama ang fiance niyang si Andri. "naku, kanina pa kami day kayo lang naman tong inaantay namin noh! tara na nga"  aya ni Kristy kaya pumasok na kami sa loob ng van at nagbyahe papuntang pier. Pagdating namin duon ay ipinasok na ang van sa loob ng malaking barko.

Tahimik lang kami sa loob habang bumibyahe ang barko patungo sa Palawan. Tahimik lang ang byahe namin. May mga nagsa sound trip, naglalambingan, nagtatawanan at nagchi chismisan. Oh tahimik namin diba?

"girl tara picture tayo sa labas" aya ni Kristy.

"kayo nalang muna ni Rochelle tinatamad pa ako eh" ang totoo niyan ay takot ako sa dagat. Ewan ko basta ayoko talagang tumanaw ng dagat. Takot rin ako sa heights. Yung kapag nasa taas ka ay bibilis ang tibok ng puso mo at manginginig bigla yung tuhod mo.

"guyss tara pic tayo sa labas! geh na please! " naku naman isa pa tong si Rochelle.

" ay yun nga sabi ko eh kaso itong si baklang Bea ayaw lumabas ano kj lang teh? " umirap lang ako.

"sige na Bae please minsan lang naman to eh"  Wala na akong magawa at lumabas na kami. Tanaw na tanaw ko ang malawak na kulay asul na karagatan. Ang sarap ng simoy ng hangin! pero pinili kong dito lang ako pumwesto sa isang bech.

Habang sayang saya sila sa pagpipicture ay bigla kaming narinig na nagsigawan.

"nasusunog ang Kitchen! "

"nilalamon ng apoy ang kusina kailangan nilang maapula ang malaking apoy baka kumalat sa buong barko!"

"eh marami namang tubig sa dagat oh!"  rinig pa naming wika ng isang crew ng barko.

Ilang saglit lang ay biglang may sumabog na napakalakas.

"may mga pirata!" Sigaw ng isang lalaki. Nagsitakbuhan naman ang mga tao pati na rin ang mga kasama naming nasa loob ng van kanina.

"anong nangyari? " di ko namalayan ang pagsulpot ni Megan sa harap ko. Hindi ko siya marinig dahil para akong nabingi.

"may mga piratang nakapasok sa barko naten! nasususnog na ang dining hall naten! ilikas niyo na ang mga tao dali!!"  sigaw ng isang crew ng barko.

Nagsisigawan ang mga tao habang nagpuputukan ang mga baril.

"Halika na teh! mamaya na ang tulala mode mo at kailangan nating makaalis dito bago tayo makuha ng mga pirates of the sea dito! " sabay hila ni Kristy.

"paano ang mga gamit naten?!" nag-aalalang tanong ni Rochelle. "wag mo ng isipin yun hon tayo na!" May sumabog na naman kaya napatili kami pareho nina Kristy at Rochelle. Nakita ko pang nilalamon ng apoy ang kabilang bahagi ng barko.

"hey! stop right there! " rinig naming sigaw nung isang pirata ata yun kaya nagtinginan kaming apat .

" sa bilang kong tatlo tatalon tayo lahat" bulong ni Andri sa amin. "I'm scared babe" sambit ni Rochie. "I'm here. Trust me" seryosong saad ni Andri habang nakatingin ng direcho kay Rochie. Sana all may ganyanan.

Ba naman Bea? iniisip mo pa yang sana all na yan haler nasa gitna kayo ng panganib!

Papalapit na ang pirata kaya mas lalo kaming kinabahan. Bakit may mga pirata dito? Nakapasok na raw sila dito bago nilusob ang barko. Sila kaya sumunog sa dining hall ng barko?!

"tatlo! "

wait? tatlo agad?!

" WAAAHHHHH!!!! " Tumalon kami lahat sa dagat. Nalubog kami at lumangoy palayo. Hindi ko na narinig ang sigaw nung pirata sa amin dahil sa current ng tubig. Hindi ko alam kung ligtas na ba kami at paano na ang iba naming mga kasama?

Makakasurvive ba kami na palutang-lutang dito sa dagat?

Jusko! sana naman ay hindi ako mapagod at mapulikat kakalangoy ngayon! Hanggang sa nawalan na ako ng malay at lakas. Bago ako nahimtay ay may humila sa akin.

___________________________________

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME ON WATTPAD FOR ANOTHER UPDATE! 💖💖

My Native HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon